Untitled Part 49

499 30 0
                                    


HINDI makapaniwala si Tarcila. Ni wala pang kinse minutos ang nakararaan, kababalik lang niya sa condo unit galing sa country club. Napatingin siya sa terrace. Kinawayan siya ni Brak, nakaupo ito sa pasimano. Agad niyang pinuntahan ang alien. Agad din siyang dinagit ni Brak.

At ibinaba sa Disneyland.

Disneyland. Sa Tokyo.

Naghihintay na sa likod ng isang kiosk si Blueberry.

"Let's?" anang babae sa kanya.

Napanganga na lang si Tarcila, mayamaya ay napahalakhak.

"I'll leave you two alone," wika ni Brak at lumipad na palayo.

"Oh, my God! Bakit tayo nandito, Blue?"

"Hindi pa 'ko nakakapunta dito, eh. Naisip ko, dito kita dalhin." Naglakad na sila at hindi nagtagal ay bahagi na ng volume ng mga turista doon. "Happiest place on earth."

"Gusto mo 'kong malibang kasi... wala na si Arik. Thanks, but I'm okay. S-something happened at alam ko, nagawa ni Arik ang gusto niya. Nakabalik siya sa Krohn. Ligtas siya. Okay na 'ko doon. Masaya na 'ko."

"I know. Kaya nga nandito tayo. Magse-celebrate tayo. Kumusta si Bok?"

"H-ha?"

Natigilan din si Blueberry. "H-hindi pa kayo nagkikita?"

"B-buhay si Bok?"

"O-oo raw, sabi ni Brak. Kasi 'yong ano—consciousness lang naman ni Arik ang bumalik sa Krohn, naiwan 'yong body—si Bok. Pero wala siyang malay. Itong asawa kong ewan, doon daw sa rooftop ng building mo iniwan si Bok kagabi kasi raw, may party sa katabi mong unit. May mga tao sa terrace, makikita siya. Kung papasok naman siya sa building, ang daming CCTV. Umiiwas na si Brak sa mga gano'n. Kanina ko lang naman nalaman kasi ang tagal gumising ni Brak. Shit, akala ko naman, kasama mo na si Bok—hindi mo pa siya nakikita?"

"H-hindi—pero—sigurado ka, buhay si Bok?"

"Oo... Shit! Teka." Kinuha ni Blueberry ang cell phone at ilang saglit pa ay kausap na si Brak.

Nang itabi ng babae ang cell phone, alam na ni Tarcila.

"Nawawala si Bok..." anas niya.

"Sorry," ani Blueberry. "Pero ipinapahanap ko kay Brak. Makikita mo pa siya. G-gusto mo na bang bumalik muna sa Manila?"

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Naiintindihan ko. Marami pa naman tayong chance mamasyal."

Buhay si Bok!

But where was he?

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin