LINGID sa kaalaman ni Tarcila, updated si Arik sa mga nangyayari sa bukid ni Lola Unding. Salamat kay Efren na regular na nagre-report sa kanya. Hindi pa raw maibenta nina Tiyo Arman ang bukid dahil tutol ang iba pang kabahagi sa lupa. Patuloy na masagana ang ani roon at ipinagpapasalamat iyon ng mga magsasaka kay Bok. Natutuwa siya sa mga balita ni Efren dahil plano niyang bilhin uli kina Tiyo Arman ang bahagi ni Lola Unding sa bukid.
Babalik siya sa probinsiya kapag sapat na ang naipon. Doon na sila titira, silang dalawa ni Tarcila. Alam niya na papayag ang babae. Masaya si Tarcila sa piling niya at sisiguruhin niyang hindi iyon magbabago.
Naiisip iyon ni Arik habang lakad-takbo dahil sa tila walang katapusang taniman ng mga bulaklak sa paligid. Mga bulaklak na tila nagpupugay sa kanya, yumuyuko at unti-unting bumubukadkad... bumubulong sa tinig na pinakamaganda sa lahat. I love you... I really, really do.
Ah, kailangan na niyang magmadali para makabalik na kay Tarcila. Kung iyon ang pag-ibig, walang dudang natagpuan na niya.
Tanaw na niya ang karatula ng Montuano's Flower Farm. Iyon ang pakay niya. Binilisan niya ang pagtakbo sa pakurba-kurbang kalsada.
Break up with Chloe. Get back to Tarcila.
Hindi na mahalaga ang nakaraan. Kung ano o sino man si Bok at si Arik noon, siya na iyon ngayon. Kung paano siya nagkaroon ng taglay na kapangyarihan, hindi na niya gustong malaman. Wala nang mas mahalaga pa kundi si Tarcila.
Mahal ko siya. I love her... without beginning... without end...
Napasigaw siya kasabay ang pagbulagta sa kalsada. Para siyang bumangga sa pader.
Ang enerhiyang walang hanggan!
Kinailangan pa niyang kumapit sa karatula ng farm upang makatayo. Higit na malakas ang enerhiya sa lugar na iyon. At alam niya ang nangyayari dahil naririnig na naman niya ang makapangyarihang tinig.
"Don't be stupid! Follow me!"
Sinundan iyon ng isa pang tinig. Tinig na pamilyar sa kanya. Tinig ni Arik... ang kanyang tinig.
"No! I am Arik! The Ruler of Krohn!"
Nagkaroon ng hugis ang tinig na nag-uutos sa kanya. Ang estrangherong nagtataglay ng enerhiyang walang hanggan. Umiling ito. "Bro, right now you are the traitor of Krohn. Follow me or die."
Nakatayo sila sa tabi ng malaking bitak sa lupa. Sa paligid ay ang buong hukbo ng mga mandirigma ni Heraklus. Papatayin siya. Iyon ang utos... ni Arkaina.
"Hindi—" Tinutop ni Arik ang kanyang ulo. "Hindi puwede—" Hindi niya puwedeng maalala ang lahat. Sinikap niya na tumakbo palayo sa farm ni Chloe pero ang enerhiya... hindi siya pinipigilan o hinaharangan. Masyado lamang malakas ang konsentrasyon niyon sa lugar at para siyang gamugamo na hindi kayang tanggihan ang kaway ng apoy. Sumigaw siya nang malakas upang labanan iyon, subalit tila patuloy siyang hinihigop. "Huwag... Tarcila! Tarcilaaaa!"
"This is the only way! It's your only chance!" muling sigaw ng estranghero.
Papalapit na nang papalapit ang mga kawal na tumutugis sa kanya. Hindi na nagmamadali ang mga iyon. Alam na wala na siyang pupuntahan.
Tumingin siya sa estranghero.
Lumundag sila sa bitak ng lupa.
"Throw the fucking key!" utos ng estranghero habang bumubulusok sila sa walang-hanggang dilim.
Hindi niya gustong itapon ang susi pero alam niya na tama ang estranghero. Kung hindi niya gagawin iyon, patuloy lamang siyang bubulusok sa kadilimang iyon. He would be part of nothing. He would be nothing.
Totoo ang mga alamat na ikinuwento ng kanyang ina. Totoo ang lagusan ng Sigmus! Lagusang lumilitaw lamang tuwing pagkatapos maganap ang malakas na pagyanig ng lupa. Hinaltak niya ang kuwintas na kinalalagyan ng susi at inihagis iyon sa dilim.
"Ouch!" daing ng estranghero, tinamaan marahil ng kuwintas.
Bumilis ang kanyang pagbulusok. Tila hinihigop siya ng ipuipong hindi nakikita, nararamdaman lamang niya ang pagbalot niyon sa kanyang katawan.
"Bok!"
Pinukaw ng tinig na iyon ang daloy ng kanyang alaala. Si Chloe, nasa manibela ng pulang jeep at papalapit sa kanya. Ganoon na lang sana ang pasalamat niya sa babae kung hindi niya napansin din kaagad ang mga lalaking kasama nito. Nagsibaba ang mga iyon mula sa sasakyan.
Sinubukan ni Arik na patigilin ang mga iyon pero ni hindi niya maitaas ang mga kamay. Hinang-hina siya dahil sa alaala ng pagbulusok niya sa kadiliman. Pakiramdam niya ay naulit iyon at muling nagdurusa ang kanyang katawan.
Inusong siya ng mga lalaki pasakay sa jeep ni Chloe. Pinagitnaan siya ng mga ito sa backseat. May natanaw siyang bahay sa pakaliwang kurbada pero hindi doon dinala ni Chloe ang sasakyan. Dumeretso sila sa paitaas na kalsada at saka kumanan sa panibagong kurbada.
"I'm really sorry about this, Bok. But a girl's gotta do what she's gotta do," wika ni Chloe. Pataas sila nang pataas at iniwan na nila ang mga taniman ng bulaklak. Bangin na ang nasa isang gilid ng kalsada, rock wall sa kabila.
Habang umaakyat sila sa bundok, palakas nang palakas ang enerhiyang walang-hanggan.
Patingkad nang patingkad ang mga alaala.
Palayo siya nang palayo sa natagpuang kaligayahan.
Tarcila... Patawarin mo 'ko... Tarcila... 'Wag mo 'kong bitawan... 'Wag mo 'kong kalimutan... Mahal kita...
"Why the tears, Bok?" tanong ni Chloe.
Huminto sila sa isang burol. Hinayaan na lang ni Arik na ibaba siya ng mga tauhan ni Chloe, kaladkarin at itulak sa lupa. Pasubsob siyang bumagsak. May humaltak sa kanyang balikat hanggang nakaluhod na siya.
' Yumuko si Chloe, hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "I really hate to do this. You're a fucking heaven on earth, Bok. I'll mourn your death. Again." Binitawan nito ang kanyang pisngi at tumuwid. "Gimme that," anito sa isang tauhan.
Nanatili siyang nakayuko.
"Good-bye, Bok."
Nag-angat siya ng mukha. "You can't kill a dead man, bitch," aniya at idinura ang lupang napadikit sa kanyang bibig, saka tumayo.
Napaatras ang babae, parang kamuntik nang mabitawan ang hawak na baril. "Bok... I... It's a joke, sweetheart—"
Humakbang siya palapit dito. "I am Arik, the Ruler of Krohn." Hinagip niya ang leeg ng babae at pinisil iyon nang mariin. Lumuwa ang mga mata nito.
"Bitawan mo si Ma'am!" sigaw ng isang tauhan, nagkasa ng baril.
Sinulyapan iyon ni Arik. Patulak niyang binitiwan ang leeg ng babae. Ikinumpas niya paitaas ang dalawang kamay. Sabay-sabay na umangat sa lupa ang mga tauhan ng babae, kasama na rin ang huli. Hinayaan niyang tumaas nang tumaas ang mga iyon hanggang tuldok na lang sa paningin niya.
It was an awesome planet. It gave him powers.
Biglang ibinaba ni Arik ang mga kamay. Pagkalipas ng ilang segundo, nakarinig siya ng mga sigaw. Bale-wala niyang pinulot ang pantali sa buhok at lumapit sa jeep. Ilang saglit pa ay humaharurot na siya pababa ng burol.
Kailangan niyang mabawi ang kanyang susi pabalik sa Krohn.
Si Brak, ang bastardo ng Agron. Ang estranghero ang magsisilbing susi.
To find the bastard, he needed that other bitch. Tarcila. Ah, that one should be easy. Apoy ni Heraklus ang bahala sa babae.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Fiksi UmumGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
