Chapter 34
To: Aira
Sorry for leaving. I'll be back soon. Thank you for being one of my friends in Batangas.
Nasilayan ko ang paglapit ng barko sa Pier na punung puno ng ilaw. Hindi mapakali ang isa't-isa upang makapaghintay ng pagkakataong makababa. Halos mabasag ang pandinig ko sa lakas ng ugong na dulot ng pagdaong ng barko ngunit sa kabiyak naman ng aking nararamdaman ay ang kasiyahan. Sa wakas! Makababalik na rin ako sa amin.
Ilang taon man ang lumipas, hindi ko nalimutang magbalik. Pero mabuti na lang, lahat na sugat na aking dinala ay naghilom sa muli kong pagbabalik.
"Miss, akin na po ang inyong dala-dala," wika ng isang tauhan sa barko habang patuloy niya akong inaalalayang makababa sa barko.
Napakalamig at napakabanayad ng simoy na nanggagaling sa dagat. Saglit akong napatigil at napapikit. Sa muli kong pagdilat ay bumungad naman sa akin ang sumisilip na sinag ng araw.
Ang sarap sarap sa pakiramdam.
Ngunit bago pa man tuluyang mabasag ang bukang liwayway ay sumakay na ako sa isang taxi habang bitbit pa rin ang aking maleta.
"Sa may Rancho de Grande lamang po."
Hindi naman kalayuan ang lugar na iyon kaya mabilis naming narating iyon.
Unang apak ko pa lamang sa lupain ay napansin kong napakalaki ng pinagbago nito.
Ang bughaw mansiyon ay naging kulay puti at parang wala kang mababakas na hitsura nito dati.
Sumalubong sa akin ang dalawang "unfamiliar" na guards. "Ano pong kailangan nila?"
Huh? Hindi ba ako naipakilala nina Mom sa kanila?
Halos tarayan ko sila sa aking sagot. "Excuse me, I'm the daughter of the owner of this mansion. So please, excuse me first bago ko pa kayo ipasesante kay Mom."
Nanatili ang nakakunot nilang kilay at may kung ano silang pinag-uusapan.
"Please.. I'm fucking tired. I need a rest."
"Tama po ba kayo ng pinuntahan? Hindi po talaga namin kayo kilala," sagot sa akin ng isang matipunong guwardiya.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...