Untitled Part 40

634 34 0
                                        


Speaking of... Napalingon sila dahil sa kalampag ng bakal na pinto sa gawing likuran nila.

"Arik," aniya. "Paano ka nakauwi?"

"Bus. MRT. Because unlike some... being, I can't fly," sagot ni Arik, lumapit sa kanila. "I appreciate you flying my female home," wika nito kay Brak, puno ng sarcasm.

"I'm not your female," asik ni Tarcila, her inner Gabriela kicking in.

Hindi iyon pinansin ni Arik. "Puwede ba tayong mag-usap?" tanong nito kay Brak.

"I need to go, bro."

"There's something you're not telling me."

Palipat-lipat ang tingin ni Tarcila sa dalawang elyen. Walang itulak-kabigin ang kanyang mga mata. But her heart settled the matter. She ended up staring at Arik. Mas kumapal na ang balbas at bigote nito, humulagpos na sa man bun ang strands ng buhok, at inililipad ng hangin patungo sa mukha. He looked older... tired. His broad shoulders looked defeated by whatever baggage he was carrying.

Nagpatuloy si Arik. "I thought of everything you've said. Mula sa umpisa. You've been to Krohn... to the future. You knew about the Fire of Heraklus. 'Sabi mo, wala na akong babalikan doon. You lied."

Hindi makasagot si Brak.

"You can take me back and not just back... I'm talking about the past. You can take me to the past."

"You would need the exact circumstances to get back to Krohn," wika ni Brak. "Only the collision of particles can recreate the explosion that will open up to doors to different universe. What happened to me was a fluke. There was an explosion in the facility. It was massive. The electrons in the Hadron Collider were accidentally released. I got caught up in the collision which created a tiny black hole—" Tumingin si Brak kay Tarcila. "Blue doesn't need to know all of these."

Tumango siya.

"How can we recreate that explosion?" tanong ni Arik.

"The Hadron Collider, in Switzerland. But we can't just barge in there and demand that they run it. It's... dangerous. It could destroy this entire planet. And I cannot guarantee your survival. You are not like me. Your consciousness cannot go around for a long time without a body. You need a host the moment you leave the physical form. If you want to go back to a particular space and time, you have to do it quick. You only get one chance. And you might not have it."

Napamata si Tarcila kay Brak. "What do you mean?"

"There is no guarantee that the explosion will take him back to Krohn. He might just end up in another planet—if he's still alive, that is." Tumingin uli si Brak kay Arik. "Do you really want to take that risk?"

"I have nothing to lose," sagot ni Arik.

"Are you sure?" tanong ni Brak. Hindi sumagot si Arik. "I need to go," wika na lang ni Brak at sa isang iglap, nasa himpapawid na ito.

Hinarap ni Tarcila si Arik. "Nabasa ko na 'yon. Narinig ko na. 'Yong mga scientist, gumawa sila ng machine para makalikha ng antimatter... dark matter, whatever. Dahil doon, nakakagawa rin ng black hole. Walang nakaka-survive sa black hole, Arik. Si Brak lang siguro at magkaiba kayo. Hindi ako papayag, Arik."

"Hindi ikaw ang magdedesisyon."

"I can't let you die, Arik. Don't do it." Hinawi ni Tarcila ang buhok na tumatakip sa mukha nito. "Can you at least let me... try... to change your mind? Hindi mo ba naiisip na baka may dahilan kaya dito ka napunta? 'Sabi mo, wala kang kakaibang kakayahan sa Krohn. Pero dito, kaya mong magpatigil ng mga tao. Kaya mong—" Tiningnan niya ang tuyong halaman sa paso na marahil ay basta itinambak ng janitor sa sulok. Kinuha niya iyon, kesehodang mabigat at dinala kay Arik. "Kaya mong pasibulin ang mga halaman dito, Arik. Hawakan mo—"

Tila atubili pero naisip marahil na pagbigyan na lang siya, hinawakan ni Arik ang halaman.

Pero walang nangyari. Nanatili iyong tuyo.

"No..." anas ni Tarcila. "B-bakit? Ano'ng nangyari?"

Kinuha ni Arik mula sa kanya ang paso at ibinaba, pagkatapos ay tinungo na ang pinto. Hindi kaagad nakasunod si Tarcila. Ano ang nangyari kay Arik? Bakit hindi na ito nakakabuhay ng halaman?

Ang sabi ni Brak, galit daw si Arik. That was obvious. Pero bakit?

"Arik!" habol niya. Nasa unang landing na ito ng hagdan. Dali-dali siyang bumaba. "Ano'ng nangyari sa Krohn?"

"Hindi mo na kailangang malaman." Tuloy-tuloy ito sa pagbaba.

"Excuse me, pero nandito ka sa planeta ko. Makisama ka!"

Parang walang narinig ang alien.

"Arik! Dito, pinag-uusapan ang problema!"

"You're just a female!" sigaw na nito.

"No, I'm not!" Binilisan pa niya ang pagbaba kaya naabutan niya si Arik sa kasunod na landing. Hinaltak niya ang braso nito para mapilitang harapin siya. "Importante ako! Sa 'yo!" Hinampas niya ang dibdib nito. "Alam ko, nandiyan ako! Sa likod ng galit mo, nando'n 'yong masaya, Arik. Nando'n 'yong ayaw mong mawala. Pilitin mong maramdaman, please—"

Hinawakan siya nito sa braso, pinagmasdan ang kanyang mukha na tila may hinahanap.

"I can't forgive myself." His eyes bore deep into her soul.

Nalaglag na lang ang kanyang mga luha. "Me, too. Araw-araw, pinipilit kong kalimutan... tanggapin. Gusto kong maging masaya pero hindi ko pinapayagan ang sarili ko dahil hindi 'yon para sa kagaya ko. Wala akong karapatan. Pero sa 'yo, naging masaya ako. Naranasan ko na puwede pala. 'Wag mong bawiin sa 'kin 'yon, Arik."

Hinawakan nito ang kanyang pisngi, pagkatapos ay pinagmasdan ang daliri na nabasa ng luha. Napaawang ang bibig nito at muli siyang pinagmasdan. "A male... child.." Muling hinipo nito ang kanyang mata at tila pinag-aralan ang luha niya. "He was with you... You were with a child."

Napahagulhol na si Tarcila. "Yes, but I didn't know it was a boy... Never got to find out—"

"I feel his shell... He's still in you... in your blood stream... in your tears... in your being."

"He'll always be with me. I almost believe that I can live with it. You showed me I can and then you're taking all that hope away."

"I cannot give what I do not have, Tarcila."

"But you have it, Arik. Nakita ko. Naramdaman ko. Ayaw mo lang harapin dahil pinarurusahan mo rin ang sarili mo. Ano ba ang nawala sa 'yo?"

"Everything. Kung may tsansang mababawi ko 'yon, kahit gaano kaliit, hahawakan ko. I have to try even if it kills me. You need to give me that chance. Don't hold me back."

"Paano ako, Arik?"

"I can't give you redemption." Iniwan na siya nito sa hagdan.

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin