Untitled Part 19

567 27 0
                                        


BOK DISAPPEARED for five days. Isang gabi raw, nakita na lang ito ni Lola Unding na nakabulagta sa labas ng pinto. Masasabi raw ni Efren na iyon na ang simula ng pagbabago—pagbabalik ng dating Bok. Hindi lang daw naka-recover physically si Bok, emotionally na rin.

Physically.

Doon na-curious si Tarcila. Marami raw kasing pasa at sugat si Bok noong makita ni Lola Unding. May sugat pa raw sa ulo at dibdib. Dinala sa ospital pero nailabas na rin kaagad ni Lola Unding nang sumunod na araw dahil wala naman daw major damage sa katawan ni Bok.

Dahil doon, nagpasya si Tarcila na puntahan na rin ang doktor na sumuri noon kay Bok. Alam naman niya na hindi ibibigay sa kanya ang record ni Bok at hindi rin idi-discuss in detail ang kabuuan ng pagsusuri. Hiningi na lang niya ang overall impression ng doktor sa naging kalagayan ni Bok.

And she learned something crucial.

Isinuksok ni Tarcila ang susi sa doorknob. Hindi niya alam kung nakauwi na si Arik o hindi pa dahil wala itong regular na schedule. Binigyan na lang niya ng sariling susi para kung sakaling tulog siya sa pagdating ni Arik, hindi na ito manggigising para makapasok.

Pero ang text ni Arik sa kanya kaninang nasa biyahe siya, maaga raw natapos ang photo shoot. Pinadalhan pa siya ng selfie na nagse-cell phone. Ang sabi, 'E.T. phone home.'

Natawa na naman si Tarcila nang maalala iyon, pero hindi rin niya maiwasang itanong kung sino ang joker—si Bok, the human o si Arik, the alien? Dalawang katauhan ba ang naghahati sa iisang katawan? O si Bok na tao at ang elyen ay naging isa na lamang?

Hindi na siya makapaghintay na makausap si Bok—Arik.

At makita.

Yeah, she missed him so much already. She also could not wait to see his joy when he saw the veggies she bought from the kids he used to buy veggies from. Hindi siya tumawad sa mga bata. Alam na niyang binibili lang ni Arik ang mga gulay para makatulong sa mga bata at ma-encourage ang mga iyon sa pagtatanim.

Isinuksok niya ang isa pang susi sa isa pang lock. Pero bukas na iyon.

He's home!

Itinulak niya ang pinto.

And she froze.

Hindi dahil minadyik siya ni Arik...

Kundi sa tagpong nabuglawan niya.

Nakaupo si Bok sa sofa, bukas ang denim polo. Sa harapan nito, nakaluhod sa sahig ang isang babaeng wala nang pang-itaas, abala ang tentacles sa button fly ni Arik.

Nakita naman agad siya ni Arik na tila nalito.

"Patigilin mo 'yan!" utos ni Tarcila sa elyen.

Itinapat ni Arik ang palad sa babaeng nakaluhod. Na-freeze ang mga galamay ng babae.

Parang itinudla si Tarcila sa kusina. Kinuha niya ang lalagyan ng rock salt at bumalik sa sala. Nakatayo na si Bok, inaayos ang polo. Nakaluhod pa rin ang babae sa sahig.

Binugaw niya sa sofa si Arik. "Tayo diyan! Doon ka, face the wall!" Walang pakundangang nilapitan ni Tarcila ang babae at iniangat ang isa nitong tuhod. Medyo mabigat pero nakaya niya. Binudburan niya ng asin ang sahig bago muling inilapat doon ang tuhod ng babae.

She did the same under the other knee.

"Pula pa ang hair mo, ha," aniya, sabay haltak sa buhok ng babae.

"Tarcila—" protesta ni Arik, nakaharap naman sa dingding. Masunurin.

Hindi niya pinansin ang protesta nito. Hinalwat niya ang eco bag na puno ng mga gulay. "Aha!" Mahaba at malusog na talong! Inilagay niya iyon sa kamay ng babae. "'Yan, katerno pa ng nails mo! Bayulet!"

Piniktyuran pa niya ng piniktyuran ang malanding babae ng malanding elyen.

"Gisingin mo na," utos niya kay Arik.

"Masasaktan siya sa asin."

"Pasalamat nga siya hindi ko siya kinalbo."

"Bakit ka ba nagagalit? Kararating mo lang, galit ka na."

"'Yon nga, eh!" Parang mapapatid na ang kanyang litid sa panggigigil. "Buong araw akong napagod sa paghahalukay ng kasaysayan mo, 'tapos ang dadatnan ko sa pamamahay ko, milagro!" Itinulak niya si Bok sa dibdib. Napasadlak ito sa pinto.

"Wala naman akong ginagawa. Hindi naman ako papayag sa gusto niya."

"Gano'n?" Kuwelyo naman ni Bok ang hinaltak ni Tarcila. "Hindi ka papayag, eh, hubad ka nang lintik ka! Luluhod ba 'yan kung walang permiso, ha? Ha?" And it occurred to her... "Ganyan ba rin ang ginagawa mo kapag wala ka rito? 'Pag hindi tayo magkasama? Arik! 'Wag gano'n!" It was just too much to consider... too painful. It wrenched her insides and stung her eyes.

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin