Chapter 5

66 7 0
                                        

#ETERNITY


Today is March 02, 2015 at bukas na gaganapin ang Enderun University Parent's Day. Kailangan kong kausapin sina Mom at Dad tungkol dito. Dali-dali akong nagpahatid sa hospital at natagpuan ko sa loob sina Mommy at Daddy na nag-uusap.

"Mom.. Dad," bati ko sa kanila habang nakangiti.
"Anak, bakit ka napadalaw?" ani Daddy.
"Ahmm... Tomorrow is our Parent's Day at gusto ko po sana kayong imbitahan," nakatungo kong sinabi.
"Alam mong bata ka, hindi ka ba nakakaintindi? Hindi mo ba nakikitang ang hirap hirap ng pinagdadaanan ng Daddy mo? Busy ako.. Alam mong walang makakapunta, hindi ba?" nakakunot na sabi ni Mommy.

Ano bang silbi ng pag-attend ko sa Parent's Day kung wala namang magulang?

"Lina, huminahon ka. Gagawan natin ito ng paraan. Hindi pwedeng walang pupunta sa Parent's Day. Anak natin yan. Responsibilidad natin ang suportahan sya," ani Daddy
"Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon mo? Paano ka makakatayo roon? Paano ka.. Maraming tao roon. Mamaya, kung mapaano ka pa," giit ni Mommy.
"Mmm... Mom sige po. Ayos lang po, naiintindihan ko naman po kayo e," nakatungo pa rin akong nagsalita.

Lumabas ako at tinawag ni Daddy pero hindi ako lumingon. Marahil ay alam nilang nagtampo ako. Napabuntong hininga ako habang naglalakad. Iniisip ko kung pupunta pa ba ako bukas o hindi na.

Naglakad ako sa may hagdanan ng hospital at lipad pa rin ang aking isip. Sa aking pagtahak sa hagdanan ay nakita ko ang isang ina habang hawak-hawak ang kanyang anak. Napaisip tuloy ako. Ganto rin kaya si Mommy sa akin nung bata ako? Hindi siguro.

Nagulat na lamang ako ng matakid ako sa hagdanan at biglang nagsala ang aking paa.

Cath
Masaya akong nagpunta sa hospital para dalawin ang Dad ni Frances. May bitbit akong prutas habang pumapasok sa ospital ng biglang makita ko si Frances na walang malay. Nakahandusay sya at marami-rami ng dugo ang umaagos sa kanyang ulo. Bigla kong nabitawan ang aking mga dala-dala.

"Tulong!!!! Nurse!!!! Nurse!!!!! Yung kaibigan ko!!!" sigaw ko habang nangingilid na ang luha sa aking mga mata.

Agad dumating ang ilang nurse at isinugod sya sa Emergency Room.

"Please make it faster.. Please..." pakiusap ko sa mga nurse habang isinusugod si Frances sa ER.

Napabuhos ang aking luha. Wala akong maisip na gawin kundi ang puntahan sina Tito Diego at Tita Lina sa taas. Halos maubusan ako ng hininga ng marating ko ang Room 102 kung saan naroroon ang mga magulang ni Frances.

"Tito.. Tita!!!" hingasing kong sigaw habang umiiyak.
"Si.. Si Frances po. Napabagok..," pagpapatuloy ko sa aking sasabihin.

Nakalimutan kong may sakit nga pala sa puso si Tito Diego.

"Ano?? A.. Aray..." pag-aalala nyang sagot at biglang sumakit ang kanyang dibdib.
"Diego, ok ka lang ba?" tanong ni Tita Lina kay Tito habang hinahagpos ang kanyang likuran.
"Wag kang mag-alala. Ok lang ako. Puntahan mo ang anak natin," utos ni Tito kay Tita Lina.
"Ano bang pinagsasasabi mo Catherine? Kakaalis lang ni Frances. Malamang na nakauwi na sya. Wag mo kaming pinaglololokong bata ka.," nakakunot nyang sabi sa akin.

Napabuntong hininga ako. Bakit ayaw nyang maniwala? Hindi ba sya nag-aalala sa kalagayan ngayon ng anak nya?

"Tita, nagsasabi po ako ng totoo. Isinugod po ng mga..."
"Lina!!!"

Biglang naputol ang aking sasabihin nung sumigaw si Tito Diego.

"Ano bang mahirap intindihin dun sa sinabi ng bata? Lina.. Nawala na si Chandria, lumayas na sya at wala kang ginawa. Pati ba naman si Frances? Ha? Paano kung pati sya mawala?" hinihingal nyang sinabi.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon