Chapter 38

14 1 0
                                    

Sa kabila ng sakit na aking nararamdaman ay pilit akong naging masaya dahil pumayag si Mommy sa kagustuhan ko. Bukas, makakausap ko na si Amara. I am not really that excited to meet her again but I’m too excited to give her my forgiveness.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto at hindi ko maiwasang mag-overthink. Natatakot ako na baka kasi mawala na ako mamaya e tapos hindi ko pa nakikita ang mga taong iyon. Nakatingala lang ako sa kisame ng ospital at hinihintay lumipas ang araw.

May narinig akong hakbang ng sapatos papalapit sa akin. I expected that Chandria was coming but I wasn’t right.

Tumambad sa aking paningin ang isang matipunong pangangatawan at mahahabang biyas. At halos mabitin ako sa paghinga ng makita ko ang halos perpektong pagkakahulma ng kanyang mukha.

“Ford..” I murmured.

His smile made his face more stunning pero habang lumalapit siya ay bumabakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Ayokong kaawaan ako ng taong ito.

“Maupo ka,” nakangiti kong sambit sa kanya.

“Kumusta?” tanong niya.

Isn’t it obvious na nahihirapan ako sa sakit ko o talagang wala lang siyang maitanong? “Fine.”

Matalim niya akong tinitigan pero hindi ko nilabanan ang kanyang mga mata. Hindi ako makahinga sa tuwing tinititigan ko iyon.. ayoko pang mamatay.

Pilit akong nag-iisip ng ilang topics na pwedeng buksan para lang hindi mapunta sa seryosohan ang usapan. Pero bago pa man ako makapag-isip, he started holding my hands.

“I miss you,” he said while stuttering.

Nanghihina na ako. Nangangatal na rin ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sobra naman iyong higpit. Hindi ko alam kung anong pwede kong maramdaman. Ayoko na siyang makita eh.

“Akala ko nga dati, hindi ka na babalik. Pero ayan, bumalik ka na pero ipinagdamot ka na naman sa akin,” dagdag pa niya. He’s very disappointed. Bakas na bakas iyon sa kanyang pananalita.


Nilingon ko siya pero binalik ko agad ang tingin ko sa kumot na kanina ko pang pinaglalaruan.

Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin. Yung kamay? Ayun.. nakahawak pa din. Bakit kasi walang dumadating na tao dito? O sadyang ang taong ito lang ang pinagbantay sa akin nina Mommy at Chandria. For pete’s sake!

“Akala ko mawawala na yung nararamdaman ko sa’yo pero..”

“Stop it.. Please..” I said with mixed anger.


Pinutol ko na agad kung ano ang gusto niyang sabihin at pilit ko ring inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. Ganito pa rin ba ng sasabihin niya sa kabila ng kalagayan ko? Ayokong makasakit eh pero siya ang gumagawa ng dahilan para masaktan siya.

“Ang sakit maiwan..” dagdag pa niya.

Pero hindi ko sinabi sa’yong mahalin mo ako. Bakit hindi mo ako kinalimutan nung panahong iniwan kita? Dapat naghanap ka na lang ng iba para hindi ka nasasaktan.


“Natatawa nga ako eh.. Hindi ko akalaing mapapatakbo ko nang maayos ang Rancho. Kasi wala naman akong kaalam-alam doon, hindi ko rin iyon hilig eh. Pero ginawa ko iyong bilhin para makatulong sa pamilya ng babaeng minahal ko.”


Napilitan akong tumingin at makinig sa kanya. I heard that right. He really did that for me? Sinabi niyang natatawa siya pero nung tinignan ko siya, pumapatak na yung mga luha niya. Gusto kong magsorry sa mga nasabi ko but I was stuck.


Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon