Chapter 6

68 4 0
                                    

#ForgivenessAndFailure

Frances

"A.. Andrew?" tanong ko habang nakita kong nakuob-ob sa kamang hinihigaan ko si Andrew.

Bakit sya narito? Bakit ako nasa ospital? Anong nangyari?

Nabuo ang mga katanungan sa isip ko. Hindi ko maalala kung ano ang sumunod na nangyari matapos akong mapabagok kahapon sa hagdan.

May naramdaman ako habang nakatingala sa kisame ng hospital.

Andrew is holding my hands. He's still sleeping.

Dahan-dahan kong inalis ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.

"Frances, gising ka na pala," wika ni Andrew habang kinukusot ang mata.
"Bakit ikaw ang nandito?" tanong ko sa kanya.
"Nabalitaan ko ang nangyari sayo kaya pumunta agad ako dito. Mmm.. Narito kahapon si Tita Lina pero pagod na sya kaya ako muna ang nagprisintang magbantay sayo. Magpahinga ka daw sabi ng Doktor," aniya.

Si Mama? Nagpunta dito. Nag-aalala ako. Imposibleng hindi ito malaman ni Dad.

Napabuntong hininga ako at napailing.

"Kumusta si Daddy?"
"Frances, ok lang si Tito. Wag ka na munang masyadong mag-isip ng kung anu-ano kasi bawal ka raw ma-stress," aniya.

Lumabas muna sandali si Andrew at kinuha ang kanyang cellphone. Parang may tinext sya.

Napaisip ako bigla. Alam kaya nina Mara at Cath ang nangyari sakin? Dinalaw ba nila ako kahapon?

"Frances," ani Andrew sa baritonong boses.

Tumungo lamang ako at hindi sumagot.

"The purpose of my presence here is not to refix our relationship."

Parang bigla akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib.

"Narito ako para alagaan ka," nakangiti nyang sabi sa akin.

Hindi ko pa rin inaalis ang ulo ko sa pagkakatungo.

"Frances, I want us to be friends."

Sa kanyang sinabi ay napatunghay ako. Ayokong umiyak na naman. Pinigil ko ang aking emosyon.

Aalis na sana si Andrew ng tinawag ko sya.

"Andrew.."

Napalingon sya at bumalik palapit sa akin. Umupo sya sa may upuan sa tabi ng aking kama.

"Thank you," wika ko sa kanya.
"Sana, naiintindihan mo ako at yung kalagayan ko. Gustung-gusto kitang bigyan ng pangalawang pagkakataon pero hindi ko kaya. Masyado akong nasak...."
"Sshhhh... Naiintindihan kita. I don't deserve a second chance dahil alam kong ako ang may kasalanan. Kalimutan na natin ang nangyari, please. Gusto kong maging magkaibigan tayo. Sorry sa lahat ng nagawa ko," wika nya.

Bigla ko syang niyakap.

"Salamat Andrew. Salamat ng sobra," bulong ko habang nakayakap sa kanyang likuran.

May pumatak na luha sa aking likuran. Sunud-sunod ang pagpatak nito at alam kong umiiyak si Andrew.

Kumawala sya sa pagkakayakap sa akin.

"Frances, I have to go. Just call me if you need my help," aniya.

Nginitian ko sya at tinahak nya ang daan palabas ng aking room.

Napabuntong hininga ako.

Ngayong magkaibigan na kami, mas magiging madali na siguro ang paglimot ko sa nakaraan.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon