#GrandDay
I woke up at 7:00 AM.
Kaagad kong inihanda ang aking sarili para sa sa Graduation mamayang 12:00 PM.
"Frances.. Gising na. Hain na sa mesa," ani Manang Susan habang kumakatok sa pintuan.
"Nga pala Neng, hinihintay ka na roon ng iyong Mama kanina pa," dagdag pa niya.
"Sige po Manang, susunod na po ako," sigaw ko para marinig sa labas ng pintuan.
Tinungo ko ang banyo. Mabilis lamang akong naghilamos at nagmumog para makababa agad papunta sa kusina.
Nadatnan ko roon si Mommy. Nakaupo sya at nakatingin sa akin habang naglalakad.
Umupo ako sa may harapan nya.
"Anak, ano nga palang oras ng Graduation nyo?" aniya.
Hindi ako sanay na ganito si Mama. Para talagang may kakaiba sa kanya nitong mga nagdaang araw. Hindi nya na ako sinasaktan.
Pero hindi ko maiaalis sa aking sarili na ako pa rin ang sinisisi nya sa pagkawala ni Daddy.
"Mm.. Twelve o'clock po," maikli kong sagot sa kanya.
Tumango sya.
Nagulat ako ng biglang napaubo si Mommy habang kumakain. Nasamid ata.
Tumakbo ako sa refrigerator at ikinuha sya ng tubig roon. Ipinagliwat ko sya ng tubig sa baso at iniabot sa kanya.
Ininom nya ito kaagad at ngumiti sya sa akin.
Agad ko namang iniwas ang aking tingin sa kanya.
Nauna akong makatapos ng pagkain. Iniligpit ko ang aking pinagkainan sa mesa at inilagay sa lababo.
"Mom, akyat na po ako sa taas. Mag-aayos na po ako para mamaya," wika ko sa kanya.
Hindi pa rin sya natatapos sa pagkain pero kaagad syang sumagot sa akin.
"Sige, anak. Maligo ka na agad at isuot mo na ang uniform mo para pagdating sa University, cup and gown na lang ang isusuot mo," aniya.
Paalis na sana ako ng may bigla syang sinabi kaya agad naman akong napalingon.
"Oo nga pala, may tinawagan akong make-up artist para hindi ka na mahirapang mag-ayos, Frances. Parating na iyon maya-maya," dagdag pa ni Mommy.
Tumango lamang ako at ngumiti.
I went upstairs at umupo sa aking kama bago maligo.
Bigla kong naisip si Daddy. Hindi na sya makakapunta.
Isang luha ang pumatak sa aking mata. Buong pag-aakala ko ay hindi na ito masusundan ngunit nagkamali ako. Patuloy na umagos ang luha sa aking pisngi.
This time, hindi ko na ito pinahid. Gusto kong makapaglabas ng nararamdaman bago pa man grumaduate sa Enderun.
I missed him so much.
Tinungo ko ang banyo at naligo na ako. Hot shower pa rin ang ginamit ko dahil nalalamigan pa rin ako.
Tinagalan ko ang paliligo para mas maging kaaya-aya pa ang aking kalinisan.
Kinuha ko ang tuwalya at ipinulupot ito sa aking buhok. Naglagay rin ako ng tuwalyang pangsaplot sa aking katawan.
Kinuha ko ang kulay puting blouse ng Enderun at ang coat na kulay asul. Kinuha ko rin ang paldang kakulay ng coat pero nadagdagan ng ilang mga guhit.
I missed my uniform. Napakakomportableng isuot kahit ang palda ay hanggang sa ibabaw lamang ng tuhod.
Isinuot ko ito nang maayos.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...