Untitled Part 36

552 25 0
                                    


"NASA Sta. Rosa kami dati, pero na-realize namin, hindi kami puwedeng tumira nang matagal doon. Hindi kami puwede sa mga subdivision na obligado kaming makisama sa ibang homeowners. Ako naman kasi ang may idea na sa Nuvali tumira dahil nga ayokong lumayo sa Inay. Pero mas okay talaga dito sa farm," paliwanag ni Blueberry.

Naroon sila isang barrio sa panulukan ng Quezon Province at Laguna. Bahagi raw ng isang rancho ang nabiling farm nina Blueberry at Brak. Nasa proseso pa ng renovations ang dalawang palapag na bahay. May matataas na mahogany trees sa isang panig ng property. Ang kabila ay natatambakan ng mga construction material. Doon iginiya ni Blueberry sina Tarcila at Arik.

Kasama ng mga trabahador ang isang malaking lalaki na nakatalikod sa kanila, abala sa power tools.

"Ba't hindi na lang kayo sa ibang bansa tumira?" tanong ni Tarcila kay Blueberry.

"May properties na rin kami do'n—sa Europe mostly... Hindi ako nagyayabang, ha. Ano lang kasi, gusto ni Brak na handa kami kung sakaling magkaproblema. Kaso mo, sa ibang bansa, mas mahigpit. Mas mahihirapan kaming magtago. Dito sa atin, sad to say, mas madali kasi—madaling maglagay sa mga opisyal."

"'Sabagay," sang-ayon ni Tarcila. Kanina pa sa biyahe ay naikuwento ni Blueberry sa kanila kung paano nagkakapera si Brak.

Wais na elyen.

And she was looking at him. "'Yan ba si Brak?" bulong niya kay Blueberry. Kahit maraming lalaking trabahador doon, angat na angat naman ang pinakamalaking lalaki. At kahit nakatalikod, halata nang... guwapo.

"Bra—George, honey!" tawag ni Blueberry.

The man turned.

Kahit inaasahan na ni Tarcila ang makikita, napamaang pa rin siya. The guy was not exactly George Clooney, but...

"Oh, my God..." anas niya.

"You like him?!" Biglang nakaharang na kay Tarcila ang mukha ni Arik, parang hindi natutuwa.

Pinalis niya ang mukha nito. Gusto pa niyang matitigan si Brak na papalapit na sa kanila, maluwang ang ngiti.

"George, may bisita tayo," wika ni Blue.

"I knew you'd find me! How are you, bro?" bati ni Brak kay Arik, pagkatapos ay tumingin kay Tarcila. "I see you got yourself a female." Inilahad nito ang kamay kay Tarcila. "Brak, but you must call me George."

"P-pleased to meet you, Brak—George. I m Tarcila... Magsanoc." Hindi siya makakurap. The man—alien—was even more good-looking and magnetic up close. His handshake was warm, firm but surprisingly gentle.

Binalingan uli ni Brak si Arik, hinampas sa braso ang huli. "You look great, bro. Sikat ka pa ngayon, ah."

Napamaang si Blueberry sa kabiyak. "Kilala mo na si Arik? Alam mong model siya?"

"I try to keep up-to-date with my friends," sagot ni Brak. "May balak ka pa bang bumalik sa Krohn?"

"Sure I do," sagot ni Arik, wala pa ring emosyon pero tila may iniisip na kung ano.

Hindi makapaniwala si Tarcila. Ganoon din siguro si Blueberry dahil nagkatinginan sila. Akala mo ay mga ordinaryong tao sina Brak at Arik na pinag-uusapan ang mga hometown.

"Ah, doon tayo sa loob ng bahay," aya ni Blueberry.

Umakyat sila sa porch at pumasok sa double door. Maaliwalas ang loob at halatang bago pa ang mga kasangkapan. Nangangamoy-pintura at naroon ang iba pang construction material. Bagong lapat lang daw ang flooring sa kusina at komedor, ayon pa sa maybahay.

Kumuha si Brak ng saging sa fruit bowl na nasa kitchen island, inalok si Arik. "Paborito mo. Hindi nga lang sinlaki n'ong nasa Krohn."

"May saging sa Krohn?" bulalas ni Tarcila.

"It's almost similar to Earth," paliwanag ni Brak. "That's why its atmosphere kept pulling me in... Akala ko naman, nasa Earth nga ako."

"Paano—Kailan nangyari 'yon, Brak?" tanong ni Blueberry.

"Another place, another time, Blue. Not ours," sagot ni Brak, kinain na ang saging dahil tinanggihan ni Arik.

Kabado na si Tarcila sa kanyang elyen. Parang hindi na ordinaryo ang pananahimik at pagka-robotic.

"Hindi ko gets," wika ni Blueberry.

"Alam mo na 'yon, when I was up there and I was nothing but a clump of Fyronii."

"Fyronii," biglang wika ni Arik. "Ang Apoy ni Heraklus."

Natawa si Brak. "Obsessed ka pa rin do'n? Hindi totoo 'yon, brod."

Napasabad si Tarcila. "T-totoo 'yon!"

Nginisihan siya ni Brak. "I'm sure you find it very real."

Nag-init ang mga pisngi ni Tarcila. Pero kinilig din siya. Pero naglaho agad dahil sa kasunod na sinabi ni Arik.

"It's real and it's in you, bro." Tila may sarcasm pa sa huling kataga ng elyen.

How could Arik not like Brak?

Pero bago pa makastigo ang kanyang elyen, she just... zoned out.

Oh, no! sigaw ng kanyang isip bago iyon tuluyang mablangko at nakatitig na lang siya sa naka-frame na Milky Way sa dingding nina Blueberry.

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin