"IKAW?" Pagkasabi niyon, isinara ni Efren ang pinto sa harap ng mukha ni Tarcila.
"OA mo naman, bakla!" sigaw ni Tarcila, kinalampag ang pinto. "May ipinapabigay sa 'yo si Arik—si Bok! May regalo siya sa 'yo!"
Bumukas uli ang pinto. Nakaingos at nakataas pa rin ang kilay ni Efren. Itinaas ni Tarcila sa mukha ng bakla ang paper bag full of goodies. Nanggaling talaga iyon kay Arik para kay Efren. May mga damit—freebies galing sa direct-selling company, tatlong lipsticks—si Arik mismo ang bumili. May smartphone pa—freebie rin from the telco. The elyen sure knew the way to a girl's heart. "Para daw sa 'yo."
"Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ni Efren, kinuha ang paper bag.
"May photo shoot. Sikat na si Bok, alam mo ba?"
"Palagay mo sa 'kin, taong-bundok? Oo, alam ko. Tinext sa 'kin ng tita ko na nasa Malabon. Nakita raw niya ang picture ni Bok sa SM. Model na siya."
"Oo. Kaya ka niya pinadalhan ng phone ay para makatawag ka sa kanya. Tsaka para makapag-FB ka na rin. I-follow mo siya. Arik ang pangalan niya ngayon." Robertito Sagrado ang totoong pangalan ni Bok. Nag-insist lang ang elyen kay Loiue na Arik na lang ang gagamitin. "Bakit ba kasi Bok ang tawag n'yo sa kanya—" Pero hindi na siya narinig o naintindihan ni Efren. Nagtititili na ito at lumulundag sa tuwa dahil sa natanggap na biyaya. Sinigawan niya ang bakla. "Puwede bang pumasok? Hoy, Efren!" Dahil bukas naman ang pinto, tumuloy na siya sa loob. Linoleum na sahig, bulaklakin ang cover ng sofa set, berde ang kurtina na may floral-printed ruffles, ang display cabinet ay hitik sa makukulay na plastic flowers. Pero higit na kapansin-pansin sa lahat ang kalinisan ng bahay.
"Ang bait ni Bok! My God! Inaayyyy! Inaaayyyy!" Nagtititili at naglululundag pa rin si Efren.
Nakiramdam si Tarcila. Wala namang 'inay' na lumitaw. "Sino'ng kasama mo dito?" tanong niya.
Tumigil ang bakla, tiningnan siya. "Wala. Namamasada ang tatay."
"Inay mo?"
"Wala. Nasa palengke."
"Ah." Hindi niya naisipang magtanong kay Bok tungkol kay Efren dahil hindi naman niya naiisip si Efren; kagabi lang nang ma-realize na kailangan niyang alamin ang pagkatao ni Bok the human, not Bok the elyen. "Nag-aaral ka pa ba?"
"Stop muna. Walang katulong ang tatay dito sa bahay. Nag-aalaga ako ng pamangkin. Nasa Taiwan ang ate ko. Kailan dadalaw dito si Bok?"
"Hindi ko pa alam. Busy siya masyado, eh. Puwede ba tayong mag-usap muna?"
"Nag-uusap na tayo."
"I mean, umupo ka muna at marami akong itatanong tungkol kay Bok."
"Bakit?"
"Eh, di ba nga kasi, marami 'yong hindi naaalala tungkol sa past niya? Ngayong okay na siya, naiisip niya na bumawi sa mga nagawan niya ng atraso dati. 'Kaso mo nga lang, hindi niya maalala kung ano-ano ang naging atraso niya at kung kanino. May mga nakaaway ba siya noon? Sino-sino ang mga barkada niya—mga gano'n."
"Nurse 'yon," pabale-walang wika ni Efren, binubuksan na ang kahon ng smartphone. "Shit, pangarap ko 'to, at naalala ni Bok—"
"Si Bok? Nurse?!" That was totally unexpected. Nurse?!
"Napag-initan lang 'yon doon sa ospital." Sinasalpakan na ni Efren ng SIM ang bagong phone. "Kasi nga guwapo."
"Paanong napag-initan? Ayusin mo naman ang kuwento mo."
"Na-frame-up siya na nagnanakaw ng mga gamot, ibinebenta sa labas. Basta kung ano-ano. Lahat na lang ng kapalpakan do'n sa ospital, kay Bok isinisisi. Kasi 'yong director doon, nagseselos sa kanya. Malandi kasi ang misis, lapit nang lapit kay Bok. Si Bok naman, friendly talaga. Hindi suplado 'tapos palabiro. Ang mga pasyente, siya ang hinahanap. Pati 'yong mga ibang nurse na lalaki, imbiyerna rin kay Bok. Basta, kinasuhan siya, ipinakulong—mga one year din yata before na-dismiss 'yong kaso. Isinanla ni Lola Unding ang bukid para may pambayad sa abogado.
"Siyempre, depressed si Bok paglabas. Wala siyang trabaho. Kahit dismiss na 'yong kaso, suspended pa ang lisensiya niya. Walang-wala sila ni Lola Unding. Kung ano-ano na lang ang trabahong pinasok ni Bok."
"Hindi niya naisipang mag-model noon?" naitanong lang ni Tarcila. "Or lumuwas man lang?"
"Madalas siyang lumuwas noon. Pero siyempre, hindi niya maiiwan nang matagal si Lola Unding. Basta 'yon. Parang napansin na lang namin, iba na si Bok. Adik na siya. Naaawa ako do'n noon pero hindi ko naman masyadong malapitan. Nakakatakot."
"Hindi mo siya nakakausap noon? Hindi mo nakakuwentuhan?"
"Minsan. 'Kaso nga, bigla-biglang nag-iiba."
"May nabanggit ba siya na mga naging tropa niya? Kasi, siyempre, kaya siya nagkagano'n, napabarkada tiyak sa mga salbahe."
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, dumadayo si Bok kung saan-saan, nagsusugal."
"Sugal?!" From RN to gambler. Ibang klase rin talaga si Bok. Hindi malaman ni Tarcila ang iisipin. Was Bok stupid or what?
"Poker. Iyon ang alam ko na lakad niya before siya mawala. Narinig ko na may kausap siya sa cell phone. Pinag-uusapan nila 'yong pera, malaki. Excited nga si Bok no'n."
"Teka muna, anong nawala? Nawala si Bok?"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Ficção GeralGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
