Untitled Part 15

1.2K 39 2
                                    


ARIK! Anyare sa 'yo?"

Hawak-hawak ni rik ang laylayan ng hoodie jacket dahil...may mga gulay doon. May mga, "Dugo ba 'yan?" sa ilog nito at nguso. Inalalayan ito ni Tarcila papunta sa sofa, "Napalaban ka ba? Sa mga aliens? Lumusob sa earth"

"Tao sila. Gusto nila akong patayin---si Bok."

"Si Bok?" Naguguluhan si Tarcila.

"Kung sino man si Bok, kung ako man si Bok, may gustong pumatay sa kanya--sa 'kin. Isinakay nila ako sa van, dadalhin nila ako sa amo nila."

"Ohmygosh! Shit!" Sa kagustuhan niyang tuklasin kung alien ba talaga ang lalaki, nakaligtaan ni Tarcila ang isang importanteng bagay. Si Bok mismo. Ang dating addict na apo ni Lola Unding. Just who the guy really was? And what had he been up to prior to..everything? "K-Kailangan kong bumalik sa Bayambang...pero teka, paano ka nakaligtas?"

"Pinatigil ko sila."

"Oo, nga pala. May powers ka."

Nasa balita ang insidente kinagabihan. May mga na-interview na nagsasabing ang van na nabangga ang van rin na huminto sa isang intersection at kinuha ang lalaking matangkad. Nakatali ang buhok ni Arik, hindi ito ganoon ka-recognizable. Umaambon pa kaya naka-hoodie ito. Ang mga kasabay itong tatawid sana, may mga payong. Hindi nahagip ng CCTV sa lugar ang mukha ni Arik.

Ang palaisipan lang sa mga nag-iimbestiga, nasaan ang supposed to be kidnap victim? Ayaw magsalita ang tatlong lalaking lulan ng van na nasa kalaboso na dahil sa mga baril na nakuha sa mga iyon.

"Wala naman tayo dapat ikatakot Arik." Saad ni Tarcila. "Hindi ka naman nila mapapatay dahil may powers ka." Pero tahimik si Arik, nakamasid sa TV pero mukhang wala doon ang isip. "Bakit?"

"Nag-panic ako. Una pa lang, pwede ko na silang patigilin pero hindi ko naisip. Hindi ako handa."

"E, kahit naman sino ang nasa sitwasyon na 'yon, magpapanic rin. Matatakot."

"Isa akong mandirigma."

Tinapik niya ang hita nito, "Relax. 'wag mong sisihin ang sarili mo. Nangyayari talaga 'yun kahit sa pinakamagiting na mandirigma."

"Hindi sa mandirigma ni Heraklus."

"Kaso nga, nandito ka sa Earth, relaxed ang buhay dito kaya hindi ka prepare sa mga kalaban na --tao. 'Yun lang 'yon, Arik. Don't be hard on yourself."

Tumingin ito sa kanya, malalim, "Natatakot ako dahil sa 'yo, Tarcila."

Hindi niya alam kung saan siya nayayanig. Sa titig nito, sa seryosong tono o sa pagbigkas ng kanyang pangalan. All of the above siguro. Pakiramdam niya ay siya ang responsable sa lahat nang nangyayari kay Arik.

ns-sYq7(

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin