#Sincerity
---
A/N: This Chapter is dedicated to Ram Lloyd Velasquez. Actually, dapat yung Chapter 17 ang nakadedicate sa kanya dahil sya ang naggawa ng tula roon pero hindi ko na na-edit dahil nagkakaroon ng conflict sa spacing. Sa smartphone lang kasi ako nag-eedit. Btw, thank you sa mga patuloy na nag-aabang sa story ko.I would like to recommend my friend's story.
More Than Yesterday by @justdrewber thank you again guys.
---Iminulat kong unti-unti ang aking mga mata at napahikab. Napakalambot ng aking hinihigaan at may nakapatong pang kumot sa aking ibabaw.
Nagtataka ako kung bakit ako naririto sa ibabaw ng kama. Tiningnan ko si Craig sa tabi ko pero hindi ko sya makita. Akala ko ay kung ano ang ginawa nya sa akin.
Tumingin ako sa baba ng kama at nakita ko syang nakahiga roon.
Did he lift me on this bed? Bakit hindi ko naramdaman?
Dumapa ako sa kama at dumungaw ako para titigan sya.
Kahit naman pala matigas ang kanyang ulo at mukhang pilyo ay may itinatago ring kabaitan. Talagang hindi nya matiis na ako ang matutulog sa sahig na nilatagan lamang ng kumot.
This man is just one of a kind.
Natutuwa ako habang tinititigan sya. Ganito rin kaya sya sa mga naging girlfriends nya? Kung ganito sya kabait, bakit nila nagagawang lokohin ang ganitong klase ng tao?
Tumayo ako at tinungo ang banyo malapit sa kusina para maligo.
Hindi tulad sa mansyon, tabo lamang at timba ang ginagamit rito sa paliligo.
Binuksan ko ang gripo at isinahod ang timba para naman makapag-ipon na ako ng gagamitin sa paliligo.
"Just smile for me and let the day begin
You are the sunshine that lights my heart within."Kumanta kanta pa ako ng On the Wings of Love habang iniintay mapuno ang timba. Tamang tama lamang ang aking pagkakakanta dahil bago umabot ng Chorus ay puno na ang timba.
I undressed myself and started to take a bath.
Mga isang oras ang lumipas bago pa ako tuluyang makatapos ng paliligo. Matagal talaga akong maligo lalo pa't maaga akong nagigising.
Sigurado akong tulog pa si Craig dahil may hangover pa sya kahapon.
Ipinulupot ko ang tuwalya sa aking katawan at binuksan ang pintuan.
I was shocked when I saw Craig at the Kitchen.
Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
Amoy na amoy ang niluluto nyang itlog sa electric stove. Suot-suot nya ang aking apron habang nagluluto.
Nakatalikod sya at wala syang kaalam-alam na nakatingin ako sa kanya.
I looked at the table. Naroroon ang Gardenia at Nutella na binili ko kahapon.
Sa halip na magalit ako sa kanya ay natuwa pa ako. Hindi ko sya kilala pero bakit ganito sya sa akin?
Umiling ako at napakunot. Baka ganito lang talaga sya sa lahat ng natutuluyan nya. Baka ganito lang talaga sya sa lahat ng babae.
Bigla syang napaharap at kumuha ng lalagyan ng itlog na niluto.
Napatingin sya sa akin pero agad nya itong inalis. Ayaw nya sigurong makita akong ganito ang hitsura at ayaw nyanv isipin ko na manyak sya.
"Tapos ka na pala," wika nya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
عشوائيPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...