Untitled Part 29

608 30 0
                                    


DAHIL hindi naman inaasahan ang mga pangyayari, who would have thought? Lumong-lumo si Tarcila sa nakitang laman ng kanyang overnight bag. There was nothing sexy in it. Even her underwears did not match.

At sino ang nagsabi na kaakit-akit ang Volkswagen printed panty? Nakangiwi siya habang hawak-hawak iyon. "Ewww." Isinuksok niya iyon sa bag.

Kailangan niyang maging sexy.

Para happy si Arik pagdating.

Ah! Alam na me.

Iyong bag ni Arik ang pinakialaman niya. Nakita ang pakay, ang paboritong denim shirt ni Arik. Dali-dali siyang naghubad, kasama na ang leggings at isinuot ang polo.

Humarap siya sa salamin na hanggang baywang lang at isang sinungaling. Mataba kasi ang reflection niya roon. Sinubukan niya lahat ng puwedeng gawin sa polo para makamit ang desired sexiness. Inilaylay niya ang balikat... Binuksan ang butones hanggang sternum para masilip ang imaginary cleavage. Pero talagang imaginary lang. Hinubad niya ang bra. Lalong na-flat. Nagmukha siyang kasali sa 'That's My Tomboy.' Sa iksi ba naman ng buhok niya, nagsuot pa siya ng panlalaking polo...

Mali yata?

Iniisip pa ni Tarcila kung huhubarin na lang uli ang polo o paninindigan niya nang kumatok at tumawag si Arik.

Parang isdang bagong huli, ganoon na lang ang pagpaltok ni Tarcila.

"Wait a minute!" she called back. Huling sulyap niya sa salamin. She pulled her shoulders back. Impatient na ang katok ni Arik. "Atat ka naman, my loves." Binuksan niya ang pinto. "Hi. How did it go?" tanong niya na naka-pose pa sa doorknob. Parang hindi agad nakuha ni Arik ang tanong niya, nakamasid lang ito sa kanya at tila nakalimutang kumurap.

Na-overwhelm?

"Kumusta si Chloe?" tanong pa niya. "Tinanggap ba niya? Nagalit ba siya?"

"It broke her," sagot nito.

A happy heart was a merciful heart. Natutop ni Tarcila ang kanyang dibdib. Kawawa rin naman si Chloe. "Sana'y maka-recover agad siya. Makahanap ng para sa kanya."

"I don't think that's possible," wika ni Arik at mabilis na hinubad ang T-shirt, inihagis kung saan. Nilingkis na siya nito sa baywang at siniil ng halik.

Awk.

Maski pagpiyok ni Tarcila, hindi na nakaalpas mula sa bibig niya dahil animo ay hayok na hinahalikan siya ni Arik.

Oh, wow!

Ginantihan niya ito ng mas maalab na halik dahil wala naman siyang ibang choice kundi ang maging maalab.

Ang Apoy ni Heraklus!

Fire and ice were simultaneously coursing through her... consuming... unforgiving. She thought she knew passion... and lust... She did not. She was just starting to learn... to discover. With each touch of that searing, all-consuming white heat, she came alive.

And that Fire of Heraklus knew where she wanted to be touched.

"Oh, Arik—" Hindi niya maintindihan kung paano pa yayakap sa lalaki upang hindi na sila maghiwalay... upang sila ay maging isa.

"Yes, I am Arik," wika nito. His voice was harsh.

Napamaang si Tarcila sa mukha nitong nakatunghay sa kanya. He was staring at her intently, somewhat curiously. Naka-set ang determinasyon sa mga panga. He wanted her and he would take her, iyon ang isinasaad ng tingin nito. Alam naman niya iyon. Pareho sila ng nararamdaman.

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin