Chapter 22

48 5 0
                                        

#Acceptance

1 month and a half later.

Halos naging ganoon parati ang pagtrato sa akin ni Craig. Kumakanta sya kapag bored ako tapos halos sya na palagi ang nagluluto ng kakainin ko.

I tried to stop him sa kanyang mga ginagawa pero talagang mapilit sya.

This day, maaga akong gumising para pumunta ng Enderun University. Aayusin ko ang mga kakailanganin ko sa pag-eenrol.

Nakahanap na rin ako ng aking trabaho but I didn't inform Craig about that. Paniguradong pipigilan nya ako pag nalaman nya.

Nag-iwan lang ako ng letter sa ibabaw ng aking kama para hindi na sya magalit kapag dumating ako.

I went inside the campus.

Diniretso ko ang daan papuntang Administration Building.

"Miss, good morning po. Kukuha po ako ng Good Moral Certificate."

"Anong pangalan?" tanong sa akin ng isang matandang parang nagagalit.

"Frances Claudette Grande po."

"Sige. Umupo ka muna dyan," aniya.

Bakit parang ang taray taray nya? Hayst. Umupo muna ako sandali para hintayin sya.

"Eto oh," wika nung matanda habang inaabot sa akin ang Good Moral.

"Thank you po."

I am so tired. Masyadong malayo ang biyahe at talagang nakakagutom na.

Inayos ko muna lahat ng dapat ayusin bago lumabas ng campus para kumain.

I went to Jollibee para bumili ng aking pagkain.

"One piece chicken with fries and float please."

Tumango tango lang ang crew sa cashier tapos biglang nagtanong.

"Ano nga po ulit ang drinks?" tanong ng babaeng crew.

Nakakairita ang isang 'to. Masyadong mapula ang kanyang labi tapos bingi pa. Hay nako!

Tinaasan ko siya bigla ng kilay.

"Miss, I'll repeat my order. One piece chicken with fries and float. PLEASE... Float yung drinks," pagmamataray ko sa kanya.

"Okay," maikli nyang sagot habang halatang napahiya.

"One hundred fifty three pesos."

Kumuha ako ng pera at kaagad iyong inabot sa kanya. Isang walang galang na crew. Sakit sa ulo.

Dinala ko ang order ko sa aking upuan at  kinain ko iyon kaagad.

Natapos ako pero gutom pa rin ako. Sayang naman, kailangang magtipid ako bago magpasukan. Gusto ko pang umorder ng isa pero wala na akong magagawa. Tiniis ko na lamang ang aking gutom.

Sandali akong nagpahinga para matunaw ang mga kinain ko.

Nag-aalala ako na baka makita ko rito si Mama at pauwiin nya ako pero hindi naman sya mahilig kumain sa mga fastfood chains.

I looked outside. A familiar car parked and a guy wearing a black leather jacket came out of it.

Kinusot ko ang mata ko para magising kung namamalikmata lang ako.

Masyadong blur ang bubog ng Jollibee kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Then that guy entered. Napatungo ako.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon