#College
"Miss Frances, do you belong to the group of Sheena and Aira?" nakangiting tanong ng aming Research Professor.
"Yes, sir. Bakit po?"
"Maayos na ang study ninyo. Congrats in advance. Pakiayos na lamang ng Chapter 3 okay?"
"Yes, sir. Sure. Thank you po."
Finally, maayos na rin ang lahat bago mag-Finals.
"Class dismissed," wika ng aming Professor.
"Aira, Frances come here," mahinahon kong tawag.
Tinungo ng mga estudyante ng BS Education ang daan palabas. Balak kong i-surprise ang dalawa kong kagrupo sa Thesis.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Aira.
"Mmm," I murmured.
"Ano? Anong sabi ng Prof sa Thesis natin?"
Bigla akong tumawa at nagtatalon silang dalawa. Alam na nila sigurado kung bakit.
"Chapter 3 na lamang daw ang aayusin natin at tapos na tayo," nakangisi kong sabi sa kanila.
"Di ba nasa inyo pa naman ang soft copy ng Chapter 3 natin? Pakiayos na lang ng mga mali. Tawagan nyo na lang ako kapag kailangan ng tulong okay? Thank you," sabi ko sa kanila.
Ipinaubaya ko na lamang sa kanila ang pag-aayos dahil halos ako lahat ang gumawa ng aming Thesis.
Half day lamang at kailangang makauwi ako nang maaga.
Dalawang oras lamang akong magtatrabaho mamaya at mag-aaral na para sa Finals bukas.
Pagod na pagod akong dumating sa bahay.
Tulad ng aking inaasahan, nakapagluto na si Craig.
Niyakap niya kaagad ako pagkarating at hinalikan sa pisngi.
"Kain ka na," aniya.
Tinungo ko ang upuang nasa mesa at tinitigan si Craig.
"Thank you," sambit ko sa kanya.
--FLASHBACK--
Bakit mo ako inaalagaan? Madaming iba pero bakit ako?
"Dahil noong una pa lang, minahal na kita."
"Huh? Paano? Craig.. Please stop lying.. Kung may gusto kang paglaruan.."
"Sshhh!!" pagputol niya sa aking sinabi.
Craig held my hand.
"Wala akong balak paglaruan ka."
"Pero.. Craig.." giit ko.
"Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sa'yo Frances," aniya.
Napatungo ako.
Araw-araw na akong pinapadalahan ni Craig ng bulaklak at hinaharana sa tuwing mag-aaway kami.
Nasa sofa ako noon at nagmumuni-muni ng biglang pumasok si Craig.
May dala syang human size Teddy Bear at bulaklak. Nakasabit sa kanyang balikat ang gitara.
Napatayo ako.
"Craig, what's this?"
Nagsalubong ang aking kilay.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
De TodoPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...