chapter FOUR

1K 51 10
                                    


CHAPTER FOUR

MADALDAL SI MISS MARITESS. A WOMAN AFTER TARCILA'S HEART. NASA early fifties, pleasant-faced, rotund. Matapos siyang salubungin at patuluyin na animo long-lost friend, hinayinan siya ng isang bilaong biko at instant coffee. Pinuri niya ang bahay. Dalawang palapag. Peach at puti ang kulay sa labas, puti lang sa loob. Nasa 75 sq. m. ang floor area, pinkish ang tiles na sahig. Tanaw niya mula sa salas ang komedor at kusina .Gawa sa kahoy ang mga pangunahing kasangkapan, makintab ang barnis at may mga ukit. Walang alikabok at maaliwalas. Kaya napuri niya.

Dahil doon, nagsalaysay na ng talambuhay si Miss Tess. Matagal daw nagtrabaho sa Dubai, sinuportahan ang buong pamilya, pinag-aral ang mga pamangkin. Hindi na nag-asawa. Ngayon,nagnenegosyo ng biko at ang mga pinag-aral daw na mga pamangkin naman daw ang sumusuporta dito. Mayroong dentista na, mayroong seaman, mayroong computer programmer. Proud na proud si Miss Tess sa sarili at sa pamilya.

Kuntento na daw ito sa simple pero mapayapa at masayang buhay sa probinsya. Gustong mainggit ni Tarcila pero sa kailaliman ng kanyang damdamin, alam niyang hindi siya makukuntento at liligaya kung itatanim niya ang sarili sa lugar na kaparis ng Amurao. Mas maligaya siya sa big city, its malls, restaurants, coffee shops...yeah, she could not live without coffee shops. Pero masarap ang biko ni Miss Tess, inferness.

Nalaman na rin niya masalimuot na lovelife ng kasa-kasama ni Miss Tess sa bahay. Tatlo anak, iba-iba ang tatay. Akalain mo, may ganun sa Amurao? Ah, kalandian knows no bounds.

Isang oras na silang nagkukuwentuhan bago pa niya naitanong ang talagang pakay niya.

At wala rin daw itong napansin na usok.

Sa haba ng tsikahan nila, waley. Tinanong na lang niya kung sino pa ang pupuwede niyang ma-interview. Nakita talaga niya ang manipis na usok, pero walang maniniwala sa kanya kung walang ibang magsasabi na mayroon talaga.

"Mmmm, sinu-sino nga ba ang nandun noon?" Wika ni Miss Tess. "Si Ka Henry, parang nandun. Ang dami na kasing tao, sumisiksik ako papunta sa unahan dahil gusto kong isara ang pinto dun, may nakaharang na mga upuan at ginawa nang tuntungan ng mga bata at miron. Mahirap ma-pinpoint kasi halos buong baryo yata, nandun."

Oo, nga naman.

"Napanood n'yo ba lahat ng incident ng sapi? Pati 'yung kauna-unahan?" Tanong na lang ni Tarcila.

"'Yung una, hindi. Nagde-deliver ako ng biko. Pangalawang araw, nakita ko ng konte dahil hindi ko agad nalaman. Pawala na ang sapi nung dumating ako, parang hinang-hina na si Father Melo, inalalayan s'ya ni Bok--" parang natigilan si Miss Tess.

"May naalala kayo?" Tanong ni Tarcila.

"Nagtataka ako." Tila nag-iisip pa rin, sumubo ito ng biko, "Nung dumating si Bok--nagulat pa ako dahil bigla s'yang sumulpot doon, tapos para akong namalikmata--sabagay, pag nakita mo si Bok, mamamalikmata ka rin."

"Si Bok ho 'yung long-haired?" Paano'ng hindi siya mamamalikmata eh, parang Jesus? Sino'ng makasalanan ang hindi matitigilan?

"Oo. Apo ni Lola Unding--" nagsangalan ng Ama si Miss Tess, "Sumalangit nawa. Kalilibing lang sa matanda kanina, hindi na ako nakasama at sinumpong ako ng arthritis."

Inagapan na ni Tarcila ang usapan at mukang magdi-digress na naman sila, "Paano n'yo ho nasabing namalikmata kayo?"

"E, nandun si Bok, nakayuko kay Father. Parang ang kasunod na, eh buhat-buhat n'ya 'yung bata na sinapian tapos wala akong maalalang detalye bago 'yun."

Arik, the Traitor of KhronHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin