Untitled Part 22

696 33 2
                                        


MATALINO ang bata. Mukha ngang gumigising sa madaling-araw para mag-review.

"'Pag iniisip ko po ngayon, naiisip ko na baka po hindi naman aswang," wika ni Audrey Villanueva, ten years old. Nakaupo nang tuwid ang bata sa plastic bench na nasa balkonahe ng bahay ng mga ito. Nasa kandungan ang mga kamay nito, may hawak na tablet computer.

"Bakit?" tanong ni Tarcila. Kaharap niya sa bench ang bata. Si Arik ay sa pasimano nakaupo, tila hindi interesado sa mga sinasabi ng bata, bagkus ay kinakausap yata ang mga katabing halaman sa mga paso. At bawat dahon na hawakan, parang gustong pumulupot o balutin ang daliri ng lalaki... ng elyen.

The plants were purring! It was almost sexual in nature.

Hindi kaya halaman si Arik sa planeta nito?

Ewww.

Pero batid ni Tarcila, hindi niya puwedeng bale-walain ang ideyang iyon. Si Bok—Rob Salgado, ang tao na suwerteng nasahod ang lahat nang magsabog ang Diyos ng kaguwapuhan. Pero ang elyen... hindi niya alam. Ni hindi pa siya sigurado kung alien nga si Arik o ang sumakop sa pagkatao ni Bok.

"Hindi po nila ako sinaktan. Iniligtas pa 'ko sa rapist," sabi ni Audrey.

"Nila?! Ilan sila?"

"Dalawa po. Uhm, una po, isa lang 'tapos naglaban po sila n'ong rapist, 'tapos wala po ako masyadong nakita gawa po na namatay 'yong kandila. Isa na lang po ang may sindi saka po parang nag-pass out po ako. 'Tapos po nakita ko na lang, dalawa po sila. Akala ko nga po, parehong babae pero lalaki po 'yong isa." Tumango-tango ang bata at halatang nire-recall ang mga nakita. "Sigurado po ako, lalaki po 'yong kumalaban do'n sa rapist."

Bumilis ang tibok ng puso ni Tarcila. "Akala mo babae... kasi..." Sumulyap siya kay Bok. "Paris niya? Mahaba ang buhok? Kamukha ba niya?"

Bumungisngis si Audrey. "Hindi po, pero pogi rin po—" Binuksan nito ang tablet na android. "Saglit po, ah... Mabagal kasi... Nakita ko po kasi ito sa page ng Eat Bulaga. AlDub fan po ako." Bumungisngis na naman ito, halatang kinikilig habang nakaabang sa tablet. "Kamukha po n'ong nakita ko si—"

"Alden?" Ang layo naman niyon kay Arik. Walang dimples ang elyen. At hindi tisoy.

"Hindi po. Ito po, o." Ibinigay ni Audrey sa kanya ang tablet.

"Si Bossing?!" bulalas niya. "Kamukha n'ong 'aswang' si Bossing?"

"'Yong katabi po. Si George Clooney po. Pero hindi naman po 'sakto tsaka hindi po Amerikano. 'Pag biglang tingin lang po siguro... Basta po, noong nakita ko pa 'yan, iyon kaagad ang naisip ko. Hindi ko po kasi kilala si George Clooney dati—"

Nanggilalas si Tarcila, hindi malaman ang iisipin. "Sure ka, 'ne?" George Clooney?! Ang mahiwagang nilalang na iniimbestigahan niya, kamukha ni George Clooney?! Sumulyap siya kay Arik. Sumapi rin ang elyen kay George Clooney!

"Sure po."

"Eh, bakit napagkamalan mong babae?" Parang hindi niya mapagkakamalang babae si George Clooney kapag nakaharap niya.

"Gawa po ng damit. Pambabae. Mahaba po, parang daster."

"Uh." Ano iyon? Beki?

"Pero 'yon pong isa, babae talaga. Maiksi lang po ang buhok, maputi, 'tapos naka-shorts. Para pong nag-usap sila 'tapos biglang lumipad sa bintana."

"Tanda mo ang itsura n'ong babae?" Baka alien din iyon. Maraming alien na gumagala sa Pilipinas!

"Hindi po masyado. Basta maiksi lang po ang buhok. Hindi ko po nakita masyado ang mukha. Mabilis lang po, eh. Hindi ko pala po nabanggit kay Sir Vince na kahawig ni George Clooney 'yong nakita ko. Gawa po na kahapon ko lang nakita 'yang picture na kamukha raw po ni Bossing."

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin