Chapter 37

8 1 0
                                    

"Doc ano? Ano pong nangyayari sa anak ko?"

Balais na balais si Mommy sa pagtatanong sa Doctor kung ano ang nangyayari kay Ate. Tinatalo ako ng panghihina. Kasalanan ba namin ito? Ang gusto lang naman namin ay ang hayaan siyang makapag-isa kasi dun siya masaya eh. Pero bakit ganito, parang dahil sa pagmamahal namin sa kanya ay napapahamak siya?

Halos hindi pa rin makaimik ang Doctor sa kanyang kinatatayuan.

"Doc, ligtas na ba siya?" tanong ulit ni Mom.

Halos gumuho na ang mundo namin sa pag-iling ng Doktor. Nabubuo na ang konsepto sa isip ko na ayaw kong lumabas sa bibig niya.

"I'm so sorry but your daughter has a Stage four Chronic Lymphocytic Leukemia wherein there are too many lymphocytes in her blood and too few platelets. Sad to say but.. mahihirapan na po kaming gamutin siya unless, ililipat niyo po ang anak niyo sa ibang bansa para magpagamot."

Ang sakit sakit dahil kapatid ko siya, at ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan. Kung kaya ko lang akuin lahat ng dinadala niya, gagawin ko. Bakit kasi lahat na lang ng masasakit na pangyayari ay inako niya?

"Doc, malaki pa po ba ang chance na mabuhay siya?" tanong ko.

"Stage four na po ang Leukemia at honestly speaking, maaring isang buwan o ilang araw na lang ang natitira para mabuhay siya. Pero let's think positive. Ang kailangan lang natin at ng pasyente sa ngayon ay ang prayer. Mauna na po ako," sagot ng Doctor.

Napabuntong hininga ako ng ilang beses at nagsimulang yakapin si Mom. Isang buwan o ilang araw? Ang damot naman yata ng ganun. Eh tatlong buwan pa nga lang kaming nagkakasama samang pamilya eh tapos kukunin agad si Ate? Hindi pwede. Kailangang gumawa kami ng paraan. Kailangang makabawi kami sa kanya.

"Mom, wag tayong mawawalan ng pag-asa. Gagaling si Ate. Magtiwala tayo."

Pumasok na kami sa loob ng ospital para tignan ang naghihirap na katawan ni Ate. Umupo ako sa tabi niya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. "Ate.. Gigising ka pa ha? Maglalaro pa kayo ng anak ko. Wag mo kaming iiwan ha?" wika ko habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.

Ilang minuto ang inintay ko para imulat niya ang kanyang mata pero hindi nangyari iyon. Ngunit hindi ako dapat sumuko.

"Ate.. Naaalala mo pa ba nung bata tayo? Yung kapag napapagalitan ako ni Mommy dahil palagi akong nasa Rancho tapos kapag umiiyak na ako, sinasabi mo kay Mom na tama na po.. Natatandaan mo pa ba yung mga araw na kinakarga mo ako sa likuran mo sa tuwing nanaisin kong sumakay ng kabayo pero hindi pa pwede kasi nga mga bata pa tayo? Natatandaan mo pa ba yung mga panahon na palagi kang nasa tabi ko kapag inaaway ako ng kaklase ko? Pinapakain mo ako sa t'wing nagugutom ako.. tapos ate, alam mo bang ikaw na ang itinuring kong Ina simula nung nagbago si Mommy? Ikaw yun eh.. Mahal na mahal kita. Nagkamali ako dati dahil iniwanan kita. Bata pa kasi ako nun at ang alam ko lang na solusyon ay ang takasan ang problema. Pero alam mo ba na hindi kita nakalimutan? Gabi gabi, iniisip ko kung nasa maayos kang kalagayan.. kung may napapagsabihan ka ba ng problema.. kung may tumatayong kapatid sa'yo nung nawala ako. Ate, sana natatandaan mo pa lahat. Kasi ako, kahit ilang beses pa atang pagbali-baligtarin ang mundo, hindi kita malilimutan dahil walang makakapantay sa'yo. Mahal na mahal kita Ate..."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa napansin ko ang paggalaw ng kamay ni Ate at paghigpit ng hawak sa aking kamay.

"Ate.. Gising ka na."

Sa sobrang kasiyahan ko ay bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit.

"Chandria.."

"Bakit Ate?"

"Bakit ako andito? May sakit ba ako? Anong sakit daw?"

Gusto ko mang ikubli ang katotohanan, hindi ko magawa. Napatungo na lamang ako nung itanong niya sa akin ang bagay na iyon.

"Ate.. Leukemia eh. Bakit mo kasi pinabayaan ang katawan mo?"

"Stage?"

"Four Ate."

"Hindi ko inakala Chandria. Kaya pala palagi kong nararamdaman na may sakit ako."

"Ate.. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo ha?"

Tumango na lamang siya. Bakas na bakas sa mukha niya ang lahat ng negatibong emosyon at nahihirapan akong tignan siya.

"Ate, tatawagin ko lang si Mom.. okay lang ba?"

"Sige."

Frances’ POV

Nagising na lang ako rito sa ospital at nakalimutan ko na kung ano ang mga huling nangyari noong nasa bahay pa lang ako. Kahit hindi nila sabihin, alam ko sa sarili ko at ramdam na ramdam ko na hindi na ako magtatagal. Pero pinipilit kong lakasan ang loob para labanan ang sakit na ito.

Nakita kong papalapit si Mom at umupo siya sa tabihan ko. Mabigat pa rin ang paglalabas niya ng hinga pero binigyan ko siya ng isang ngiti at umasang mapapalitan ng aliwalas ang gusot niyang mukha.

"Malubha ang sakit mo. Ang tanging paraan na lang ay ang pagpapagamot natin sa ibang bansa," aniya habang nakatitig sa akin ang mga naaawang mata.

"Nakikiusap po ako pinilit kong hawakan ang kamay ni Mom kahit sobrang hirap na hirap na akong gumalaw. Let me decide for myself.. Let me decide for good."

Kitang-kita sa mukha ni Mommy ang hindi niya pagsang-ayon. Pero anak..

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay at pilit kong pinigilan sa pagpatak ang aking luha. Ayokong mawalan ng pag-asa pero kailangan ko na lang sigurong tanggapin ang katotohanan.. na hindi na ako gagaling pa. Lets just make good memories on the remaining days.

"Anak.."

"Sorry po.. Naging matigas kasi yung ulo ko e. Siguro, kung hindi naman po ako umalis, maayos pa ang lahat. Pero Mom.. eto na ako oh.. nangyari na ang lahat at hindi na po natin maibabalik ang nakaraan. Pasensya na po."

Sobrang sakit sabihin ng mga salitang iyon lalo pat magulang ko ang nasa harapan ko. Alam ko kung gaano nila kagustong mapabuti ang kalagayan ko pero yung pag-asang hinahawakan ko, parang unti-unti kasing nawawala. Mawawala na ako.. siguro makaraan ang ilang minuto.. Ilang araw o isang buwan? Walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay. At sa natitirang oras ng pamamalagi ko sa mundong ito, gusto kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin para maging posible ang bawat imposible. Gusto kong magpatawad.. Gusto kong magparaya.

Tutunguhin na ni Mommy ang palabas ng ospital pero agad ko siyang tinawagan. Sandali lang po.”

Nang muli niyang ibaling ang kanyang mukha sa akin ay nakita ko ang paghahabulan ng luha sa kanyang pisngi. May hihilingin po sana ako.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Gusto kong akuin ang sakit na nararamdaman niya. Isa kasi sa pinakamasakit na makita ay ang umiiyak ang isang Ina.

“I wanna talk to Amara and Craig..”

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon