Chapter 28

33 3 0
                                        

#LoveLie

I was stuttering when I opened the door and saw Amara. "L-lumayo ka sa akin please Amara.. Ayokong makapatay!"

Malay ko ba kung may binabalak syang masama sa akin. Bakit ba kung kailan kasing gabi eh saka naman sya napunta rito sa apartment.

I was shocked when she grinned. Mas tinigasan ko ang pagkakaturo ng kutsilyo sa kanya.

"Frances.. Relax. Wala akong balak na masama sa'yo. Narito ako para kausapin ka," aniya.

Natatakot ako. Baka may gawin sya sa akin. Napatingin ako sa kanyang dala-dala. Pagkain iyon. I think, it's from Greenwich. Gusto kong tumalon para kunin ang pagkaing hawak hawak ni Amara.

"Mm.. N-no,"  I said in haste. "Maari ka ng umalis," I continued.

Namutla si Amara na para bang napahiya sya ng sobra. "Please.. Kahit kapaan mo ako rito para lang papasukin mo ako at makausap ka, sige gawin mo. Wala na akong balak manggulo," aniya.

Sa sinabi nya, parang nakumbinsi ako na papasukin sya at i-entertain. Mukha naman syang anghel sa suot nya ngayong off-shoulder at hanggang tuhod na palda.

"May kasama ka?" I said with a hesitation.

"Wala."

Hindi ko maintindihan pero para akong inaatake ng trauma sa tuwing makikita ko sya at naalala ang mga ginawa nya sa akin.

"P-pero kung gusto mo, at talagang hindi mo ako kayang papasukin sa loob, kaya ko na rito sa labas."

"Pumasok ka na sa loob," I said with a smile plastered on my face.

"Sandali lang ha, wala kasing stock na meryenda sa bahay. Bibili lang ako sa labas."

"No need, hindi na ako rin ako magtatagal Frances. Kakausapin lang kita ng mabilis."

Hindi ko alam pero hindi pangkaraniwan ang Amara na kaharap ko sa ngayon. Parang ang mala-demonyo nyang budhi ay napalitan ng pagka-anghel.

Sinapo nya ang kanyang ulo. "Frances," she murmured.

"Bakit?"

"Promise me, aalagaan mo si Craig ha?"

Unang una ayokong mangako sa isang taong hindi ko naman pinagkakatiwalaan. Pangalawa, hindi ko pa rin mahal si Craig at ayokong masaktan sya at umasa kapag ginawa ko ang bagay na iyon.

Pero kung iyon ang ikasasaya ng babaeng nasa harapan ko sa ngayon, bakit hindi ko gagawin?

"B-akit m-mo sinasabi 'yan Amara?" nauutal kong tanong sa kanya.

Amara held my hand and begun bursting out into tears. "Aalis na ako Frances," wika nya sa mahinahong tono.

"At sa huling sandali ng pamamalagi ko rito sa Pilipinas, gusto kong masilayan ulit ang ngiti ng taong minahal ko."

Hindi ako nakapagsalita. Ang tanging nagawa ko lamang ay ang yakapin sya.

Hindi ko man sya kakilala, gusto kong pagaanin ang kung anumang nararamdaman niya.

"Tahan na Amara."

"Mahalin mo ang lalaking minahal ko at naiwala ko dahil sa aking panloloko," she added.

Gusto kong itanong kung paano nya naloko ang ganoong klase ng lalaki. Hindi naman siguro madaling ibigay kay Craig ang lahat dahil sa ibinibigay nyang atensyon sa isang babae.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon