DALAWANG palapag ang bahay. Iyong itaas ang pinauupahan sa mga turista. Iyon ang pinili ni Tarcila sa transient houses na available doon dahil iyon ang may dalawang silid. Nang kausap pa lang niya sa telepono ang may-ari, ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng dalawang silid.
But now it was clear, sayang ang ibinayad niya sa mga silid.
Isa lang ang gagamitin nila ni Arik.
Based on the fact that they could not take their hands off each other.
"Arik, it's so... amazing," ani Tarcila, hindi na mabilang kung ilang beses na niyang nasabi iyon.
"Now you know," sagot ni Arik. Nasa pintuan sila ng silid, isinandal na siya nito sa hamba.
"Yeah. Kiss me again."
He obliged and got rid of her cardigan at the same time.
Now, she truly understood. The past was gone. The future was what they made of this present.
Hinubad ni Arik ang sariling T-shirt at hinapit ang baywang ni Tarcila kasabay ang paglalapat ng kanilang mga noo.
"Why do you that?" tanong ni Tarcila. "Ano'ng ibig sabihin n'on?" Dinama niya ng mga palad ang dibdib nito pero sa mga sandaling iyon, wala siyang pakialam kung iyon man ang pinakamatipunong katawan o hindi. Ang nakikita niya, ang nararamdaman ay ang nasa loob ng katawang iyon... ano man iyon... sino man iyon. It was his heart... It was his soul she was truly seeing... and feeling.
"Hindi ko alam. Gusto ko lang gawin... sa 'yo. Ayokong mawala lahat ng ito. Ayokong magbago ang nararamdaman ko."
"Me too."
And whoever invented the cell phone must be a real ass.
Noong una ay ayaw pansinin ni Arik ang telepono. Pero makulit iyon, ayaw tumigil sa pagtunog.
With a sigh, he fished it out of his pocket. "Si Chloe," anito nang masulyapan ang screen ng cell phone.
"Sagutin mo na lang," wika ni Tarcila. Hindi na siya threatened o insecure sa kahit sinong babae. Kahit dumugin pa si Arik saan man sila magpunta, alam niya na siya lang ang didikitan nito ng noo.
Kinausap nito si Chloe sa harap niya mismo, ang isang kamay ay nasa loob ng kanyang damit, kinakapa ang kanyang baywang.
"Okay... okay..." wika ni Arik sa kausap. "Oo—s-susubukan ko."
"Ano raw?" tanong ni Tarcila.
"Nasa bahay na raw siya, aalis daw uli siya. Pupunta pa ba ako do'n?"
Hindi na alam ni Tarcila ang sagot. "Ewan ko—" Then it hit her. "Siguro, mas magandang puntahan mo na at kausapin. Sabihin mo ano—last na 'yon. Naka-move on ka na."
"Makikipag-break ako."
"Gano'n na nga. Mabuti na rin 'yong may malinaw kayong usapan." Secured man ang feeling, hindi pa rin naman siguro maganda na may babaeng hahabol-habol kay Arik... kay Bok dahil naniniwala si Chloe na boyfriend pa talaga nito ang lalaki.
"Tara. Sama ka."
"Okay ka lang? Makikipag-break ka, isasama mo ako? Masakit naman 'yon para kay Chloe."
"Nilagyan mo nga ng asin sa tuhod, ngayon ka pa mag-aalala sa kanya?"
"Iba naman 'yon. Nagbago na 'ko. Sige na, hihintayin na lang kita dito."
Inilapat uli ni Arik ang noo nito kay Tarcila bago muling nagsuot ng T-shirt at lumabas.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
General FictionGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
