#Ferociousness
Lumipat ako sa aking apartment para magluto ng tanghalian. Inihanda ko na rin ang aking sarili para sa trabaho ko mamayang hapon.
Nakakamiss rin pala yung mga ginagawa namin ni Craig. Yung kakain kami ng sabay tapos kapag may amos na nakita, tatanggalin at magkakatitigan.
Kung babalikan nya pa ako, mahal nya ako. Kung hindi nya na ako babalikan, hindi nya ako ganoon kamahal.
Lumabas ako pagkatapos kumain at nagpunta sa SM.
Pinagbubulungan ako ng mga tao at hindi ko alam ang dahilan.
I missed shopping so much. Sa sobra kong katipiran, hindi ko na nabibili ang mga gusto ko.
"Frances!!," sigaw ng isang lalaki sa aking likuran.
"Oh, Drake! Bakit ka narito?"
"Bakit ang aga mong umalis? Di ba sinabi kong ihahatid kita sa inyo?"
Lumapit sya sa akin.
"Ang dami mo pang pasa. Dapat nasa bahay ka lang ngayon at nagpapahinga."
Hindi ko napansing kitang-kita pa nga pala ang pasa sa aking katawan. Ito ang dahilan kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao.
"Mm... G-gusto ko lamang makapagrelax," maikli at nahihiya kong sagot.
I know that I am in good condition at hindi na ako bata para pakialaman pa ng kahit na sino.
Hinawakan nya ang aking kamay at hiniila nya ako palabas.
"Ano ba, Drake! Nasasaktan ako!!" sigaw ko sa kanya.
Tumigil sya at humarap sa akin.
"Ano? Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.
"Sa bahay ko," aniya.
"Pagkatapos, anong gagawin natin sa bahay mo?"
"Gagawin natin kung anong gusto mo. Kung ano ang magustuhan natin."
Iba ang naiisip ko. Parang may pagka-maniac ang mga sinasabi nya.
"Hindi. Dito lang ako. Umalis ka na. Uuwi na rin ako mamaya."
Patuloy nya akong hinila.
"Isasama kita sa bahay ko!"
"Ano ba Drake! Putang ina mo! Hindi kita kilala at hindi kita kaanu-ano. Ano bang pakialam mo sa akin ha? Sino ka ba??"
Hindi ko namalayang nagsindi na ako sa galit at nag-udyok iyon para magtinginan sa amin ang mga tao.
"Nakakahiya. Ano ba?" naiinis na wika ni Drake.
"Nahihiya ka sa iba. Sa akin hindi. Anong pinagkaiba ng mga taong nasa paligid mo at sa akin? Wala di ba? We are complete strangers!"
Hindi ako makapiglas ng hawakan nya ako sa dalawang braso at akmang hahalikan.
Naglapat ang aming labi at para tumigil sya, kinagat ko ang babang labi nya ng sobrang diin.
"I'm gonna give myself to someone I want. I'm a flirt, but with attitude. If you want a play, just don't play with me. I'm gonna win," pagmamataray ko sa kanya.
Unti-unting umagos ang dugo sa kanyang labi.
Hinawakan nya ang aking batok ng madiin pero bago nya pa ako saktan, sinampal ko na sya.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
De TodoPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...