Untitled Part 24

577 29 0
                                    


"HI, TITA. Good morning."

"'You too. Give me a kiss, sweetheart." Iniumang ni Mommy Mia kay Arik ang pisngi. "Paguwapo ka nang paguwapo—"

"Mommy!" Sinalubong na rin ni Tarcila ang ina, niyakap niya ito at hinagkan. "Aga mo?"

"I brought you these." Isang plain brown envelope ang ipinakita nito. "From you know who."

Ganoon na lang ang tuwa ni Tarcila. "Ibinigay niya? Ang galing mo, Mommy!"

"Ahm, Tita, sa labas lang ako," sabat ni Arik, itinuro ang kapirasong terrace.

"Sure, sure. Thank you." Iginiya ni Mommy Mia si Tarcila patungo sa maliit din na komedor. "'Yan lang daw ang kaya niyang ibigay, hindi kompleto. But he's already risking his entire career on that, Tarcila. Siguraduhin mong walang ibang makakakita n'yan. Sunugin mo pagkatapos mong pag-aralan."

"Ba't hindi na lang niya sinave sa flash drive."

"He doesn't trust computers. Just make sure, hindi 'yan mapunta sa ibang kamay."

"Promise." Itinaas ni Tarcila ang kanang kamay.

"Good. Anyway, I'm leaving. Just for a while."

"Saan ka pupunta?" Na-guilty naman siya. Aalis ang kanyang mommy para makaiwas kay DILG Secretary.

"Guam."

"Ang lapit naman."

"I met someone. He has some properties there. Anyway..." Binuksan ni Mommy Mia ang Fendi clutch, may kinuhang card. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mawawala. I want you to have this. Use this, Baby Girl." Inilagay nito sa kamay niya ang debit card. "You'll need it."

"Mommy, I can't—" Pero pano nga kung kailangan nilang pumunta ni Arik sa Palawan?

"Please."

Aalis naman ang kanyang mommy. Hindi siya makukulit na sumama sa kung saan-saang party at gathering kapalit ng debit card.

"Thank you," aniya, tinanggap ang card. "Kailan ang alis mo?"

"Mamayang hapon."

"Did you have lunch na, Mommy?"

"Kusang-loob ba 'yan or you're just feeling obligated?"

"I want us to have lunch, Mommy." Pero aminado si Tarcila na gusto lang niyang ibalik ang utang-na-loob na dulot ng debit card.

Nilingon ni Mommy Mia si Arik. "What about him?"

"Solved na 'yan sa saging," aniya. Nagse-cell phone sa terrace si Arik, panay ang dutdot sa screen habang nakangiti.

"What a guy." Pumalatak si Mommy Mia.

Napatango na lang si Tarcila sa pagsang-ayon. Arik seemed oblivious of the surrounding. Engrossed sa kung ano ang ginagawa o kung sino ang ka-chat. His long hair framed his face, katatabas lang ng balbas at bigote. "Baka nakakontak ng kalahi sa ibang planeta."

"Yeah, he's really out of this world, Baby Girl." Nakamasid pa rin kay Arik si Mommy Mia. "That grin, ahh!"

"Tara na, 'My." Hinila na niya ang ina sa pinto. Nagpaalam na rin siya kay Arik. Bukas naman ang pinto ng terrace, dinig siya ng elyen. "Arikoy, labas lang kami saglit ni Mommy!"

Nag-angat ng mukha si Arik, kumaway kasama ang mga mata, telling her it was fine with him; she should go and enjoy herself. Such a simple, ordinary gesture but it totally devastated Tarcila's insides.

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin