KAHIT paano, tinanggap na ni Bok na may bahagi ng buhay niyang hindi na yata talaga niya maaalala kahit kailan. Natapos ang huling alaala niya sa pag-aaway nila ni Chloe, nasundan na iyon ng paggising niya sa rooftop.
Ipinasuri siya ni Louie sa doktor dahil balak siyang isailalim sa detox program. Laking gulat nila, lalo na si Bok, nang lumabas ang resulta ng mga test. Malinis ang kanyang sistema. Walang bakas ng kahit anong droga.
Relieved siya.
Pero bakit wala pa rin siyang naaalala kahit nang bumuti na ang pakiramdam at bumalik na ang sigla?
Amnesia raw marahil. Baka nabagok ang kanyang ulo kung saan. Pero wala rin namang nakitang mali sa CT scan kaya temporary lang daw siguro ang kanyang amnesia. Kalaunan ay maaalala rin niya ang lahat.
At habang hinihintay iyon, ayon kay Louie ay kailangan na ni Bok na magtrabaho.
Hindi pa rin maumpisahang ipaliwanag ni Bok sa sarili kung bakit sa dinami-rami ng trabaho, modeling ang naisipan niyang pasukin. Pero kung iyon ang kanyang trabaho, di sige.
Nahihiya rin naman siyang tumanggi kay Louie. Inaalagaan naman siya nito at totoo ang concern sa kanya. At sino ang ayaw kumita? Pumayag muna siya sa isang photo shoot bago nagpaalam kay Louie na uuwi sa Pangasinan.
At doon niya natuklasan ang masakit na bagay.
Wala na si Lola Unding.
"'Kakaloka ka naman, Bok," ani Efren, nasa sementeryo sila. Sinamahan siya ng kaibigan sa puntod ng kanyang lola. "Lagi ka na lang may amnesia. 'Buti hindi mo ako nakakalimutan."
"Pasalamat din ako do'n, Efren. Gusto ko lang malaman, k-kailan ako umalis dito?"
"No'ng pagkalibing din ni Lola. Sumama ka kay Tarcila."
"Sino 'yon?"
"Hindi mo rin siya maalala? Ay, bongga!"
"Efren."
"Si Tarcila, ano—friend mo. Sa kanya ka nakatira. Tawag nga nang tawag, hinahanap ka. Sabihin ko raw sa kanya kung umuwi ka rito."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
General FictionGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
