NAALIMPUNGATAN si Tarcila. A fragment of a dream flashed across her mind's eyes.
A face.
A most beautiful face. It filled her with so much love, like her heart just burst and blossomed into a million wonderful feelings.
She took that face into her hands and kissed the forehead.
"I love you... so much."
"Bye, Mommy. See you later, alligator!"
Nakita ni Tarcila ang sarili na tumatawa, nakatayo sa gate ng bahay ng kanyang mommy. Kumaway siya sa school service. Sumilip sa bintana niyon ang batang lalaki. She blew him a kiss.
The love of her life.
"Oh, God." She burst into tears. Blissfull tears. Alam niya na hindi panaginip iyon. Somewhere in the fabric of Space and Time, her baby boy was alive. Happy, healthy... even funny. Napatawa na naman siya.
And then she saw it.
A pink rose.
In full bloom.
Nakapatong sa unan.
Kinuha ni Tarcila ang bulaklak at awtomatikong tumingin sa tokador kung saan nakapatong ang graduated cylinder na ginawa niyang flower vase para sa rosas na ibinigay ni Arik sa kanya noong nasa flower farm sila. Her improvised vase was empty.
Dahil hawak niya ang laman niyon.
"Arik," sambit niya. "Arik, you made it. I know you made it!" Nagtatakbo siya sa balkonahe. Umaambon pa rin, pero maliwanag ang ulap. Ang mga halaman ni Arik, tila tumaas, lumago ang mga dahon. Isa-isa niyang hinawakan ang mga iyon. "Thank You, God. Thank You, thank You!" Hindi pa sana siya aalis sa balkonahe kung hindi na-realize na wala siyang saplot maski isa. "Aw, shit!" Nagtatakbo uli siya pabalik sa silid, naghagilap ng bathrobe.
Her cell phone was ringing.
"Hello, Vince," sagot niya.
"Tarcila, hindi ka maniniwala. Something strange happened, all over the world." Excited at frantic si Vince.
"Tell me about it," aniya, nangingiti. Sa lahat ng iniwan ng minamahal, siya ang maligayang-maligaya. May mas strange pa ba roon?
"Sa Instagram, sa Facebook... Twitter. Trending topic!"
"Ang alin?"
"Déjà vu! Tingnan mo, bilis! Hashtag Déjà vu!"
"Déjà vu." Iyong pakiramdam na ang kasalukuyang sitwasyon ay nangyari na... pamilyar na. Ang ibang nakakaranas niyon ay kine-claim pa na kayang masabi ang mga susunod na pangyayari. Dahil nga, naranasan na.
"It's weird. Ang daming nagtu-tweet na na-experience nila 'yon. Maski ako, Tarcila. I was up until midnight writing. Bigla kong naisip na masasagi ko ang mug ko... mabubuhusan ng kape ang laptop. Nasagi ko nga pagkuha ko n'ong book. Pero nasalo ko kasi nga, alam ko na ang mangyayari. Feeling ko, parang... na-rewind ang mundo nang several seconds."
"Sayang, tulog ako," wika na lang niya.
"I want to look into it, Tarcila," seryosong wika ni Vince.
"Eh, papa'no mo ipapaliwanag 'yon?" Siya, may eksplanasyon pero nunca na isiwalat kay Vince ang tungkol kay Arik. At kay Brak. Sigurado siya, may kinalaman ang dalawang elyen sa phenomenon na sinasabi ni Vince.
"Kahapon, pinaandar nila 'yong Hadron Collider sa Switzerland. Kine-claim n'ong mga physicist ang existence n'ong Higgs boson particle, something to do with antimatter... Hindi ko maintindihan ang mga terms. I need you to talk to physicists about it. Kung naka-create ng mini-black hole ang mga scientist, naka-create din sila ng wormhole para makapag-travel sa ibang panahon—whatever."
"'Yan ang bago kong assignment? Hindi mo pa ako binabayaran at nire-reimburse do'n sa mga sinasapian."
"Ipa-deposit ko today. Please help me with this one. It's big. I can feel it, it's... awesome."
Natawa si Tarcila, parang naubusan na ng adjective si Vince. "Okay. Pero last na ito, Vince, ha. I have to, you know, get a more stable source of income."
"Thanks. You're the best."
"'Yong bayad ko, 'oy."
"Send mo sa akin how much."
Tapos nang kausapin si Vince, hawak at nakatitig pa rin si Tarcila sa cell phone. At bago dumilim ang screen niyon, nag-i-scroll na siya sa contacts. It was a shame that the number she was after was not tagged as a favorite.
That would have to change.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Ficción GeneralGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
