SHIT. NA. MALAGKIT.
Napakamot na lang si Tarcila nang mapag-isip-isip na marami pa siyang gustong itanong kay Arik. Tungkol kay Bok. For some reason, pinili ng elyen na gamitin ang pangalang Arik, without last name, bilang model. Kunsabagay, hindi naman ubra ang Bok kung nasa cover ka ng mga magazine. Pero okay naman ang totoong pangalan ni Bok. Robertito Sagrado. Rob Sagrado ang suggestion nina Raymond. Hindi pumayag si Arik. He just wanted to be known as ARIK, but smart enough not to add his precious title: The Ruler of Korn—este, Krohn.
Tanda pa ni Tarcila, hindi ordinaryong misgiving ang rumehistro sa mukha ng lalaki nang i-suggest nina Raymond ang Rob Sagrado. Parang hindi talaga nito gusto na makilala sa totoong pangalan.
And that got her to thinking. Sino ba talaga si Rob Sagrado? Matagal na niyang alam na wala ito sa kahit anong social media sites. Nang magkaproblema raw sa ospital na pinagtatrabahuhan, deactivated na ang FB account ni Bok, ayon kay Efren. Hindi na muling na-activate. And from that fiasco, Bok went downhill.
Pero paano nito nakilala si Chloe? Si Chloe, isa pang shady.
And Arik just told her, halos wala nang buhay si Bok nang magtagpo—magsanib ang dalawa. Kung iyon ang kaso, ano ang mangyayari kay Bok kapag bumalik na sa Krohn si Arik?
Shit.
Kailangan talaga niyang malaman. Ibinaba ni Tarcila sa kama ang kandong na laptop, naghagilap ng leggings at isinara ang polo. Patiyad pa siyang lumabas. Hindi nakalapat ang pinto sa kabilang silid. Sumilip siya.
Plakda si Arik sa kama, medyo nakadapa, nakapulupot sa mga hita at binti ang kumot pero walang tinakpan na dapat takpan. Babalik na sana si Tarcila sa kanyang silid nang biglang kumilos si Arik. Tumihaya.
Umungol.
Hindi pa ito gising pero nagtatagis ang mga panga, kuyom ang mga kamay, tila naninigas.
Napakapit si Tarcila sa doorknob, handang daluhan ang elyen.
Pero bigla itong nagsalita. Sa una ay hindi niya naiintindihan. Kalaunan, nabatid niya na hindi talaga niya naiintindihan ang sinasabi nito. Iba ang lengguwahe. Kasintunog nang narinig niya sa sinapian. Parang walang consonants, panay vowels pero mabigat ang bigkas. O si Arik mismo ang nagpapabigat sa mga kataga? He sounded and looked—kahit nakapikit—like he was pleading... appealing to whoever he was talking to.
He was trembling.
Then his face just contorted into... all sorts of horrors. Rage. Pain. Regret. Hindi makakilos si Tarcila. She just stared. And Arik just started crying. His sobs were violent. His chest heaved like he could not breathe. His arms and legs were trashing stiffly.
"Arik—" Tarcila could not let the horror continue. She rushed to his side. "Arik..." Yumakap siya sa dibdib nito. "It's okay. It's okay. Please stop..." Whatever he was reliving in his nightmare, it was also killing her.
Pero tila ayaw matapos ang bangungot ni Arik. He continued to cry like a trapped animal.
"Arik, please... Gumising ka na." Tinapik-tapik ni Tarcila ang mukha nito. His skin was mottled with cold sweat. May luha sa sulok ng mga mata. Hindi na niya alam ang gagawin. She just lowered her head into his until their foreheads touched. "It's okay... It's okay, Arik."
To her utter relief, she felt him relaxing gradually. It made her laugh and cry at the same time. Naramdaman na lang niya na regular at banayad na uli ang paghinga ng lalaki. Saka lamang siya tumayo at kinumutan ito nang maayos gamit ang ekstrang kumot.
Na-realize lang ni Tarcila kung gaano siya kaapektado sa nasaksihan nang makabalik na sa kanyang silid. Nanginginig ang kanyang kalamnan. Arik's horror spoke to her own buried pain and anger and fears. Lahat ng sugat sa kanyang damdamin na inakalang naghilom na ay muling nanariwa.
Namaluktot siya sa kama at siya naman ang umiyak nang umiyak.
"That's my dad! Dad! Daddy! Over here, Daddy!" Lumingon ang kanyang daddy, nagtama ang kanilang mga mata pero hindi ito ngumiti, bagkus ay nag-iwas ng tingin at dali-daling hinaltak palayo ang kasamang batang lalaki na mas matanda lamang sa kanya nang dalawa o tatlong taon.
"No, Mommy. It's not okay. Alam nila lahat sa school, ako lang ang hindi nakakaalam. Even the teachers know it. I don't want to go to school anymore, Mommy... Please don't make me."
"Please don't do this, Edmund. I—I can't live without you. I love you... Please, I'll let you go out with her. I'll do everything you want... just... just don't say it's over, I need you."
"Mom? W-what happened?... No! I can't lose my baby, Mommy! Please tell me it's not true. I want my baby... my baby..."
Balot na ng dilim ang buong silid nang mapagod si Tarcila sa pag-iyak. Pero alam niya, hindi nauubos ang luha. May mga sugat na hindi maghihilom kahit kailan. Punda ng unan ang ipinampahid niya ng luha at siningahan. Pagkatapos ay hinila niya ang laptop, pinindot ang keys hanggang magising ang natutulog na screen.
Nagpunta siya sa Google at nag-type: GEORGE CLOONEY LOOK-ALIKES. Bigla lamang pumasok sa isip niya ang ideyang iyon. Kung kamukha ka ni George Clooney, imposibleng walang makapansin sa iyo. Walang masama kung magbabaka-sakali siya.
At hindi makapaniwala si Tarcila nang mahalukay ng Google ang news report tungkol sa diumano ay kahawig ni George Clooney na namataan sa Makati. Kalaban ng dati niyang network ang nag-report at maiksing ulat lang iyon. Kaya siguro hindi nakarating sa kanya noon.
The date was curious also. Just days after Audrey and the drug addict saw the 'aswang'. Sa isang opisina raw sa Makati nagtatrabaho si 'George Clooney' pero hindi binanggit ang pangalan ng opisina o ng gusali man lang. Hindi rin pinangalanan ang look-alike dahil ayaw raw magpakilala.
Oo nga naman. Pagkakaguluhan iyon at kung alien ka, gugustuhin mo bang sumikat?
But there was a picture of the guy. Bahagyang naka-profile, nakangiti na tila may kausap.
Pinalaki ni Tarcila ang larawan sa screen.
Kamukha nga!
The chin. The smile.
Pero hindi lang iyon ang nakita niya sa larawan. Muli niyang izinoom-out ang larawan para luminaw ang background. Kalahati ng logo ng isang kompanya. Pamilyar sa kanya ang logo.
Limang minuto bago niya naisip kung ano iyon. Construction firm. Itinabi niya iyon sa memorya at clinick pa ang ibang hits tungkol sa mga look-alikes ni George Clooney. Karamihan na ay mga puti—Americans, European. Mayroon pang isa na ipinasadya sa plastic surgeon ang itsura, nang hindi umubrang makamukha ni Brad Pitt.
The world was full of crazy people.
Hindi maiwasan ni Tarcila na mamangha sa mundo. It was small and it was huge at the same time. Dahil sa Internet, konektado na lahat ng tao. And yet... sa iniliit-liit ng Pilipinas, hindi nakaabot sa kanya ang balita tungkol sa kamukha ni George Clooney.
Isinara ni Tarcila ang laptop at ibinaba iyon sa sahig. Namaluktot siya sa higaan, iniisip si Arik, nasa kabilang silid ito gayong kaninang hapon lamang, dapat ay magkasama sila sa silid. Magkayakap.
Pinatunayan lamang ng mga pangyayari ang matagal na niyang kutob. She did not deserve love, the kind she thought she had found. She was not worthy of any happiness.
She was being punished.
For what had happened to her baby.
Hinayaan na lang uli ni Tarcila na umagos ang kanyang luha... para sa sanggol na hindi niya nasilayan... para sa pagmamahal na natagpuan subalit hindi niya mahahawakan.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Ficción GeneralGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...