OH, MY GOD, he's worth the wait." Wika ni Louie nang makita si Bok.
"Told you." Segunda ni Raymond.
"I'm not so crazy about his clothes though." Sinenyasan ni Louie ang isang tauhan doon, "Undress him."
"Ano kamo?!" Angal ni Tarcila.
"Who are you?"
"Tarcila Magsanoc."
Bumulong kay Louie si Raymond, "Baby girl ni Mia Ruiz, remember her?" Dinig naman ni Tarcila iyon.
"Exactly. At ako ang manager--whatever ni Bok. No nudity." Deklara niya.
"Ganun ba." Hinagod siya ni Louie ng tingin, "Sa tatay siguro nakakuha." Komento nito. "Okay, guys, let's start!"
And so, Bok was powdered, combed and lathered with everything from body oil to glitter dust. Hinubaran ng pang-itaas, pnahiga, pinaupo, pinatayo, pinatagilid, pina-squat, pinaliyad...Pinagsuot ng boxers lang..Inutusang maging charming, naughty, fierce.
Walang reklamo si Bok. Sinunod lahat ang instructions ng photographer na tuwag-tuwa naman sa mga kuha.
"This guy's going places." Deklara nito.
"Talaga." Bulong ni Tarcila, kung alam n'yo lang. Naglakbay na si Bok mula sa planeta nito hanggang Earth.
"Out of this world." Komento rin ni Louie.
Natawa si Tarcila, "Baka elyen." Aniya.
"You better not get too attached to him." Wika ni Louie.
"Bakit?"
"Because that's going to be in the contract. He can't have a girlfriend--well, he can, but he must be discreet. Besides, kung malalaman ng fans n'ya na girlfriend ka n'ya, ewan kung saan ka pupulutin, Miss Magsanoc."
"She's not his girlfriend.": Bulong na naman ni Raymond kay Louie.
Tumaas ng kilay ng agency director, "I find that hard to believe, Mon."
Palakpak ang teynga ni Tarcila, parang, like ko na si Louie.
"Naman--" angal ni Raymond.
"I see the chemistry, Mon. That's why I'm Lorien and you're not." Kastigo ni Louie sa kaibigang sipsip.
"Sabagay, promdi pa kasi." Bawi ni Raymond. "Give him a few weeks more, ewan ko na lang." Sabay sulyap ng makahulugan kay Tarcila.
Iningusan niya ito, "May chemistry kame at wala kang pake." Pero totoo kaya iyon? Paano ba nalalaman ang chemistry?
"I need to speak to Bok alone, Tarcila." Wika sa kanya ni Louie.
"Sige, I trust you. Pero kailangan kong mabasa ang kontrata , ha."
"Nasa hustong gulang na si Bok. I think he's smart enough to know what's good for him."
"E, masyado kasing mabait 'yang si Bok, baka mamay--"
"I know, that's why I like him. There's depth...he's an old soul." Ani Louie, nakatingin kay Bok. "He needs a new name."
Sang-ayon doon si Tarcila. Hindi pang model ang 'Bok'.
HINILA siya ni Tarcila sa isang sulok, sa likod ng payong na ginamit ng pgotographer.
"Makinig ka, ha, Bok." Anito, "Kakausapin ka daw ni Louie, kayo lang mag-isa. Bibigyan ka na yata ng kontrata. Basahin mong mabuti 'yun, ha. Pag may hindi ka nagustuhan, mag may nakalagay dun na hindi ka komportable, 'wag mong pipirmahan."
"Okay."
"Ito pa, 'wag kang papahalik, 'wag kang papahawak sa maseselang bahagi.Hindi ko pa kilalang mabuti 'yun, baka gawan ka ng masama. Basta pag humawak sa 'yo, jombagin mo, ha."
"Hindi naman kalaban si Louie."
"E, pag hinawakan ka sa maseselang bahagi, kalaban na 'yon. Matitinik 'yang mga bakla na ganyan, aalukin ka ng malaking pera, ng kung anu-ano, 'wag na 'wag kang pasisilaw, ha. Hindi pera ang lahat sa buhay, tandaan mo 'yan." Hinawakan nito ang kwelyo ng polong suot niya, "Mahalaga ang puri, ang dangal. Isa kang mandirigma ng Heraklus--itaas mo nga 'yan." Turo nito sa pantalon niya sabay lumipat na doon ang mga kamay, hinaltak pataas ang beywang ng maong, "Jusko, dudungaw na Bok. Mag-ingat-ingat ka nga--'yan--" humawak ito sa beywang niya nang maitaas ng pantalon niya at parang dumikit na doon ang kamay.
"Uh, Tarcila, ang kamay mo, nasa maselan kong bahagi."
"Hehe--" sabay bitaw ito, "OA mo naman, beywang lang, maselan na?"
"Nakikiliti ako." Kaya maselang bahagi na para sa kanya ang kanyang beywang. Mainit at malamig ang kamay ni Tarcila, nanuuot sa balat niya.
cq7Q
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Ficção GeralGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...