Untitled Part 53

1.6K 68 17
                                        


SA KASUNOD na kanto pa nakahanap ng mapaparadahan si Tarcila. Habang naglalakad sila ni Bok patungo sa coffee shop, halata niya na sinasabayan ng lalaki ang pace niya. At hindi ito lumalayo nang isang dangkal sa tagiliran niya.

And his nearness, his presence was so familiar. It hurt, kahit okay naman siya. Alam niya ang mga nangyari. Tinanggap niya. Still, hindi siya handa sa naramdaman nang muling makita si Arik. Si Bok. Hindi niya dapat kalimutan, si Bok na ang kanyang kasama. Hindi na alien kundi tao na.

Ibig sabihin, huwag na rin siyang umasa ng kahit ano. Paano kung si Arik lang na alien ang nagmahal sa kanya at hindi naman talaga si Bok?

Okay lang.

Ganoon naman talaga siguro. Basta naniniwala siya kay Brak. Somewhere out there, maligaya siya.

"Sandali," biglang wika ni Bok at lumapit sa nagtitinda ng mga bulaklak sa tabi ng nagtitinda ng mga diyaryo. Kumuha ito ng isang rosas, hindi pa iyon nakabuka, at ibinigay sa kanya.

"Okay ka lang?" ani Tarcila. Hindi niya matanggap ang bulaklak.

"Please..." pakiusap nito.

"Okay." Kinuha niya ang bulaklak. Inamoy. Tila curious na hinawakan ni Bok ang talulot ng rosas na nakasara pa.

Si Arik ang naalala ni Tarcila. Automatic siyang napatingala. Nasa pagitan ng dalawang gusali ang buwan. Quarter moon. At sa tabi ng buwan, animo ay may mukhang nakatunghay sa kanya.

Ayaw niyang kumurap sa takot na likha lang iyon ng kanyang imahinasyon o pinaglalaruan lang siya ng kanyang paningin. At damdamin.

Arik.

"Whoa..." usal ni Bok.

Napatingin siya sa lalaki, nanlalaki ang mga mata nito sa hawak niyang rosas.

"Oh, my God!" Nakabuka na ang bulaklak! "Bok—"

"H-hindi ko alam 'yan." Nilingon nito ang tindera. "Bakit ho bumuka?"

"Ha? Alin?" nagtatakang tanong ng tindera. Nagbabasa ito ng tabloid at hindi pala nakatingin sa kanila.

"W-wala ho, Manang," ani Tarcila, binayaran ang bulaklak at hinaltak na si Bok. Nang makalayo-layo na sila sa tindahan, saka siya tumigil at hinarap ang lalaki. Pero hindi niya alam ang sasabihin dito kaya bigla na lang niyang niyakap.

He laughed. He sounded pleased.

Sa una ay atubili pa si Bok na gumanti ng yakap, tila naasiwa. But when he finally returned the embrace, it was tight.

"Alam ko 'to," wika nito. "Alam ko 'to."

Tumingala siya kay Bok. "Alam natin 'to."

He grinned so wide. His hair brushed against her face. He looked exactly like that man beside the moon.

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin