Part 6

988 42 5
                                        


DAHIL HINDI NAMAN DAW NAGNANASA SA KANYA, BALIK JESSICA SOHO ANG PEG ni Tarcila.

"Bok, tara muna ulit sa loob." Aya niya at siya na ang humila sa lalaki pabalik ng bahay. Ikinandado niya ang pinto pagkapasok. "Okay, show me." Aniya pagharap kay Bok.

"Ha?"

Oo, nga pala. Mahina sa English.

"'pakita mo ang powers mo sa 'kin. Kailangan ko ng proof." Inilabas niya ang iPhone.

Ganoon na lang ang tingin ni Bok sa gadget, "Gusto ko ng ganyan."

"Wala kang cellphone?"

"Wala. Gusto ko."

"E, hindi ko 'to pwedeng 'bigay sa 'yo." Pagnasaan mo muna ako. Ano ka swerte?

"Hindi ko naman hinihingi. Bibili ako. Pero nagastos lahat ng pera ko sa libing ni Lola Unding."

"Kawawa ka naman--pero sige na, patingin ng powers mo kung talagang totoo."

Itinapat ni Bok ang palad sa mukha niya. Walang nangyari. Inulit nito ang ginawa. Sa pangatlong beses pa lamang naramdaman ni Tarcila na hindi na naman siya makagalaw. Ang pakiramdam ay kaparis niyong sa panaginip na gustong-gusto nang gumising ng nananaginip pero hindi makagalaw, hindi makapagsalita.

Hindi rin niya maigalaw ang mga mata kaya nang mawala sa line of sight niya si Bok, hindi niya alam kung saan ito nagpunta o kung ano ang ginagawa. Manhid rin ang pakiramdam niya--parang binti niya kapag matagal siyang naupo. Kung ganoon....tumigil rin ang daloy ng dugo niya? Sa buong katawan? Mamatay siya!

Bigla niyang naramdaman ang pins and needles sensation. Kaparis noong una. Alam niyang makakagalaw na ulit siya. Mata ang unang gumalaw. Nasa bandang gilid pala niya si Bok, animo faith healer na inoorasyunan ang bumbunan niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Masyadong abala ang kanang bahagi ng utak mo. Kaya hindi ko agad nakontrol."

Hindi yata mauubos ang sorpresa ng lalaki. Gilalas na naman si Tarcila, "You mean...walking CT scanner ka rin? Kaya mong ma-X-ray ang utak ko?"

"Kaya kong maramdaman ang enerhiya galing sa koryente sa katawan ng tao."

"Katawan? MRI ka!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Natutop ni Tarcila ang bibig, "Oh, my God, Bok. M-May powers ka nga...ano ka?"

"Hindi ko alam."

"B-Baka X-Man?" Napaatras siya ng kaunti.

"Ano 'yun?"

"M-Mutant." Si Professor X ba ito? Hindi. Mahaba ang buhok, eh. Baka si...Magneto!

"Mutant? Ninja Turtles?" Wika ni Bok, nakatawa ang mga mata.

"Hindi mo alam ang X-Men pero Ninja Turtles alam mo?" Gusto na rin ni Tarcila matawa, kung hindi siya galling sa kahindik-hindik na pangyayari.

"Meron dun sa kwarto ko, nasa kabinet. Laruan ko dati."

"Ah." Tango ni Tarcila. "Pero teka--ano 'yung na-scan mo sa utak ko?"

"Sa kanan, malakas ang enerhiya. 'yon ang aktibo. Malikhain ka. Malikot ang imahinasyon."

"May powers rin ako?" Kilala siya sa pagiging 'scatter-brain'. Madalas mapagkamalang walang paki sa mundo at bigla-biglang nagha-hang sa gitna ng conversation. Hirap na hirap siyang ipaliwanag sa mga tao na hindi siya naka-hang, May naisip lang siya bigla na hindi niya agad-agad mapakawalan.

Arik, the Traitor of KhronBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin