Chapter 36

8 1 0
                                    

After what happened, hindi ko na naramdaman si Ford. Ganoon lang naman talaga siguro yun, kailangang maging tapat ako sa nararamdaman ko. Ayoko kasing magbigay ng motibo para magustuhan ako ng ibang lalaki. Isa pa, ayokong magpahirap. Okay na yung hindi ko siya binigyan ng chance kaysa naman sa umasa siya sa wala. I was totally in extreme frustration that night when I saw my Mother sitting outside the Ranch House on the same Ranch.


The rain was falling so hard like my emotions. Hindi ko maintindihan kung anong gagawin ko, kasi gulung-gulo na ako sa lahat. Pero mas pinili ko pa ring pansinin ang Mommy ko.


"Mom, bakit kayo nandito?"


Naglipos siya ng tingin at bakas na bakas ang kalungkutan sa kanya habang nakahalukipkip. "It is the place where we live since you left."


Iniwasan kong mag-isip. Kasi, alam kong sa huli, magmumukha lang akong bulag. Lahat nga, naipagbili ni Mom dati. Siguro nga eh wala talagang imposible. Pumasok ako ng bahay at hindi ko natagpuan roon sina Chandria. Siguro, tulog na. Pumasok ako ng CR para maligo at paglabas ko ay tumambad na naman sa akin ang aking Ina.


Nilampasan ko ulit siya at nagbihis sa kwarto pero paglabas na paglabas ko ay matalim niya akong tinitigan.


"Akin na ang cellphone mo."


Pilit kong ibinuhos ang atensyon ko sa ibang bagay habang nakaupo sa sofa. Pinilit kong manahimik pero sa bawat pananahimik ko, tinutusuk-tusok ang aking konsensya. Pinilit kong huwag na lang magsalita, pero lahat, nangangailangan ng sagot.


"Akin na!" sigaw sa akin ni Mommy.


Nagbabadya na ang pagpatak ng aking luha pero hindi ko hinayaang talunin ako nito. "Mom, dito na lang po ako sumasaya. Ito na lang po yung paraan para makalimot ako sa problema," mahinahon kong pangangatwiran.


Malakas at mataas pa rin ang tono ng kanyang pananalita. "Sigurado ka? Diyan ka nakakalimot ng problema o 'yan din ang isang dahilan kung bakit ka nagkakaproblema? Ikaw kasi, sa katigasan ng ulo mo.. Yan ang napapala mo. Napapariwara ka.. Frances.. wag mo akong subukan. Ibigay mo sa'kin 'yan. Ayaw mong magsampa ako ng kaso di ba? Isuko mo 'yang cellphone na 'yan.. Para kahit anong koneksyon mo sa lalaking iyon at sa Amara na iyon ay mawala na! Akin na!"



Siguro nga, tama siya. Siguro.. tama sila na napariwara talaga ako ng landas at naging matigas ang ulo ko. Pero ang hindi nila alam, isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nagkaganito. Lahat ng panunumbat, tatanggapin ko. Lahat ng salitang ibinubuga nila.. lahat tatanggapin ko. Kung iyon lamang ang magiging kapalit para matauhan at makalimutan ko ang nakaraan, gagawin ko.



Dahan dahan kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone at nakatungo ko itong isinuko sa Mom. "Sorry po." Iyan lamang ang nasambit ko matapos nila akong pagsalitaan ng kung anu-ano.



Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na dadating yung araw na mauunawaan nila ako. Pagod na pagod na pagod na ako. Ayoko ng madagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko kasi ayoko ng mahirapan.


Bago ako tuluyang talikuran ng aking ina ay hindi ko naiwasang magsalita. "Mom, please.. Pagbigyan niyo na ako. Wag na po kayong magsampa ng kaso. Ako na po ang bahala."

"Kumain ka na." Kaiba sa hinihintay kong sagot ang sinambit niya. Siguro nga, nag-aalala lang siya sa akin bilang isang ina. Siguro, alam niya kung ano ang mas makabubuti sa akin pero sa tingin ko, sarili at sarili ko lang din ang makakalutas ng lahat.

Alam ko sa sarili kong ako ang nagsimula ng gulo at ako rin dapat ang tumapos. Kaya kong manindigan para sa sarili ko at kaya kong lumaban mag-isa.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon