CHAPTER ONE
E is for EMPTY.
"Kaya paaaa....konte na lang..." Abot-tanaw na ni Tarcila ang gasolinahan. Papasok pa lang siya ng Tarlac, E for Empty na ang kanyang fuel tank pero nilampasan lang niya ang mga nadaanang gas stations. Dahil ayaw niyang magpa-gas hanggang maaari. Mali lang ang indicator, imposibleng wala na agad siyang gas.1K worth of unleaded gasoline ang ikinarga niya bago bumiyahe.
Pero na-traffic siya sa bandang Bulacan. Aksaya sa gas ang pahinto-hinto sa traffic. Adik rin sa gas ang may twenty years old nang Honda Civic.
Naman.
Kung pwede lang hindi magdala ng sasakyan. Aba'y kulang-kulang dalawang libo na ang nagagastos niya, hindi pa man siya nakakarating sa patutunguhan. But that was the problem. Hindi niya alam kung gaano kaliblib ang baryong pakay niya. Wala sa Google map, malamang mahirap ding kumuha ng masasakyan doon pauwi sa sibilisasyon.
Ramdam na niya na pategi na nga ang makina, wala nang mahigop.
"Unleaded, Kuya. Five hundred." Aniya sa attendant pagtigil sa pumping station. Hinayang na hinayang sa gastos. GAS is for GAStos. Kung hindi siya pinag-'bakasyon' ng network de sana, stable pa rin ang kabuhayan niya.
Ayaw na niyang isipin. Move on na lang. Start anew. Talented siya. May matalas siyang pang-amoy sa mga balita, may malalim siyang pang-unawa sa mga kaganapan sa paligid, may laman ang kanyang mga opinyon, may..
"May reward card po, Ma'am?" Tanong ng attendant.
"Tapos na agad? Five hundred na 'yon?" Rhetorical question. Kinuha na lang niya ang card sa pitaka, ibinigay sa attendant kasama ang buong five hundred pesoses.
Ah, basta! Itatayo ulit niya ang nalugmok niyang bandila. Balang araw ay ihehelera siya kay Jessica Soho, mangongolekta siya ng awards. At ang bagay na ikinalugmok ng kanyang bandila, makakalimutan ng lahat.
"Oo, Danny. Kumpirmado. Inuulit ko, kumpirmado na...wala na ang dating bise-presidente...sumakabilang-buhay na si former Vice President...."
Nangilabot siya sa ala-ala. Iyon ang worst nightmare ng kahit sinong news reporter. Magreport ng mali. Hindi lang siya napaso. Nasunog. Isinugud kasi sa ospital ang former VP, marami silang reporters na nag-uunahan sa updates. Isang nurse ang nahuli niyang pumupuslit ng pagyoyosi sa parking area. Pasimple niyag tsinika. Patay na daw ang VP, hindi na na-revive. Kailangan pa niyang mas kumpirmahin.
Pero baka maunahan siya ng iba.
Bumalik ang attendant, "Expired na po ang card." Binigyan siya ng resibo.
Inagaw niya ang card, "Sure ka, kuya? Putsa." De sayang ang naipon niyang points sa card?
Breathe in. Breathe out.
"Saan kuya 'yung Sitio Amurao? Malapit lang?"
"Mmmm, medyo malayo po. Kakaliwa sa intersection tapos magtanong-tanong ka na lang ulit dun.Di ko rin sure, eh."
2:40 ng hapon, ayon sa orasan. May twenty minutes na lang siya kung totoo ang sinasabi ng mga taga-Amurao. Napakibit na lang siya ng balikat. Siguro naman, iyon na ang pinakamababang punto sa kanyang career, at kapag daw sayad na, wala nang ibang pupuntahan kung hindi sa pagtayo muli. Kung hindi, aba'y lulubog na siya sa lupa, ganern?
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
Fiction GénéraleGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
