Untitled Part 26

567 35 0
                                    


SA BAHONG, La Trinidad na rin kumuha ng matutuluyan si Tarcila dahil naroroon daw ang rose farm nina Chloe. Mabuti na iyong nasa malapit lang siya at madaling masusundo si Arik kung sakaling magtagal ito sa 'girlfriend'.

Maliit at tahimik na sitio ang Bahong, treinta minutos na biyahe mula sa pamosong strawberry fields. Pero pagpasok ng sasakyan nila roon, namangha agad si Tarcila, lalo na si Arik sa mga taniman ng bulaklak, partikular na ang mga rosas. Ang lahat ng iyon ay napapaligiran ng mountain range. Sierra Madre.

Alam ni Tarcila ang 'love-affair' ni Arik sa mga halaman. "Gusto mong bumaba? Pasyal muna tayo." Hindi na kailangang tumango ng elyen. Kitang-kita niya sa mukha nito ang excitement. Itinabi niya ang kotse. Agad na bumaba ang elyen.

Sa unang tingin lang pala parang walang tao sa taniman. Natatakpan lang ang mga ito ng dark green na dahon ng mga rosas. May nakasalubong pa silang manong na may kargang rucksack na puno ng mga rosas na hindi pa talaga bumubukadkad. Mukhang gusgusin pa ang mga bulaklak.

"Dami naman n'yan, Manong," komento ni Tarcila.

"Konti pa nga, eh. Masyadong mainit ang panahon." Pero binigyan pa rin siya ni Manong ng isang stem.

"Salamat po."

Nang makalampas ang manong, hinawakan ni Arik ang talulot ng rosas. Unti-unti iyong bumukadkad.

It was the most amazing sight. "Oh, Arik." Inamoy ni Tarcila ang rosas. And Arik did that 'forehead thing' again. Idinikit nito ang noo sa kanyang noo. And it seemed that he could not stop grinning.

The alien was happy.

Sa buong buhay ni Tarcila, noon lang yata siya nakakita ng tao na totoong maligaya. Maski sa salamin, hindi pa niya nakikita ang kaligayahan na kaparis ng nakikita niya sa mukha ni Arik.

And his happiness was contagious.

Her heart just swelled. She got teary-eyed. Nayakap niya nang mahigpit si Arik at bago pa naisip ang kasunod na ginawa, ginawa na niya. Hinagkan niya ito sa mga labi. A light kiss.

But it lingered, that when their lips parted, there seemed to be an unspoken promise.

Then Arik just jumped and shouted. "Woo-hooh!" Taas ang mga kamay, nagtatakbo ito sa pinakamalapit na bed of roses. Hindi na nakaangal ang mga trabahador doon, napatunganga na lang kay Arik...

At sa nangyayari sa mga rosas. Tila sumusunod ang mga iyon kay Arik. Nang sa wakas ay huminto ang lalaki sa kalagitnaan ng taniman, sabay-sabay na napasinghap ang mga nanonood.

All the roses just bloomed.

Umusbong ang mga bagong talulot, tila sumusunod sa kumpas ng mga kamay ni Arik.

Tarcila was laughing and crying at the same time.

Arik and the roses were the most beautiful sight.

All of her doubts and fears and concerns just disappeared. She simply stopped caring about the past... and who cares about the future?

Life was happening right before her eyes.

Life was happening to her.

"Oh, Arik, I love you. I really do."

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin