Untitled Part 38

559 27 0
                                        


NA-REALIZE na lamang ni Tarcila na gumagalaw na ang kanyang mga mata at ang una niyang nakita ay ang likod ni Arik, palabas ito ng pinto.

"Arik?" tawag niya. Hindi ito lumingon at sa halip ay nagdere-deretso. Napamaang siya kina Blueberry. Ang babae, halatang walang alam sa nangyari, hindi alam na na-freeze ito. Pero si Brak, halatang may nalalaman. Hindi ba ito tinablan ng kakayahan ni Arik? O sila lang talaga ni Blueberry ang pinahinto? "Brak?"

"He's a very troubled being," wika nito.

"Bakit? Ano'ng alam mo sa kanya?" tanong ni Blueberry.

"I'm not in a position to say," wika ni Brak.

"Pero—k-kailangan kong malaman," giit ni Tarcila.

"Pasensiya ka na," ani Blueberry, hinawakan si Tarcila sa braso. "Masyado nang natututong maging politically correct ang asawa ko."

"Eh, saan 'yon pupunta?" tukoy niya kay Arik.

"Let him be," sagot ni Brak. "If he comes back, he will stay. If he does not, he's there."

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin