Chapter 8

47 5 0
                                    

#Farewell

Nagpatuloy ako ng pagpasok sa mansion at nakita ko si Mommy na may inaayos na papeles sa may mesa sa sala.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako ng paglalakad patungo sa aking kwarto.

Tinahak ko ang hagdan paakyat at napatigil ako ng may narinig ako kay Mommy.

"Wala ako bukas dahil may aasikasuhin akong mahalaga Frances. Ikaw ang bahala sa Daddy mo. Siguraduhin mo lang na babantayan mo sya ng maayos tulad ng pagbabantay ko sa kanya. Kung hindi, malilintikan ka sa akin," pagbabanta niya.

Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan.

Sa wakas, makakapagpahinga na ako.

Pinagmasdan ko ang aking kwarto. Natutuwa ako at nakita ko ulit itong malinis.

Inilagpak ko ang aking katawan sa kama at damang-dama ko ang aking pagtalbog sa kalambutan nito.

Nawala ang kaba at init na aking nararamdaman dulot ng lalaking aking nakasama kani-kanina.

Parang ayoko na ulit syang makita.

Gusto ko lamang magkasalubong ang aming daan kapag handa na ako. Handa ng malaman ang lahat sa kanyang pagkatao at handa ng kontrolin ang aking sarili sa tuwing makikita sya.

He's so seductive and he's wild. Hindi ko inakalang ganoon sya.

Masyado akong napagod ngayong araw sa paglalakbay sa Rancho. Pero sulit naman ang aking pagod sa ganda nito.

I have to sleep.

Binalot ko ang aking katawan ng kumot at unti-unting ipinikit ang aking mga mata.

------------------------
-----------------------

"Frances, halika sa baba. Nakahain na ang mga pagkain sa hapag."

Nagising ako ng marinig na tumatawag si Manang Susan sa labas ng pinto.

Inaantok pa ako sa totoo lang kaya't hindi ko sya tinugunan.

"Frances, umalis ang Mommy mo. Bilin nya sa akin na papuntahin ka nang maaga sa hospital, wala atang nagbabantay kay Sir Diego."

Ang pagkaantok ko ay biglang nawala at bigla na lamang akong napabangon sa aking higaan nung maalala ko ang sinabi sa akin ni Mommy kahapon.

"Shit!" mahina kong pagmumura.

"Susunod na ako Manang, maliligo lang ako," sigaw ko para marinig nya ako sa labas.

"Sige, bilisan mo Neng at lalamig ang pagkain," aniya.

Agad kong kinuha ang tuwalya ko at nagtungo sa banyo para maligo.

Di tulad dati, binilisan ko ngayon ng bahagya ang aking kilos.

Pagkatapos kong magdamit ay sinuklay ko ng aking buhok gamit ang aking kamay.

Hindi ito oras para kumisig.

Dali-dali na akong bumaba at nag-almusal.

"Manang, saan daw po ang punta ni Mommy?" tanong ko kay Manang habang punung-puno ng pagkain ang aking bibig.

"Hindi ko alam e. Wala syang nabanggit kung saan sya pupunta."

Nagdududa na ako sa mga kinikilos ni Mommy. Kung anu-ano na rin ang pumapasok sa isip ko habang naalala ang mga papeles na kanyang pinipirmahan kagabi.

Nakatapos ako ng pagkain at tinawag ko na si Kuya Erik para maihatid ako sa hospital.

Agad kong tinungo ang room ni Dad. Tulad ng huli kong punta sa hospital, tulog pa rin sya.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon