TUNOG nang tunog ang Messenger na narinig lang ni Tarcila nang nasa kotse na ulit sila ni Bok. Ayaw niyang sagutin dahil gusto pa niyang pigain ang memorya ni Bok tungkol sa Orakulo. Paano nga kung may asawa ang elyen sa planetag pinanggalingan?
Saklap naman. Kung kailan parang may 'something' na sila..."Leche!" hinagilap na niya ang iPhone. Si Raymond ang tumatawag. In-accept na ang friend request na ipinadala niya, "I'm sure." Sarcastic niyang bulong.
Accept Call.
"Bakit?" Angil agad niya.
"Hi, kanina pa 'ko message nang message, hindi ka sumasagot , naka-on line ka naman."
"Nakatungaga ba ako sa phone maghapon? Bakit ba? Nagmamaneho ako."
"Kasama mo si Bok?"
"Oo, bakit?"
"Interested kasi ang Lorien sa kanya."
"Ano 'yun? Sino 'yun? Ikaw, baka binubugaw mo si Bok, papatayin kita."
"Excuse me! Hindi ako bugaw! At ang Lorien, FYI, ang pinaka-respetado at piakamalaking fashion agency sa Pilipinas. Friend ko si Louie, 'yung may-ari at interested s'ya kay Bok. Kung available s'ya ngayon for a photo shoot--"
"Ngayon? As in now?"
"Oo, kanina pa sana. Kailangan raw ni Bok ng work, tinulungan ko lang s'ya at 'eto na, may work na s'ya. With pay na ito. Maawa ka naman sa friend mo, ni walang cell phone."
"Magkano ang pay?"
Humalakhak si Raymond, "Ikaw, para kang hindi anak ni Mama Mia. Ano? Papuntahin mo na dun si Bok, nasa BGC ang office, LaFayette Tower."
"O, sige, dun na kami dederetso."
"Sure ka ha. They're waiting for him. I'll call Louie, I'll tell him you're on your way."
"Oo, na. Sige na." Ibinaba niya sa lalagyan ng mga barya ang cell phone, sinulyapan niya si Bok, "Kaloka ka."
"Bakit?"
Sinabi niya.
"De mabuti. Magkakapera na ako." Wika ng elyen.
"Pa'no kung sumikat ka masyado? Paano natin maaasikaso ang pagkatao mo--pagka-elyen, whetever?"
Imbes na sumagot, ibinukas ni Bok ang palad at tinitigan ang kwintas--medalyon na ninenok sa dalawang lola. Kinabahan si Tarcila. Tila nga nagdadalawang-isip na si Bok kung gusto pa nitong maalala ang lahat.
Bakit? Ano ang mayroon sa ala-ala ni Arkania?
"Tingin nga--" hiningi niya ang kwintas. Ibinigay naman sa kanya ni Bok. Itim na tali ang chain. Octagon ang hugis, mga sinlaki ng sampung piso, may nakaukit na templo--kaparis ng mga nakikita sa Greece--sa itaas ng bubong ay mga simbolo o letra siguro, noon lang niya nakita ang mga iyon.
Nang italikod niya ang medalyon, nalaman niyang naka-Mighty Bond lang doon ang itim na tali para maging kwintas. Para-paraan ng mga lola.
"Selyo ito kamo?" Aniya kay Bok. May ukit rin ang likod ng medalyon, tinanggal niya ang tali para mas makita niya. Mukha ng lalaki. Mahaba ang buhok. Hindi naman kamukha ni Bok dahil mas kulot ang buhok. Pero sa biglang tingin..kaya siguro nagulat ang mga lola.
"Yun ang una kong naisip nang makita ko 'yan."
"Selyo...." Inikot-ikot niya sa kamay ang medalyon, "Seal. Oo, seal..ng ano 'kamo?"
"Mandirigma ni Heraklus."
"Kung sa 'yo nga ito at naiwan mo doon kina Lola, malamang, ganun ka. Mandirigma ni Heraklus. Isa kang mandirigma sa planeta n'yo. Tapos, yung mga kalaban mo na sumasapi sa mga tao, tinatawag kang Arik at isa kang traydor..magdirigmang traydor..Aha!"
"Bakit?'
"Nag-kudeta ka, Bok! Kaya gusto ka nilang mahuli."
Halatang hindi ganoon kakumbinsido an elyen, "Ano ang kinalaman doon ng Orakulo?"
"E, ano kasi...Orakulo is oracle..mga hula-hula 'yun. Nanghuhula ng future, nagbabasa ng mga omen, ganun. Baka hinulaan ng Orakulo na magkukudeta ka, ganun. Shit, kailangan nating pumunta dun sa Batangas, baka may maalala ka rin dun."
)t7]i
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
General FictionGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
