Untitled Part 25

515 27 0
                                    


"SINE?! Movie?!" Hindi mapaniwalaan ni Tarcila ang suggestion ni Arik matapos nilang mag-lunch. "Dumayo ba tayo sa Baguio para manood ng sine?"

"Ang aga pa, o." Itinuro ni Arik ang suot na relo. "Ano'ng gagawin natin hanggang alas-kuwatro?"

"Alas-kuwatro? Bakit alas-kuwatro?"

"'Yon ang sabi ni Chloe, eh. Nag-text kaninang nag-CR ka, may biglaan daw siyang lakad."

Duda si Tarcila. "Ba't ngayon mo lang sinabi? 'Asan ang text? Patingin."

"Wala kang tiwala?"

"Wala. Nagsinungaling ka na sa 'kin—" Lumanding sa kamay niya ang cell phone ni Arik, nakabukas na ang inbox sa conversation with Chloe. Binasa niya. Totoo naman. Really, really sorry daw, something came up. Emergency. Babalik daw sa farm si Chloe bago gumabi.

Umismid si Tarcila. "Gusto lang niya na abutan ka ng gabi sa bahay niya," aniya. "At bakit tatlo ang smileys mo dito?" Iyon ang reply ni Arik sa message ng babae.

"Ilan ba dapat?"

"Isa lang."

"Okay. Tara na?"

"Ano'ng panonoorin natin?"

"Bahala na." Tinawag ni Arik ang waiter at binayaran ang kanilang bill. Their role reversal just happened. Hindi na nila pinag-usapan. When Arik started earning money, he just assumed the role of the provider. Pinakikiramdaman na lang ito ni Tarcila kung may pera o wala. So far, it seemed, he was handling his finances better than expected.

Wais na elyen.

Lumabas sila ng restaurant, umakyat sa escalator patungo sa sinehan at natawa na si Tarcila sa kabila ng mga concern niya nang makita ang malaking-malaking poster ng The Martian.

How relevant! Maski na hindi naman tungkol sa alien per se ang pelikula.

"Ano? 'Yan na lang?" tanong ni Arik.

"Sige." Natatawa pa rin si Tarcila. "Mababaliw ako sa 'yo, Arik."

"Di mabuti."

Siniko niya ito. "Tigilan mo 'yan."

"Wala naman—"

"Bumili ka ng ticket do'n. Bibili ako ng popcorn."

Kagaya sa pagpasok nila sa mall, sa restaurant, sa escalator, at ngayon sa labas ng sinehan, Arik made heads turn, made young women giggle, made boyfriends jealous because their girlfriends gawked at a tall, dark, and long-haired guy. Everywhere they went, Arik got attention. Hindi na magawang mainis ni Tarcila dahil masisisi ba niya ang madlang people?

Arik was the epitome of perfection but... he was the worst guy to be in a relationship with. Paano ka matatahimik kung si Arik ang boyfriend mo? Ang uubra lang sigurong babae kay Arik, eh, iyong unshakable ang self-esteem at nuknukan ng ganda.

Like Chloe?

Napaismid si Tarcila. Hindi naman din kagandahan si Chloe. Maputi lang, pula ang buhok, sexy... yayamanin. Paano nga kaya naging girlfriend ni Bok ang babaeng iyon? In-stalk na niya ang social media accounts ni Chloe. Wala siya masyadong nalaman dahil private ang mga iyon.

Oh, well.

Sinalubong na siya si Arik nang makabili ito ng tickets. Suwerte naman ang timing nila. Katatapos lang ng first screening ng pelikula, pinayagan na silang pumasok sa sinehan.

"Arik, 'yong mga sinabi ko, tanda mo pa?" tanong ni Tarcila nang makaupo sila. Sa tabi ng aisle siya pinaupo ni Arik, sa kaliwa niya ito. Naalala niya ang kanyang daddy. Ganoon din ang puwesto nila kapag nanonood sila ng sine noon. Mas okay raw na sa tabi siya ng aisle, walang makakatabi sa kanya na may masamang balak and she would be protected on the left side. Hindi naman niya naikuwento iyon kay Arik. Was he just instinctively protective?

Nag-inat si Arik ng mga braso. "Bawal kang landiin."

"Ahm... 'yon din. Pero hindi 'yon ang tinutukoy ko. 'Yong kay Chloe." Sinabihan niya ito ng kung ano-ano ang dapat itanong kay Chloe, kung paano magda-drama para magkuwento ang babae tungkol sa 'alamat' ni Bok.

"I know what to do," ani Arik, sa likod ng upuan ni Tarcila lumanding ang kanang braso nito.

"Good." Inalis niya sa sandalan ang galamay nito. "Behave."

He chuckled. Dumausdos naman ito sa upuan hanggang bumunggo na ang mga tuhod sa likod ng upuan sa harap, inihilig ang ulo sa kanyang balikat.

"Ay, ang kulit mo, Arikoy."

"Nangangawit ang batok ko," reklamo nito.

Kunsabagay, matangkad kasi, laging problema ang headrest.

"O, sige. Pero 'wag kang gagalaw diyan." Nilantakan na ni Tarcila ang popcorn at sinubukang mag-concentrate sa mga movie trailer. No good when someone's stubbled chin was on your clavicle. Maluwang pa naman ang neckline ng suot niyang fluid tee sa ilalim ng wala ring silbing cardigan—walang collar at hindi naman gaanong makapal. Ganoon pa man, hinaltak niya ang cardigan para protektahan ang kanyang collarbone sa malanding balbas ng elyen.

He was really flirting with her. At hindi siya natutuwa dahil alam naman niya kung bakit ginagawa iyon ni Arik. He just wanted to stop her from learning the truth of his past.

Pero desidido talaga siya. Gusto na niyang maibalik ang elyen kung saan man ito nagmula at nang bumalik na sa dati ang kanyang buhay.

Hah!Manigas ang balbas mo, Arik. Hindi siya makukuha sa Apoy ni Heraklus.

Nagsimula na ang pelikula.

Biglang naisipan ni Arik na haltakin ang flap ng cardigan ni Tarcila. "Giniginaw ako," ani Arik, pilit na kinukumutan ang sarili ng cardigan.

Inagaw ni Tarcila ang flap. "May sarili kang apoy, giniginaw ka? Style mo, uy!" She hissed. Natapon-tapon pa ang popcorn niya.

"Sshhh, ingay mo," saway nito at sa likod naman niya isiniksik ang braso, sa lower back at sa may baywang na niya lumitaw ang kamay. His other arm rested across her belly. His face continued to rub against her clavicle. "'Wag kang malikot," utos pa nito.

Hindi nga nakatinag si Tarcila.

And truth be told. Maginaw naman talaga. And Arik's warmth was oddly comforting... Well, almost. Alerto pa rin si Tarcila. Huwag na huwag magkakamali ang elyen, paliliguan niya ito ng popcorn at Sarsaparilla.

"I can hear your heart," bulong nito, with sound effects, "Dug, dug, dug, dug."

"'Wag mong pakialaman ang puso ko."

"'Lakas, eh." Iminuwestra pa nito sa kamay kung paano tumibok ang kanyang puso.

Nagpasiya si Tarcila na huwag nang pansinin si Arik. Habang pinapansin kasi ay mas maglilikot at mangungulit. Effective naman, natahimik si Arik. At bagaman nakayakap pa rin sa kanya, mukhang seryoso na sa pinapanood.

And when she realized why, she had to suppress a laugh.

Relate much ang elyen sa kapalaran ni Matt Damon sa Mars. Nabagbag naman ang kalooban ni Tarcila, tinapik-tapik niya ang pisngi ni Arik. Sinubuan pa niya ng popcorn.

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin