chapter 5

1K 50 9
                                        




UPO KA."

    "Salamat." Kailangan pang kapain ni Tarcila ang upuan at baka sa sahig siya mapaupo. Dahil hindi niya maalis ang tingin kay Bok. Hindi naman bago sa kanya ang makakita ng guwapo. Nakahalubilo na niya ang mga matinee idols, male models, Phil-Am athletes, walang dahilan para mabangenge siya sa harap ng isa pang guwapo.

    And yet...

    "Ikukuha kita ng tubig." Wika ng lalaki. Tumalikod at nagtungo sa komedor.

    Kanda haba ang leeg ni Tarcila sa pagtanaw. Five-eleven to six feet siguro ang taas ni Bok. Very lean, base sa lapat ng suot nitong kupas na T-shirt at jeans. Kayumanggi ang balat. Wala namang extraordinary doon kung tutuusin. Kaso mo lang, ang tindig, pangangatawan at kulay na iyon ni Bok, sinamahan ng hindi pangkaraniwang mukha. Hindi sapat na sabihin lang na guwapo ito. He exceeded all the guwapo standards she knew.

    It wasn't just his thick, straight brows, expressive eyes, straight nose, sensual mouth, perfect teeth--how a former drug addict would have such nice teeth was beyond her--and his sexy long hair-that made her want to just stare and stare and stare at him. It was the look in his face. Tila may conflict..maraming contradiction. One moment he seemed so innocent, so unaware... the next, he was all-knowing and confident.  His eyes would flash an uncertain and fearful look, but before she could figure out what brought that look, it was gone. Relaxed at easy-going na ang manner ng lalaki.

    Yeah, it seemed to Tarcila, there was a lot going on behind that absolute gorgeousness.

    Or maybe she was just overanalyzing because she was having a major crush on him. It was silly....no...NOT crushing on him was what being silly is. Her estrogen were having a party.

    Insane. But, 'love it!

    Bumalik sa salas si Bok, ibinaba sa mesitang kahoy ang plastic na pitsel at melamine na baso. Pagkatapos ay naupo sa armchair na kahoy sa kanan ni Tarcila. Upong walang kinabukasan sa totoo lang--basta na, kubado, nakabuka ang mahahabang hita.

    But Bok slouching like that was an Armani spread.

    Medyo nakayuko pa ito at tumatabing sa mukha ang nakalugay na buhok. Nakadagdag pa sa 'drama' ang kumakapal nang bigote at balbas.

    "Ah, kailangan ko nga ng tubig." Kanda ngisi siya sabay kuha sa baso. "Maraming-maraming tubig." Akalain mong nasa Bayambang ang sagot sa heartache niya?

    "Inom ka lang." Anang lalaki.

    "Sabi ko nga." Uminom siya. Napngalahati niya ang  laman ng baso pero--uhaw pa rin siya. "Ahhhm, Bok, galling pala ako kay Miss Tess, nauna ko s'yag ininterview, nabanggit n'ya na kamamatay lang ng lola mo. Condolence, ha---nakikiramay ako."

    "Salamat."

    "Gusto sana kitang kausapin tungkol dun sa nangyari sa school, pero kung hindi ka pa okay dahil kakalibing lang ng lola mo, okay lang naman na bumalik na lang ako sa ibang araw." At babalik talaga siya!

    "Baka wala na ako dito sa ibang araw." Tugon nito, bahagyang nag-angat ng mukha at sumulyap sa kanya.

    Karibok na naman ang malalanding estrogen ni Tarcila.

    "Ha? Bakit?" Tanong niya.

     "Pinapaalis na ako dito nina T'yo Arman. Takot sila sa akin." Balewala nitong sagot.

    "Sino si T'yo Arman?"

    "'Yung umalis kanina. Kasama si T'ya Vicky."

    "Ah." Tango ni Tarcila. "Pwede ka ba nilang paalisin dito? Kanila ba itong bahay?"

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin