#Indescribableness
Kumawala ako sa kanyang pagkakayakap at hinarap si Craig.
"Maaayos nyo din ang lahat," nakangiti kong sabi.
Napailing sya at kitang kita ko ang pagkunot nya.
Pumasok na sya sa kabilang apartment at ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng bahay.
H'wag na sanang dumating yung Amara na iyon para lang manggulo rito. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kapag idinawit nya ulit ako sa mga nangyayari sa kanila.
Napatingin ako sa alikabok na nagliliparan sa paligid.
Memories fade. Lalo na kapag tumatagal. It depends on how you treasure it, how you care for it.
Napakawang ang bibig ko.
I will never let the dusts fade who I am, I was born Grande and will die with a fighting heart.
Tinungo ko ang daan papasok ng aking apartment at umupo sa sofa.
I turned on the tv and relaxed myself.
Habang nanonood ay napag-isip-isip kong paubos na ang aking pera. Kailangan ko na sigurong maghanap ng trabaho at mapagkakakitaan.
I don't want to depend myself in others.
Kinuha ko ang aking smartphone at naghanap ng trabaho online pero wala akong matinong makita.
Napakamot ako sa aking ulo.
Hindi ko alam kung paano ako kikita ng pera.
Inayos ko ang aking sarili para maghanap ng trabaho sa labas.
Naglakad-lakad ako sa may kalye.
Madami akong nakikitang posters pero hindi ko naman tipo ang ganoong mga trabaho.
Tinanghali ako sa paghahanap at inabot lamang ako ng gutom.
Pumasok ako sa isang fastfood chain at umorder ng kakainin ko.
Nakatapos ako ng pagkain ko.
"Miss tubig po.." wika ko sa isang waitress.
Nginitian nya lamang ako at bumalik syang may dala-dalang tubig.
"Miss, naghahanap pa po ba kayo ng kasamahan sa pagtatrabaho? Kailangan ko lang po eh," mahinahon kong sabi sa waitress.
"Naku, kakapasok lang po nung isa kahapon eh. Pasensya na po. Marami na po kami rito," aniya.
Napatungo ako at unti-unti namang naglakad ang waitress palayo sa akin.
Saan pa kaya ako maghahanap ng trabaho?
Napaawang ang bibig ko.
Lumabas ako ng fastfood chain at naglakad-lakad ulit sa labas para makahanap ng trabaho.
Napagod ako at pinagpawisan.
Hindi ko namamalayang hapon na pala.
Napatigil ako sa daan at sinapo ang aking ulo. Nakaramdam ako ng panandaliang sakit na parang tinutusok-tusok.
Unti-unting pumatak ang tubig galing sa itaas. Umuulan at malayo ako sa apartment.
Tinahak ko ang daan pauwi. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Dinama ko ang lamig ng bawat patak ng ulan sa aking balat.
Napairit ako ng bigla akong madulas, pero biglang may umalalay sa akin sa likod.
Parang mayroong kabayong naghahabulan sa aking dibdib dahil sa nangyari.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
SonstigesPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...