PROLOGUE

2.8K 74 4
                                    

MULA pa noong unang panahon, naniniwala na sila sa kapangyarihan ng Orakulo ng Tarnassus. Sa loob ng halos tatlong libong taon, sa bawat henerasyon, isang babae ang iniluluklok bilang Orakulo at tinatawag sa pangalang 'Arkaina.' Pinipili ang Orakulo mula sa mga batang babae na dinadala ng mga magulang sa Templo ng Tarnassus, sa bundok na pinaniniwalaang tahanan ng diyos na si Heraklus.

Hindi lahat ng batang babae ay tinatanggap sa templo. Iyon lang may halos perpektong anyo, walang karamdaman o kahit anong kapansanan, malinaw ang paningin, puro at malinis ang isipan. Hindi sasanib ang espiritu ni Heraklus sa isang sisidlang marumi at mababa ang kalidad.

Ang mga batang babae na pinalad matanggap sa templo ay sumasailalim sa mga pagsasanay at pagsubok mula sa mga Chadris—mga asawa ni Heraklus na naninirahan sa templo at hindi pinapayagang lumabas anumang pagkakataon.

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin