Untitled Part 9

763 31 0
                                    


NAWAWALA si Bok...Nawawala...NAWAWALA!

"Bok? Bok?" Kakapiraso naman ang unit niya, imposibleng hindi niya agad makita ang lalaki doon. Hindi nakabukas ang sofa bed na ginagamit ng lalaki. Hindi iyon natulog? Ano;ng oras na?

2:00 am!

"Shit!" Ang tagal niyang tulog. At hindi siya makpaniwala na nakatulog siya ng mahigit sampung oras. Pero, "Shit! Nasaan ka, Bok?" Paano niya hahanapin ang ...elyen? Bakit iyon nawala? Lumipad? Nakipaglaban sa kalawakan? "Bok--" lumapit siya sa telepono, "Come back to me--" dinampot niya ang awditibo. Pero ano ang sasabihin niya sa mga pulis?

Bahala na.

Idinayal niya ang numerong naka-masking tape sa telepono. Nag-ring....at nag-ring...at nag-ring.

"Mga leche!" Diniinan niya ang plunger. Redial. Wala pa ring sumasagot sa emergency hot line. Narinig niya ang pagbukas ng pinto, "BOK!" Sigaw niya. "A-Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Nakabukas ang polo ng elyen, nakalaylay pa ang balikat.

"Okay lang ako. Galing ako kay Raymond."

"Ray--Raymond--'yung baklang kalbo sa 'taas?" Lalo nang nagimbal si Tarcila. "Ano'ng ginawa sa 'yo ni Raymond?" Bakit kalas-kalas ang polo ni Bok? "Oh, my God!"

"Tutulungan n'ya akong magkatrabaho. 'wag ka nang tumutol, kailangan ko talagang magtrabaho, Tarcila." Naupo ito sa sofa.

Tinabihan niya an elyen, "A-Ano'ng trabaho--ano'ng kapalit, Bok? Ano'ng ginawa mo? Bakit ka gumawa no'n? Masama 'yun? Bakit ka nagbenta ng puri?"

"Puri? Nagpa-picture lang naman ako. Nandun 'yung photographer n'yang tropa."

"Ha?"

"Ipapakita nila ang pictures ko sa modelling agency."

"Uh." Atras ang dila ni Tarcila.

"Kung magugustuhan daw ang pictures ko, magkakatrabaho na ako. Ganun lang, pose-pose. Papogi." Sumulyap ito sa kanya, humawak sa baba at ngumiti.

Hinampas niya ang abs nito, "Alam mo ikaw, vain ka! Nakakahalata na 'ko sa 'yo. Tuwang-tuwa ka pag nagagwapuhan sa 'yo ang mga tao." Pero, "Model?! Magmomodel ka?"

"Yup."

"Yup-yup ka pa ngayon?! Paano'ng pose ang ginawa mo dun kina Raymond? Hinubaran ka nila, alam ko, sigurado ako! Malandi ka, naghubad ka? Umamin ka?"

Isinara ni Bok ang polo, "Hindi naman hubo't hubad. Naka-shorts pa rin ako."

"Bok!"

"Bakit ba?"

"Ibubugaw ka no'n! Pero titiikman ka muna n'ya, naku! Wala akong tiwala sa Raymond na 'yon, kung sino-sino nang bagets na gustong mag-artista ang biniktima no'n."

"Okay naman si Raymond."

"Hindi okay! Bakit modelling pwede ka namang---gardener!"

"Okay na 'yun. Basta may trabaho ako at nang hindi ka laging puyat. Tsaka, mahirap namang aasa lang ako sa 'yo dahil wala akong pera."

"Hindi naman kaso 'yun, eh. Alam naman natin kung bakit, may misyon tayo."

"Pero naiinip ako dito. Wala pa namang linaw ang hinahanap natin, pakiramdam ko, nakatigil ang mundo ko."

Oo, nga naman. Naiintindihan naman niya iyon. Naramdaman rin niya iyon noong masibak siya sa trabaho. May restlessness, depression, may pakiramdam na tumigil na ang buhay niya, napag-iwanan siya sa mundo.

"Sure ka?" Aniya.

Tumango si Bok, "Hanggang hindi ko naaalala kung saan talaga ako nanggaling, tingin ko mahihirapan tayong malaman kung ano talaga ako."

"Yung taong lumilipad, Bok. Binasa ko 'yung blog ni Vince tungkol dun, sabi n'ya may possibility na 'yung 'aswang' dun sa Batangas, 'yung 'santo' daw na nagligtas dun sa mga matatanda na ninanakawan tsaka 'yung nagligtas sa mga tao sa resort--sa Palawan, iisa daw 'yun..Naisip ko, Bok, hindi kaya ikaw 'yun? Kasi, nakakalipad ka--'yung spirit mo--whatever.. Kaso lang, hindi talaga malinaw ang mga pictures at video. Shadow lang, tapos blurred pa." Gusto na rin niyang i-pursue ang mga 'sightings' na iyon , behind Vince' back, pero wala naman siyang mahagilap na lead. Ano ang common denominator ng mga 'sightings' na iyon? Ano ang nagkokonekta sa mga iyon?

Ang pinakamagandang course of action ay kausapin rin ang mga nakasaksi o nakakita diumano sa lalaking lumilipad.

"Bukas--mamaya, pupuntahan ko 'yung dalawang lola. Kakausapin ko. Gusto mong sumama?"

"Oo, sige."

"Gusto mo na bang matulog?" Tumayo siya at kinuha sa silid ang unan at comforter ni Bok.

"Thanks." Naibuka na ni Bok ang sofa bed pagbalik ni Tarcila sa salas.

"Sige, tulog ka muna." Bumalik siya sa silid, hinarap ang laptop. Pero imbes na mag-research ulit, naiispan niyang i-stalk ang Fb page ni Raymond Diaz, talent scout. Nakabukas ang page sa publiko.

Yanig ang daigdig ni Tarcila nang bumulaga sa kanya ang latest posts: Mga pictures ni Bok.

Just about an hour ago.

Mayroon na iyong 800plus likes...and counting.

Trenta katao na ang nag-comment , mga babae at beki na halos pare-pareho ang reaction:

WHO IS HE????

MINE!

HE'S HOT! HOT! HOT!

KANINNNNN!

YUMMY!

EXTRA RICE!!!

"Shit na malagkit." Aniya at sa totoo lang, gusto na rin niyang mag-like at mag-comment. Hindi niya masisi ang netizens. Walang pag-itaas sa mga pictures si Bok, sino ang hindi papawisan sa lecheng abs?

At ang mukha, walang pangit na anggulo. Tumawa o sumimangot, yumuko, tumagilid, anyway you want it, you get handsome.

"Oh-MG." Na-realize ni Tarcila ang isang bagay: HER ELYEN IS GOING TO BE FAMOUS.

>)o<>

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin