Chapter 14

46 4 0
                                        

#WelcomeBatangasCity

Humiga ako pagkatapos ng ilang oras ng pag-iisip.

Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Pumunta ako ng kusina at uminom ng tubig para mahimasmasan ang aking nararamdaman.

Madilim ang daan kaya walang nakapansing nagpunta ako roon. Bumalik ako sa aking kwarto pagkatapos at inihanda na ang ilan pang mga gamit na aking dadalhin sa pag-alis sa bahay.

Bigla akong nakakita ng isang papel at naisipan kong sumulat roon bago pa man ako umalis ng bahay.

After 2 hours, I'm all ready.

Inilagay ko muna sa labas ng bahay ang aking malaking maleta para madali na ang pag-alis. Bumalik ako sa itaas at tinungo ang kwarto ni Mommy.

Talagang matindi pa rin ang galit ko sa kanya. Hindi ko sya nagawang halikan man lang sa kanyang noo para magpaalam.

Inilagay ko ang aking sulat sa mesa malapit sa tabi ng kanyang kama. Pinatungan ko ito ng isang mabigat na bagay para hindi mawala sakaling lumakas ang hangin.

---
*Mom, I tried to give you a second chance, pero nahihirapan po akong ibigay sa inyo yun. Sorry kung naging pabigat lamang ako sa pamilyang ito. Gusto ko pong makapagbagong buhay at makatakas sa mga problema. I'm all tired to solve all my problems but, I'm most tired of being your daughter. Mommy, ingat po kayo palagi. Babalik ako kapag maayos na po ang lahat.
---

Bago ako tuluyang umalis ay pumunta muna ako sa Rancho. Dala-dala ko ang aking flashlight at kaagad na kinuha ang kabayo para makarating sa kalaparan.

Talagang napakaaga pa para pumunta ako sa lugar na ito. Masyadong madilim ang daan at walang kasiguraduhan kung mapapahamak ako sa aking ginagawa.

Itinali ko ang dala-dala kong kabayo sa palagi kong pinagtatalian.

Hanggang sa huling sandali ng pamamalagi ko rito sa Mindoro, gusto kong dalahin ang magagandang ala-ala at iwan naman ang aking matitinding bangungot.

Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Inalala ko ang lahat ng nangyari sa lugar na ito. Inalala ko kung paano ito pinaunlad ni Dad, inalala ko ang masaya naming paglalakad at pamamasyal nang magkasama rito.

Hanggang sa makilala ko ang isang lalaking hindi ko alam ang dahilan ng pagparito sa aming Rancho. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit palagi nya akong gustong tulungan sa aking problema.

Iminulat ko ang aking mga mata at umaasang sa pagbubukas nito ay tatambad sa akin ang maamong mukha ni Ford.

Nagkamali ako, hindi ko sya nakita sa kalaparan.

Unti-unting pumatak ang aking luha at ramdam na ramdam ko ang galit sa aking kamay. Nangigigil ako.

"Aalis ako at babalik ulit para kunin ang pagmamay-ari ng mga Grande," bulong ko sa hangin habang tuluy-tuloy pa rin sa pagpatak ang aking luha.

Kailangan ko ng umalis bago ako maabutan ng sinuman sa bahay.

Kaagad kong kinuha ang kabayong dala-dala ko kanina at tinungo ang daan patungo sa mansyon. Inilagay ko ang kabayo sa kwadra at tumakbo ako ng dali-dali para kunin ang maleta.

Madilim pa rin sa bahay at tulog ang gwardya kaya mabilis akong nakaalis roon.

Naglakad-lakad ako para makatagpo ng sasakyan pero halos kalahating oras pa bago ako makasakay sa tricycle.

"Manong, sa may Pier lang po," wika ko sa tricycle driver.

Tinungo namin ang Pier at bumili na ako ng ticket para makapunta sa Batangas.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon