#PleasureForProblemsI started writing my Valedictorian Speech. Napakunot ako. Hindi ko namalayang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata nung nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat. I dedicated this speech to my parents especially to my Dad.
"Ate!!!" katok ni Chandria sa pinto.
Nagulat ako. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at binuksan ang pinto.
"Bakit, Chandria?" nakangiti kong tanong.
"Ate, anong problema? Alam kong meron eh. Why are you crying? Now, tell me ate. Ilang araw ka na atang may pinoproblema pero hindi mo naman palagi sinasabi sa akin. Don't tell me, wala na naman. Ate, kapatid mo ako. Anong silbi ko kung hindi kita icocomfort di ba? Anong silbi ko kung hindi kita matutulungan?"
Siguro, ganoon nga karami ang naiiyak ko at nahalata ako ng kapatid ko.
I hugged Chandria tightly. Hindi ko kinaya ang mga dinadala ko. Napahagulhol ako.
"Chandria, ok lang ako. Sasabihin ko kapag hindi ko na kaya," mahinahon kong sinabi sa kanya.
"Kumusta na nga pala si Daddy?" pahabol ko.
"Ate, the reason why I'm here is to tell you something about Dad."
Kinabahan ako sa sinabi nya. Parang may nabubuo ng sagot sa mga katanungan sa isip ko.
"Ano? Magaling na sya? Pagaling na ba sya? Anong sabi ng doctor?" tanong ko habang pinagpapawisan at kinakabahan. Paulit-ulit ko itong tinanong sa kanya.
"Ate.. Stage 4 na ang Colon Cancer ni Daddy. Sabi ng Doctor nya, halos isang buwan na lang ang itatagal nya. O kung hindi man daw isang buwan, hihigit lang ng ilang araw. Ate..." umiyak si Chandria at napaubob sa kama ko.
Nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman nya. Isang buwan na lang o higit lang ng ilang araw? Ano ba? May sasabihin pa ako sa kanya. Tangina naman o.
"Gagaling pa sya. Hindi pa sya mawawala. Aattend pa sya ng Parent's Day at Graduation namin. Gagaling pa sya. Palagi akong pinapakinggan ni God. For sure, he will listen to me again," positibong sabi ko kay Chandria.
Napailing si Chandria at niyakap nya ulit ako. Mas hinigpitan ko ang pagbalik ng yakap ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa pamilya pa namin ito nangyayari e. Kunin nyo na yung yaman namin. Kunin nyo na yung mga properties namin, wag lang yung magulang ko.
"Chandria.." mahina kong sabi sa kapatid ko.
"Bakit Ate?" maikli nyang sagot.
"Pwede mo ba akong samahan sa ospital ngayon?" wika ko
"Ate, it's unsafe. Masyado ng gabi. Mas mabuti siguro kung bukas mo na lang sya puntahan."
"Chandria.. I don't care if it's unsafe. Ang gusto ko lang ay makita si Dad ngayong araw na 'to. Please..Napailing si Chandria.
"Sige Ate," maikli nyang sagot.
Bago ako umalis ng bahay, tiningnan ko muna ang room ni Manang Susan at ng iba pang kasambahay. Tulog sila. Gusto ko sanang tawagan at magpahatid kay Kuya Erik pero nung nakita kong kausap nya yung mga guards, well it's a perfect time para tumakas. Bumalik ako sa taas para tawagan si Chandria. Sumunod sya sa akin. Alam ko naman ang taguan ng susi ni Kuya Erik kaya madali ko itong nahanap.
"Chandria, sakay na," utos ko sa kanya.
I started the engine. Bukas naman ang gate kaya madali kaming nakalabas ng mansion. Natuto akong magdrive dahil ni Dad. Nung malakas pa sya, ito yung palagi naming ginagawa. Ang tagal ko ngang natuto e pero tingnan mo nga naman, iba talaga pag may experience na.
Nakarating kami sa hospital.
"Saan nga yung room ni Dad?" tanong ko sa kapatid ko.
"Sa second floor Ate. Room 102," sagot nya.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...