EXCITED na umuwi si Arik. Magdamag at maghapon siyang hindi nakauwi dahil sa shooting. Pero alam niyang umalis rin si Tarcila, bibisita daw sa mommy niyon. Kaya malamang, wala siyang daratnang pagkain o kung mayroon man, pizza, instant noodles, pizza.
Dumaan na muna siya sa supermarket na nagbebenta ng organic na mga gulay, prutas at karne. Sa amoy pa lang ng mga sariwang gulay, natatakam na siya. Kaya habang naglalakad pauwi sa condo, nagpapapak na siya ng carrot. Umaambon-ambon pa, isinuklob niya ang hood ng jacket.
Naghihintay siya ng pagpapalit ng ilaw-trapiko sa intersection nang biglang huminto sa tabi niya ang isang putting van. Bumukas ang pinto . Dalawang lalaki na nakamaskara ang bumaba, armado ng baril. Hinila siya.
Nagsigawan at nagpulasan ang mga kasabay niyang tatawid sana. Hindi agad niya lubos na naunawaan ang nangyayari. Itinulak siya ng mga lalaki sa loob ng van at dali-dali ang mga iyong sumakay at humarurot na ang sasakyan.
"'kingina mo! Model ka pa ngayon, hayup ka!" Wika ng isa sa dalawang lalaki, hinubad ang maskara. Malaki ang ilong, bilog ang mukha na maraming butas. Hindi niya kilala. Naghubad na rin ng maskara iyong isa. Pahaba ang mukha, may bigote.
"Sino kayo? Bakit?" Wasak ang paper bag ng mga gulay niya, natapon na ang ibang laman.
"Uy, hindi tayo kilala, uy!" Anang mahaba ang mukha, sabay itinutok sa leeg ni Bok ang baril, "Tang-ina mo, Bok! Traydor ka, eh."
Traydor. Pero tao ang mga ito, hindi ang mga nilalang na kalaban niya sa panaginip na maaaring hindi talaga panaginip.
"Hindi ko alam ang sinasabi n'yo." Aniya.
Inupakan siya sa mukha ng mahaba ang mukha. Dumugo ang ilong niya. Nahilo siya.
"Nagawa mo pang magmodel at ipangalandakan 'yag pagmumukha mo. Ibang klaseng tanga ka rin, eh. Tanga ka o tanga?"
"Ano'ng kailangan n'yo sa 'kin?"
"WALA!" Iyong malaki ang ilong ang sumagot. "Tutuluyan ka na namin!"
"Papatayin n'yo ako?"
"Hinde! Tarantado 'to--" iiling-iling pa ang malaking ilong kay mahaba ang mukha.
"Hindi kami ang papatay sa 'yo. Si Ma'am! Maninigurado lang na talagang patay ka na, hayup ka. May sa pusa ka pala, eh. Akalain mong nabuhay ka pa?"
"Hindi ko alam ang sinasabi n'yo. Hindi ko kayo kilala." Itinapat niya ang mga palad sa mukha ng dalawa, pati sa tsuper ng van.
Gumewang-gewang ang van dahil huminto magmaneho ang driver..
Bumangga sa likod ng isang sasakyan ang van. Napasubsob si Arik sa dashboard. Inayos niya ang sarili at balewalang inipon ang mga natapon niyang gulay.
Bumaba siya. Nagkakagulo na ang mga tao.
Pinahinto niya ang mga iyon at naglakad pauwi.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Ficción GeneralGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
