TILA slow motion kay Arik ang lahat. Nagsimula nang lumingon kay Chloe si Tarcila kaya ang huli naman ang pinatigil niya. Tila frozen ang mukha nitong lukot pa. Maski ang luha sa sulok ng mga mata ay tumigil.
Napabuntong-hininga si Arik. "Chloe, ahm, you have to go." Tinulungan niya itong tumayo. "Sa—isang araw na tayo mag-usap."
"Sino ba 'yan?" tukoy nito kay Tarcila habang pinapagpag ang asin sa tuhod. Namumula ang mga tuhod nito.
"Si Tarcila. Siya ang may-ari nitong unit."
"Why is she not moving? What's wrong with her? And where'd the salt came from? Eww—ouch."
"Ah, ano... ganyan lang talaga 'yan 'pag nagugulat. U-umuwi ka na muna, t-tatawagan kita."
"But... But..." Yumakap sa kanya si Chloe. "I just found you. I missed you so much, Bok. I thought you were dead. And I saw you and you don't remember a thing, sweetheart."
"S-sorry. Saka na ako magpapaliwanag." Tinulungan na niya si Chloe na ayusin ang damit. "Umuwi ka na muna, please."
"You'll call me?"
"O-oo."
"I love you, Bok." Hinagkan siya ni Chloe sa bibig.
Napangiwi siya. "S-sige na, umuwi ka na muna."
Nakatatlong halik pa si Chloe sa kanya bago ito tuluyang lumabas.
Saka pa lang nakahinga nang maluwag si Arik. Inilapat niya ang pinto. Ikinandado. Nilapitan niya si Tarcila, hinawakan ang pisngi nito at inilapat sa noo nito ang kanyang noo.
Hinayaan niyang lumipas ang mga sandali.
Hanggang mapasinghap si Tarcila. Dumistansiya siya sa babae.
"N-nasaan na—" Iginala nito ang paningin sa buong unit.
"Umalis na si Chloe."
"Chloe pala ang pangalan. Hah! Subukan lang niyang bumalik, ipo-post ko ang picture niya sa buong Internet."
"Girlfriend ko siya," saad niya.
Tila naglaho ang enerhiya ni Tarcila. Dumilim ang anyo nito, nagtagis ang mga bagang. Pagkatapos ay bale-walang kinuha nito ang eco bag at dinala sa komedor ang mga gulay. "O-okay lang naman, Arik. Natural lang naman 'yon. Hindi naman kita mapipigilan kung may—kung may magustuhan kang babae. Ang... ang ayoko lang ay 'yong iuuwi mo pa dito sa bahay. Sa ibang lugar na lang kayo... sa susunod."
Sinundan ni Arik si Tarcila sa kusina. For some reason, natatawa siya sa ikinikilos at mga sinasabi ng babae. Nagpapakaabala ito sa mga gulay pero halata namang wala sa ginagawa ang isip.
Ano kaya ang balak nito sa ampalaya? Dinala iyon sa lababo, ibinalik sa basket na lalagyan nila ng mga gulay at inayos nang inayos.
Biglang tumingin si Tarcila sa kanya. "May nakakatawa, Arik?"
Tuluyan na siyang natawa.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
General FictionGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
