OH, SO YOU JUST CAME FROM THE PROVINCE. NICE." TATANGO-TANGO ANG kausap ni Bok sa gym. Si Raymond. Lalaking panot at kaparis ni Efren. "So, where do you stay?"
"14D." Tugon niya, mas pinabilis pa ang treadmill. Kung totoo silang tumatakbo, milya-milya na ang distansya niya sa kausap dahil para lamang itong namamasyal sa ilalim ng buwan.
"Fourteen----oh, wait, kay Tarcila--really? She's a friend of mine...wait, are you two---"
"Friends." Maagap na sagot ni Bok. "She's helping me out." Lubos na niyang nauunawaan ang English na lengguahe. Resulta iyon ng mga oras na ginugugol niya sa cable TV, netflix, YouTube. Ayaw siyang palabasin ni Tarcila mag-isa at bihira namang lumabas ang babae. Nagtatrabaho. Sa gym lang siya pinapakawalan dahil walang pagpipilian si Tarcila.
"I see." Halatang ikinatuwa ni Raymond ang sagot ni Bok. Nagugustuhan ng lahat ng nakakausap niya kapag sinasabi niyang kaibigan niya si Tarcila. "Ano'ng work mo dati?"
"Sa bukid--farm."
"May farm kayo sa probinsya."
"Sa lola ko. Namatay na s'ya."
"Tibay ng endurance mo, ha." Komento ni Raymond, sumulyap sa treadmill.
"Kailangan kong pawisan, eh."
"Kulang pa 'yung naipawis mo sa work-out kanina?"
"Wala kasi akong ginagawa sa bahay. Nakakainip. Mas mabuti dito, nakakagalaw ako."
"Um, are you looking for a job, Bok?"
Hindi agad siya makasagot. Kasagutan hinggil sa pagkatao niya ang pakay niya kaya sumama siya kay Tacila. Pero magdadalawang-linggo na siya sa Maynila, wala pa rin siyang ideya kung ano talaga siya at kung bakit wala siyang maalala. Ang ihi niya na ipina-eksamin ni Tarcila, lumabas na abnormal, pero dahil lamang sa bagay na walang nakita doon ni katiting na imbalance ng mga protina at iba pang substance. First time lang daw ng duktor na nagbasa ng resulta makakita ng ganoon. Ang ihi ay nanggaling sa taong nasa perpektong estado ng kalusugan.
Halata ni Bok na dismayado ng kaunti si Tarcila dahil umasa ito na may lilitaw na kakaiba sa ihi niya at iyon ang anggulong susundan nito para madiskubre kung ano talaga siya. Pero hindi pa rin daw titigil si Tarcila, nais pa rin daw niyong ipaeksamin ang dugo niya. Naghahanap lang daw ang babae ng masusuhulang Med.Tech para maging lihim ang eksaminasyon.
Bukod doon ginugugol rin ni Tarcila ang maghapon, maging magdamag sa pagsasaliksik tungkol sa mga nilalang na nagmula sa ibang mundo. Nag-aalala si Bok sa babae. Hindi iyon natutulog ng sapat, hindi kumakain ng tamang pagkain, kape ang iniinom imbes na tubig. Humihina ang enerhiya. Hindi na niya mahahayaan pang magpatuloy sa ganoon si Tarcila.
"Oo." Sagot niya kay Raymond. "Kailangan ko ng trabaho." Kung siya ang magtatrabaho, mababawasan ang puyat ni Tarcila dahil pagsasaliksik na lamang ang aasikasuhin niyon, hindi na trabaho. At kapag may pera na rin siya, makakabili na siya ng mga tamang pagkain para sa kanila.
"Good. In that case, baka matulungan kita."
BOK, nakakalipad ka ba?" Tanong agad ni tarcila pagpasok na pagpasok ni Bok sa unit. Nakasalampak sa sofa ang babae, kandong ang laptop. Doon niya ito iniwan tatlong oras na ang nakakaraan, mukhang hindi pa talaga tumayo doon ni saglit. Maputla na ito, namumula ang mga mata.
"Hindi ko alam. Kapag lumalabas ako sa katawan ko. Pero hindi ko 'yun magawa ng matagal." Dinampot ni Bok ang mug sa mesang baul--baul na mesa. Malamig na ang kape.
"Kape ko 'yan." Itinaas nito ang kamay para abutin ang mug.
Pumihit si Bok at dinala sa lababo ang kape, itinapon niya. Kumuha siya ng tubig at saging.
"Ito ang kainin mo." Aniya kay Tarcila pagbalik niya sa salas. Naupo siya sa tabi nito sa sofa, binalatan ang saging.
"Ewww, Bok. Hindi ako alien." Iniiwas nito ang bibig, itinulak ang kamay niya, "Ayoko n'yan."
"Kakain ka." Mariin niyang wika.
Sumimangot si Tarcila, "Says who?"
Tinitigan niya ito. Seryoso siya. Hindi siya nagbibiro.
"Okay. Fine." Ngumanga si Tarcila. Isinubo dito ni Bok ang saging. Hindi niya tinigilan hanggang hindi naubos ang isang buo. Pinainom niya ito ng tubig, Pagkatapos, laptop naman ang inagaw niya.
"Magpahinga ka."
"May trabaho pa ako. FYI, kailangan ko magtrabaho para may pambili tayo ng saging mo." Hinila nito ang laptop.
Naiiwas naman agad iyon ni Bok, ipinatong niya sa hindi maaabot ni Tarcila. Binalikan niya ito sa sofa, "Matigas ang ulo mo."
"Importante ang ginagawa ko, Bok. Para sa 'yo, para sa 'kin."
"Matulog ka muna."
"Hindi ako inaantok."
"Kailangan mo."
"This is my house. I will do what I want, I will sleep when I want. ..only when I want to."
May bahagi si Bok na natutuwa sa katigasan ng ulo ni Tarcila. Para itong Orakulo ng Tarnassus...napasinghap siya, bumilis ng tibok ng puso. Orakulo ng Tarnassus....pilit niyang hinahagip sa isip ang mga kaakibat ng Orakulo pero para iyong maninipis na sinulid, mabilis na napapatid.
"Bok."
Napapilig siya ng ulo, "Matutulog ka muna." At para hindi na makatutol ang babae, binuhat niya ito at dinala sa silid. Nagkakawag si Tarcila pero wala itong magagawa sa lakas niya.
Ibinaba niya ito sa kama pero hindi agad niya nagawang talikuran doon. May damdaming binubuhay sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Tarcila. Hindi niya maiwasang pagmasdan. Namalayan lang niya na masyado na siyang nakayuko sa babae nang mapatingin siya sa bibig nito, nakaatras ang labi, litaw pati gilagid, naninigas.
"M-Matulog ka." Aniya at tumuwid ng tayo.
"U-Uu."
Isinara niya ang pinto sa silid paglabas.
NANG matiyak na nakalapat ang pinto ng silid, parang sinapian ng diablo si Tarcila. Umarko ang likod niya, sabay bangon--tayo sa kama, tinalo ang Olympic gymnast.
At naglulundag, "Aiyeee! Aiyeee!" Pero impit lang ang tili niya, baka marinig siya ni Bok. "Oh, yeah! Oh, yeah!" And she twerked it like Miley.
Pinagnanasaan na siya ni Bok!
"Yes, yes, yo! I'm so long hair!" Ipinagpag niya, to the left and to the right ang imaginary long hair. Naramdaman niya, nakita niya sa mga mata ni Bok, HE WANTED TO KISS HER!
Ang tanga lang.
Sa sobra niyang gulat at disbelief, para siyang na-tetanus. LOCK JAW! Pinaikot niya ang panga at minasahe pa iyon. Mali daw kasi ang bite niya sabi ng dentist, dapat noon pa nagpalagay na siya ng braces, noong nasa poder pa siya ng mayaman niyang mommy.
Pero kahit na!
Naglulundag na naman siya, "To the left, to the right, umikot ng sabay-sabay--fantastic, babeh!"
"Tarcila?" Kumatok si Bok.
"Tulog!" Sagot niya sabay higa.
a si6O
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
General FictionGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
