Untitled Part 42

589 32 0
                                        


DESIDIDO si Tarcila na muling ibalik ang tamis ni Arik kaya sumasama siya sa mga lakad nito. Bawat minuto, bawat buntong-hininga, bawat hakbang, titiyakin niyang makikita siya ni Arik at iisipin nito na may dapat talaga itong isipin tungkol sa kanilang dalawa. She was hoping that her constant presence and proximity would awaken his appreciation of her.

Kesehodang taasan siya ng kilay ni Raymond, ng mga make-up artist, assistants, at mga babaeng models na kasali rin sa photo shoot. It was obvious how everyone was finding it hard to be a professional around Arik. He was being ogled at, groped, and everything in between, but he did not mind at all.

But he was not just being a sport. Dati, nginigitian at tinatawanan lang ni Arik ang mga pasaring at jokes tungkol sa demigod status nito. He would be amused. His eyes glinted with humor. His smile suggested a hint of shyness. Those things were gone.

Now, he was simply detached.

And the only other person having problems with that, aside from Tarcila, was the photographer herself. A no-nonsense woman in her late forties, short salt-and-pepper hair, simply dressed in jeans, sneakers, and T-shirt.

Sa unang tingin, napagkamalan ni Tarcila na lesbian ang photographer. Kalaunan, na-realize niya na hindi. Na-realize din niya na mas naiinggit siya sa photographer, si Miss Glenda, kaysa sa mga naggagandahan at nagseseksihang babaeng models.

Mas nakakainggit si Miss Glenda dahil hindi ito bothered sa pisikal na anyo. Walang makeup at komportable sa bawat kulubot at linya sa mukha. Hindi rin suplada at masungit ang babae. Tila kay haba ng pasensiya pero nagagawang makipagbiruan sa lahat. The woman wielded authority so easily.

Everyone deferred to Miss Glenda.

Miss Glenda was Tarcila's idea of a perfect mother. She felt a pang of guilt for not appreciating her own mother. But she managed to brush those feelings aside. Hindi naman talaga perfect mother ang mommy niya. Wala siyang magagawa. Hindi siya masisisi ng kahit sino kung makaramdam siya nang ganoon sa sariling ina.

Para sa Department of Tourism ang photo shoot, bahagi raw ng 'It's More Fun in the Philippines' campaign and Arik was clad in nothing but a bahag and a headdress/turban thingy. Hindi malaman ni Tarcila kung Igorot ito o datu.

"I need you to connect with me, Arik," utos ni Miss Glenda, hindi halatang sangkatutak na shots na ang nagawa pero hindi pa nakukuha ang tamang expression kay Arik. "You're the leader of your tribe. You're at war with... invaders. I want to see a bit of anguish, maybe remorse and also resolve."

Gustong mailing ni Tarcila. Kung sa kanya ipagagawa iyon, hindi rin niya kaya. Paano niya ipapakita ang lahat ng iyon? Miss Glenda was practically asking Arik to bare his soul.

"I love your eyes," sabi pa ni Miss Glenda. "Just let me see through them."

May naramdaman si Tarcila na kaunting komosyon sa likuran. Nilingon niya, yayang nakauniporme at batang babae na nasa lima o anim na taon ang edad. Nagsasalita ang bata at hindi na sana papansinin ni Tarcila kung hindi naging obvious na wala namang kausap ang bata. Ang yaya ay nakamata na kay Arik. Ang bata ay walang paki, sige sa kasasalita; at napagtanto ni Tarcila, wala naman talagang kausap ang bata. May nire-recite ito na kung ano, monotonous at oblivious sa paligid.

Autistic?

Naramdaman din ni Miss Glenda ang magyaya, mumbled something like, 'let her be' at muling itinaas ang camera sa mga mata. "Great! That's it—stay with me—stay with me—just one more—"

Nanggilalas silang lahat dahil walang pakialam si Arik na nilapitan ang batang babae. "Sino siya? Sino siya?" tanong ng elyen at umiskwat sa harap ng bata, kesehodang mabosohan sa bahag. Hinawakan nito sa magkabilang balikat ang batang walang paki, sige pa rin sa pag-recite ng... Preamble! Sa Philippine Constitution. Paulit-ulit.

"She's Maiya, my daughter," wika ni Miss Glenda.

"Ma-ee-ya," ulit ni Arik sa pangalan ng bata. Sa buhok naman nito hinagod ang bata.

"Uh, she hates to be touched, Arik." Tila hindi na komportable si Miss Glenda.

Hindi masisi ni Tarcila ang babae. Hindi normal ang ipinapakitang interes ni Arik sa bata.

Walang narinig ang elyen. Bigla nitong niyakap nang mahigpit ang bata. "Maiya." At nang bitawan, biglang idinikit ang noo sa noo ng bata. "Maiya."

At lahat ng nawawalang emosyon ni Arik, nakita ni Tarcila sa mga sandaling iyon, habang nakamasid ang lalaki sa maamo pero expressionless na mukha ng batang babae.

Miss Glenda gasped.

But not in panic, it turned out.

"Oh, my God," anas pa ng photographer.

Dahil tumigil sa pagsasalita si Maiya, tila sa unang pagkakataon ay nakakita o nakaramdam ito ng kapwa tao. Umangat ang kamay ng bata hanggang lumapat sa mukha ni Arik, tila curious sa facial features ng elyen.

"She'd never done that to anyone before, not even to me—" May bikig sa lalamunan si Miss Glenda at sunod-sunod na kinunan ng larawan ang eksena. "Oh, my God..." paulit-ulit na usal nito.

Biglang binuhat ni Arik ang bata at kinandong sa couch na nasa isang tabi. He drew the child against his chest. Hindi tumutol ang bata, pumayag na yakapin ito ni Arik. Wala ring makatutol sa lahat ng naroroon. They just stared. Nagtataka.

Arik seemed almost happy... at peace.

Almost.

The set of his jaws told Tarcila his deep longing for something... someone. And she knew, she had to let him go.

Arik, I'm so sorry. I 've been so... selfish.

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin