Untitled Part 33

572 28 0
                                        


"THIS person is very irritating," wika ni Arik, hawak ang cell phone.

"Ngayon mo lang nahalata." Pinindot ni Tarcila pasara ang elevator door, kasunod ang pagpindot sa numero ng pakay na palapag. No, the Ruler of Krohn could not be bothered doing those things. Lalo na kung may pinagkakaabalahan, like texting.

Kanina pa ito tinatawagan ni Raymond, pinipilit papuntahin sa photo shoot, screening—whatever. Siyempre, hindi puwede. Mas importanteng mahanap nila ang isa pang alien. Nagalit na yata si Raymond, nagalit din si Arik. Ngayon, sa text naman nag-aaway ang dalawa.

Talo si Arik dahil hirap na hirap itong mag-type ng sagot. Mas eksperto itong magsalita ng human language kaysa magsulat. Dahilan kaya lalong umiinit ang ulo ng elyen.

"Ano ba'ng sabi?" tanong na lang ni Tarcila. Ibinigay sa kanya ni Arik ang cell phone. Binasa niya ang conversation. Nanunumbat si Raymond. Hindi pa man daw nagtatagal sa industriya si Arik, ni wala pa naman daw gaanong napapatunayan ay malaki na ang ulo. Akala mo na kung sino. Kay bilis daw nagbago ng ugali pati sa pananalita, akala mo kung sinong sosyal, English nang English, eh, promdi naman. Hindi marunong tumingin sa pinanggalingan.

Isinauli ni Tarcila ang cell phone. "'Wag mo na lang sagutin. Dedma." Bumukas ang elevator, tumambad sa kanila ang pakay na tanggapan.

"He wants to get me into a house," wika ni Arik, nakasunod sa kanya, walang pakialam sa paligid. Pero ang mga nasa paligid, nganga na sa lalaki. Ramdam ni Tarcila ang tila pagtigil ng mundo roon.

"Gusto kang iuwi?" Natawa siya. "Malamang-lamang. Hindi ko siya masisisi."

"This house." Ipinakita uli sa kanya ni Arik ang cell phone.

"Hala!" Napapalatak siya sa picture ng bahay... ni Kuya. Lalo siyang natawa. "Baka si Kuya mismo, lumayas sa bahay niya 'pag tumira ka doon." Alien in Big Brother's house?!

Isang cute at chubby na babae ang lumapit sa kanila. Halatang pilit ang pagngiti kay Tarcila at kay Arik pa rin napupunta ang tingin at ngiti.

"Hi. Ako si Tarcila, 'yong tumawag kahapon tungkol kay George Clooney. Ito naman si Arik, friend ko..." With benefits.

"Ah, yes. Ma'am Ellie's waiting for you. This way, Ma'am, Sir." Iginiya sila ng babae sa tanggapan ng HR dahil ang head niyon ang nakakakilala raw sa look-alike ni George.

Una ay tinawagan nang tinawagan ni Tarcila ang construction firm hanggang may makausap siya. Nagpakilala siyang writer/contributor sa mga online magazine at gumagawa siya ng feature tungkol sa mga ordinaryong tao na deadringer ng mga sikat na tao. At nakita niya ang news report tungkol kay Barak—Brak.

Ipinasa siya ng operator sa admin daw. Inulit niya ang cover story, 'Brak must have made such an impression, impact if you will', dahil kahit pakiramdam ni Tarcila ay 'weak' ang kanyang kuwento, excited siya na kinausap ng taga-admin. Oo raw, nagtrabaho nga roon si Brak. Pero nag-resign na at wala nang balita kung nasaan ang lalaki. And they would be so glad kung mapi-feature si Brak sa magazine. They said he was such a great guy. Weird. Strange. But very nice and funny.

Di kagaya ng isa diyan. Sinulyapan niya si Arik. Animo ay robot sa kawalang-pakialam. Very cool, very detached. Nabubuhay lang ang tinamaan ng magaling kapag pinagnanasaan siya.

At bawal tanggihan.

Hindi nagwawala. Hindi nagagalit. Hindi lang siya tinantanan hanggang pumayag siya with all her stupid, stupid heart.

Hay, Arikoy.

Ang chubby muna ang pumasok sa tanggapan ni Miss Ellie, inianunsiyo ang pagdating nila.

Now, that Miss Ellie seemed... Ewan ni Tarcila. Ipinasa siya roon ng taga-admin na nakausap. Friendly at accommodating si Miss Ellie sa telepono. Hindi rin daw nito alam kung nasaan si Brak, pero sinabing, 'feel free to come to my office for a chat'.

Hindi naman plano ni Tarcila na puntahan pa ang construction firm. Gusto lang niyang mahingi ang last known address ni Brak, kung puwede. Pero pakiramdam niya, utos ang imbitasyon sa kanya ni Miss Ellie.

"Pasok na kayo, Miss," anang babaeng chubby.

"Thank you." Nauna si Tarcila na pumasok pero sa likuran niya nakamata ang tanging babaeng naabutan sa silid.

"Oh, my," sambit ng babae, nasa mid-to-late thirties ang edad. May-itsura, morena, at kahit nakaupo sa kabila ng desk, halatang makurba ang katawan dahil sa suot na form-fitting dress. Tumayo na ito. Sexy nga! Nakipagkamay ito kay Tarcila; at kay Arik, mas matagal nga lang. Halatang ayaw nang bitiwan ang kamay ng lalaki. "Have a seat, please," anito sa kanila, ang leather couch ang tinutukoy.

"Salamat," wika ni Tarcila, iniisip kung paano sisimulan ang pagtatanong dahil mukhang kay Arik lang interesado si Miss Ellie.

"I know you," biglang wika ng babae kay Arik at may kinuhang magazine sa rack. "Arik no last name." Dinutdot ni Miss Ellie ang pabalat ng babasahin. Si Arik nga, in his ABS-olute perfection. "You're much, much good-looking in person."

"Can we have the address of the bastard?" sa halip ay tanong ni Arik.

"Bastard?"

"Ah, joke lang 'yon," agap ni Tarcila. "Si Brak ang tinutukoy niya. Gusto kasi naming makausap—ma-interview. Tsaka kung may mga alam ka pa tungkol sa kanya na puwede kong isama sa article ko."

"Oh, well, his last known address is my address," wika ni Miss Ellie.

"W-what do you mean?" Nagkamali lang ba siya ng intindi?

"We lived together for a while. Then he just—pfft."

"Hindi mo na alam kung nasaan siya?"

"With his wife, I think."

"Wife?!" bulalas ni Tarcila. Nagawa pang mag-asawa ng alien sa Earth? O alien din ang asawa nito?

"Blue—Blueberry Bitangcol is her name. I don't know where they live now." Biglang tumingin kay Tarcila nang deretso si Miss Ellie. "Why are you looking for him? Really? I don't buy your story. It's lame."

Sabi ko nga.

"Ah, ahhmm, kasi... ano... si Arik, ito kasi... malayong kamag-anak ni Brak. Gusto niyang makita... may... ano... May... unfinished business sila." Kandasiksik siya kay Arik dahil hindi niya ito masiko o makindatan na kaharap mismo si Miss Ellie. Nakuha naman yata ng elyen ang pahiwatig niya.

"I need something from him," wika ni Arik. "If you could help us, I would appreciate it greatly." Makahulugan ang ipinukol nitong tingin kay Miss Ellie.

Napangiti ang HR head pero umiling. "I wish I could help, but I really have no idea where they are. No business, no vehicle, no anything registered to any of them. They're off the grid. Totally. Ang alam ko lang ay kung saan nakatira si Blueberry dati." May kinuha si Miss Ellie mula sa desk. Business card. May sinulat ito sa likod at ibinigay kay Arik. "That's the address and I can help you in some other things too. I know a lot of important people. Just give me a call, okay."

"Okay." Kinuha ni Arik ang business card at nagpaalam na.

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin