Chapter 3

77 5 0
                                    

#MovingOn

Frances Claudette Grande
I woke up early this morning. It's 3:00 AM and there's nothing running in my mind except.. cooking my own food. Magsosorry ako kay Manang Susan. Naghilamos agad ako at nag-mouth wash. Bumaba ako papunta sa kwarto nina Manang Susan. Sad to say, tulog pa sila.

Hinanda ko na ang mga kakailanganin sa pagluluto. Inuna ko muna ang pagsasaing. Medyo nahirapan nga lang ako sa pagtutubig dahil bata pa ata nung huli akong nagluto pero maayos naman ang kinalabasan sa electric stove. Sunod kong pinrito ang itlog at ham. Okay na siguro ang pang-ulam na ito para sa aming dalawa ni Chandria. Tutal, palagi namang nagdidiet yang kapatid ko kaya konti lang palagi ang kinakain.

Nadatnan ako ni Manang Susan na naghahanda ng pagkain sa hapag.

"Manang.. kain ka na," nakangiting panimula kong bati sa kanya.
"Bakit.. bakit ikaw ang.." pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Manang, sa dinami dami na ng kasalanan ko sa inyo, sa tuwing magdadala kayo ng pagkain at natatabig ko at tinatakbuhan ko kayo, siguro tama lang na gantihan ko naman yung kabutihang loob nyo. Manang, matanda na kayo. Parte na po kayo ng pamilya namin kaya narealize ko na hindi dapat kayo nahihirapan," pang-aamo ko sa kanya.
"Ang sweet mo naman," nakangiting sinabi ni Manang.

Habang hinahanda ko na ang iinumin namin ay inutusan ko si Manang na gisingin na si Chandria para mag-almusal.

Handa na ang pagkain sa hapag.

"Frances, neng.. mamaya pa daw gigising si Chandria. Masyado atang napuyat kagabi," ani Manang Susan.
"Ah, sige po. Manang sabayan nyo na po akong kumain," wika ko kay Manang Susan.
"Mamaya na ako neng. Maglilinis pa ako ng bahay e. Sige lang kumain ka na."
"Manang, kayo talaga. Kain na po kayo. Sige po kayo, magtatapo ako pag hindi nyo ako sinabayan," pabirong pananakot ko kay manang.
"Sige na nga. Ikaw talagang bata ka," aniya habang hinagpos ang aking buhok.

Magkasabay kaming kumain ni Manang. Masaya ang simula ng umaga ko ngayon di tulad nung mga nagdaan. Malimit akong late bumangon, pero napaaga ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay si Manang na ang nagprisinta na magligpit ng aming pinagkainan.

Pumunta na ako sa aking banyo. Malamig ang panahon ngayong Pebrero kaya naisipan kong Hot shower ang aking gamitin. Habang naliligo ay naalala ko si Cath. Kumusta na kaya sya ngayon? Sana ay nasa mabuti syang kalagayan.

After taking a bath, I got my uniform from my closet at sinuot ko ito. Dali dali akong nagsuklay ang wavy kong buhok at nagpulbo. Nakababa na ako ng hagdanan ng maalala ko na nasa kwarto pa pala ang aking Speech.

Dali-dali ko itong binalikan dahil baka napasama na sa paglilinis ni Manang Susan. Pagbalik ko sa aking kwarto, nabuo ang ngiti sa aking mga labi. Ang aking ginawang talumpati ay naroon pa rin sa tabi ng aming desktop. Agad ko itong kinuha.

Nakaready na ang sasakyan sa labas. Pinagbuksan ako ni Kuya Erik ng pinto at umalis na kami.

Talaga palang medyo malayu-layo nga ang Enderun University sa aming bahay.

"Kuya Erik, sa may gym lang po ako ihatid," utos ko kay Kuya Erik.

Nang makababa ako sa labas ng Enderun Gymnasium ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Andrew. Hindi katulad ng dati, hindi na ako masyadong naapektuhan at nasasaktan kapag nakikita ko sya.

"Good Morning. Congrats for being the Valedictorian," bati nya.
"Thanks," maikli ko namang sagot.

Nagtataka ako kung bakit wala pang tao sa gymnasium. Is it too early o talagang late lang pumasok ngayon ang mga estudyante? Dumiretso ako sa loob ng gym at naghanap ng mauupuan ko. Dun ako pumunta sa pinakamataas na parte ng gym.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon