Hindi pa man niya nalalapitan si Lola Unding, alam niyang patay na ito. Ramdam niya ang paglalaho ng enerhiya ng matanda. Kung bakit niya nararamdaman ang enerhiya ng ibang tao, isa iyon sa mga nais niyang tuklasin sa sarili.
Lumabas siya ng bahay para tawagin ang kapitan. Nakasalubong niya si Efren, binatilyong nais maging dalaga. "Hi, Bok. Pa-kiss." Bati nito.
Yumuko siya para pagbigyan ang binabae. Ritwal na iyon tuwing makakasalubong niya ito. Para ngang inaabangan siya araw-araw. Hinawi muna nito ang nakalugay niyang buhok bago humalik sa kanyang pisngi. At nagtitili, "Am'bait mo talaga! Ikaw ang dahilan bat nagladlad na ako!"
Ngumiti siya, "Natutuwa akong makatulong sa 'yo."
"Saan ka ba punta?" Tanong ni Efren, kumapit pa sa braso niya.
"Kay Kapitan. Patay na si Lola Unding." Balewala niyang sagot.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Ficção GeralGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...