#Franticness
Nagising ako nung maramdaman kong basa ang unan na aking hinihigaan. I was crying the whole night.
Humarap ako sa salamin at nakitang pugtong-pugto ang aking mga mata. Naligo muna ako at nagpalit ng damit.
Pagkabukas ko sa pinto ay nakita ko si Mama sa tabi ng kabaong ni Daddy.
Maraming tao sa bahay. Sa gawing kaliwang sofa ay naroon ang mga magulang ni Daddy. Umiiyak sila.
Pinigil ko ang aking emosyon. Tinungo ko ang kusina para mag-almusal. Hinanap ko si Manang Susan pero hindi ko sya matagpuan roon.
Mabilis akong kumain at nagtungo sa sala kung saan nakaburol si Dad. Niyakap ko sina Lolo at Lola noong makita ko sila.
"Malaki na ang apo ko," ani Lolo
Ngumiti lamang ako.
Malapit lamang ako sa kabaong ni Daddy pero wala pa akong lakas ng loob na lumapit sa kanya.
"Apo, wala na ang Daddy mo. Magpapakabait ka ha? Mamahalin mo ang Mommy mo," wika sa akin ni Lola habang umiiyak.
Tumango lamang ako bilang sagot.
Niyakap ulit ako ni Lola.
"Napakaganda mong bata ka. Kamukhang kamukha mo talaga ang Daddy mo," aniya.
Binigyan ako ni Lola ng isang halik sa pisngi.
Kumawala ako sa pagkakayakap kay Lola at pumunta kay Mommy.
"Mommy, ako naman po ang magbabantay. Pahinga na po muna po kayo," wika ko kay Mommy habang halatang nangangatal.
Tumingin sa akin si Mommy. Kitang kita ang namamaga nyang mata sa kakaiyak.
"Ako na rito," ani Mommy.
Walang ekspresyon ang kanyang tono. Hindi ko mabasa kung galit ba sya o kung ano pa man.
Umupo ako sa sofa na katabi nina Lola.
Napabuntong hininga ako.
Ilang minutong walang imikang naganap hanggang sa dumating sina Mara at Cath.
Kasama rin nila si Andrew.
Nagmano sila kina Lolo at Lola.
"Condolence po," ani Mara kay Mommy.
Nanatiling walang sagot si Mommy.
"Nakikiramay po kami," wika naman nina Cath at Andrew kay Mommy.
Hindi pa rin sumagot si Mommy. Patuloy lang ang pagpatak ng luha niya.
Unti-unti akong nasasaktan at napapahikbi pero tulad ng ginawa ko kanina, pinigil ko ito.
Dumungaw silang tatlo sa kabaong ni Daddy samantalang ako ay nanatili lamang sa aking upuan.
"Let's go outside," yaya ko sa kanila.
Sumunod sila sa may veranda ng aming bahay. Kumuha ako ng upuan at pinaupo sila.
"So kumusta ka na?" tanong ni Cath.
"I'm okay," maikli ko namang sagot."Maiwan ko muna kayo sandali. Kukuha lang ako ng kape," wika ko sa kanila.
"Sasamahan na kita," ani Andrew.Nginitian ko lang sya ng panandalian at nagtungo sa kusina.
Kumuha ako ng apat na tasa at nagtimpla ng kape.
Hindi ako makatingin kay Andrew dahil nahihiya ako sa kanya.
"Bakit hindi mo ako tinawagan nung may nangyari kay Tito?" tanong ni Andrew.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...